Realidad ng kahirapan sa buhay sa urban area, nakita ni Cardinal Advincula sa Maricaban, Pasay

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 884 total reads

Inilarawan ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang isang komunidad sa Pasay City na sumasalimin sa realidad ng buhay ng karaniwang Filipino.

Ito ang pagninilay ni Cardinal Advincula sa misang ginanap sa Mary Comforter of the Afflicted Parish sa Maricaban Pasay noong Hunyo 27, 2021.

Napili ng Archdiocese of Manila na bisitahin sa unang pagkakataon ni Cardinal Advincula ang komunidad ng Maricaban.

“Maraming salamat sa inyong mainit na pagtanggap; ang inyong komunidad dito sa Maricaban ay isa sa mga una kong nadalaw at sa aking pag-ikot ay nakita ko ang realidad, realidad ng inyong buhay na siyang larawan ng realidad ng buhay ng marami sa ating mga kapatid dito sa Archdiocese of Manila; realidad ng kahirapan, ng pangangailangan, ng pagdurusa ng pagiging kapos sa maraming bagay at ng kawalan ng pagasa,” bahagi ng pagninilay ni Cardinal Advincula.

Ikinalungkot ng arsobispo na sa kabila ng kasalukuyang sitwasyon ng mamamayan ay pinalala pa ito ng epekto ng coronavirus pandemic kung saan marami ang nagdusa dahil sa kawalan ng pagkakitaan.

Sa pagbisita ng Kardinal sa Maricaban pinangunahan nito ang pamamahagi ng tulong sa mahihirap na pamilya sa pakikipagtulungan sa Caritas Manila, ang social arm ng arkidiyosesis.

Sa panayam ng Radio Veritas kay Caritas Manila Executive Director Fr. Anton CT Pascual ibinahagi nitong suportado ni Cardinal Advincula ang mga programa ng institusyon lalo na ang scholarship program sa kabataan at ang plant-based program para isulong magandang kalusugan ng mamamayan.

Dahil dito tiniyak ni Fr. Pascual ang buong suporta sa arsobispo sa pamamagitan ng pagpapaigting sa mga programa ng Caritas Manila.

“Mas lalo tayong inspired na pag-ibayuhin ang ating paglilingkod sa mga mahihirap lalong lalo na sa bandang Tondo [Manila], dito sa Maricaban [Pasay] upang madama ng mahihirap ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod ng simbahan,” pahayag ni Fr.Pascual sa Radio Veritas.

Nasa isandaang pamilya sa lugar ang napagkalooban ng tulong ng Caritas Manila na mga food bags at maging ng gift certificates.

Labis namang ikinatuwa ni Fr. Russel Ocampo, kura paroko ng MCAP ang pagdalaw ni Cardinal Advincula at pinasalamatan ang nasasakupang mananampalataya sa pakikiisa sa paghahanda sa pagdalaw ng cardinal at pagtiyak na maipatupad ang safety health protocol.

Pinasalamatan din ni Fr. Ocampo ang Caritas Manila sa patuloy na suporta sa kanilang parokya lalo sa pangangailangan ng mga nasasakuapang mamamayan.

“Una lubos po yung pagpapasalamat po namin sa Caritas Manila na walang sawang tumutulong dito sa amin simula pa po noong hindi pa pandemya talagang tumutulong na po ang Caritas Manila dito sa Maricaban lalot higit ngayong pandemya; napakagandang simbolo po yung ginawa kanina na inabot yung mga regalo ng Cardinal sa kanila,” pahayag ni Fr. Ocampo.

Bago italagang arsobispo ng Maynila kilala si Cardinal Advincula bilang malapit sa mahihirap sa pamamagitan ng kanyang mga programa sa Archdiocese ng Capiz na pagtatayo ng mga mission stations sa mga kanayunan at sa lugar ng mga katutubo.

Hunyo 24 nang pormal na italaga si Cardinal Advincula bilang ika – 33 arsobispo ng Maynila kahalili ni Cardinal Luis Antonio Tagle na kasalukuyang nasa Vatican.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 4,832 total reads

 4,832 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 36,107 total reads

 36,107 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 115,828 total reads

 115,828 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 210,054 total reads

 210,054 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 270,407 total reads

 270,407 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 37,881 total reads

 37,881 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top