Bishop-elect Pedregosa, palalawakin pa ang programa ng Diocese of Malaybalay sa mga katutubo at mahihirap

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 641 total reads

Tiniyak ni Diocese of Malaybalay Bishop – elect Noel Pedregosa na ipagpatuloy ang programa ng diyosesis para sa mahihirap lalo na sa mga katutubo.

Sa panayam ng Radio Veritas sa bagong talagang Obispo ng diyosesis, sinabi nitong palalawakin pa ang pagtugon ng Simbahan sa pangangailangan ng mahihirap na komunidad lalo na ang mga labis naapektuhan ng pandemya.

“Usa sa number 1 nga plano sa Diocese of Malaybalay kining pagpadayon sa among ‘care for the poor program’ namo tungod niining pandemya [Isa sa number 1 na plano ng Diocese of Malaybalay itong pagpapatuloy sa aming ‘care for the poor program’ bilang tugon sa pandemya],” pahayag ni Bishop-elect Pedregosa sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng pari na sa ilalim ng programa nagsasagawa ang diyosesis ng feeding program sa mahihirap na pamayanan lalo sa mga lumad, ang pabahay program sa mga walang tahanan at ang pagpapatupad ng mga safety measures para labanan ang epekto ng COVID – 19.

Iginiit ni Bishop-elect Pedregosa ang patuloy na pagtupad sa misyon na iniatang ng Simbahan sa pagpapastol sa mahigit isang milyong mananampalataya ng diyosesis sa kabila ng iba’t ibang hamong kinakaharap ng mamamayan.

“Dili namo tugutan ang COVID-19 nga makapakgang sa pagpadayon sa misyon ni Kristo so padayon ang atong general mission, ang pagbisita sa mga hilit nga lugar [Hindi ko hahayaang maging hadlang ang COVID-19 sa pagpapatuloy ng misyon ni Kristo, so ipagpatuloy ko ang general mission, ang pagbisita sa mga liblib na lugar ng diyosesis],” ani ng bagong talagang obispo.

Makaraang lisanin ni Archbishop Jose Cabantan ang Malaybalay para sa Archdiocese ng Cagayan De Oro noong Agosto 2020, hinirang si Bishop – elect Pedregosa bilang tagapangasiwa ng diyosesis.

Ikinatuwa ni Bishop-elect Pedregosa ang pagiging administrator ng Malaybalay sapagkat ipinakikita ng halos isandaang mga pari ang pakikiisa at pakikipatulungan sa para sa ikabubuti ng simbahan at nasasakupan.

Sa halos isang taong pangangasiwa nagsagawa ng pastoral visit ang bagong talagang obispo ng Malaybalay sa mga parokya upang alamin ang pangangailangan ng mananampalataya at mapakinggan ang mungkahi ng mga pari.

Mensahe ni Bishop-elect Pedregosa sa mananampalataya ng diyosesis ang patuloy na panalangin at pagpapalaganap ng dakilang pag-ibig ng Diyos sa sangkatauhan.

“Mensahe ko sa mga taga Diocese of Malaybalay ang kasiyahan, pagpapasalamat, pag-asa at higit sa lahat ang mensahe ng pag-ibig na nakaugat kay Kristo,” dagdag pa ni Bishop-elect Pedregosa.

Sa hiwalay na panayam ng Radio Veritas, ikinatuwa ni Archbishop Cabantan ang pagkakatalaga ni Msgr. Pedregosa bilang pinunong pastol ng diyosesis habang nagpapasalamat ito sa Diyos sa biyaya ng panibagong misyon ng mabuting pastol.

“Akong dakong pasalamat sa Ginoo nga nahatagan na ug obispo ang Diocese sa Malaybalay. Wala magdugay ang ilang paghulat. Gikalipay gayud kini sa tanang katawhan sa diocese nga naa nay mag-uban kanila ug mag-amoma ug mangulo sa katawhan sa Diyos [Malaki ang pasasalamat ko sa Diyos na nabigyan na ng bagong obispo ang Diocese of Malaybalay. Hindi tumagal ang kanilang paghihintay. Tiyak na ikinatutuwa ito ng mamamayan sa diocese na may pastol nang mangangalaga at gagabay sa kanila],” pahayag ni Archbishop Cabantan.

Ginawa ang pag-anunsyo sa pagkakatalaga kay Bishop – elect Pedregosa ni Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown sa pagdiriwang ng Pope’s Day noong Hunyo 29 sa Manila Cathedral sa Misang ginanap sa karangalan nina Apostol San Pedro at San Pablo.

Sa kasalukuyan, may tatlong sede vacante pa ang bansa ang Archdiocese ng Capiz, Diocese ng Alaminos at ang Apostolic Vicariate ng San Jose Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Protektahan ang mga bata

 6,187 total reads

 6,187 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 37,461 total reads

 37,461 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 117,100 total reads

 117,100 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 211,326 total reads

 211,326 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Dagat ng basura

 271,635 total reads

 271,635 total reads Mga Kapanalig, hindi lang korapsyon sa mga flood control projects ang umaalingasaw tuwing tag-ulan. Nangangamoy din ang baho ng bigóng pagtugon natin sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Mga sakristan, pinaalalahanan ni Bishop Gaa

 38,019 total reads

 38,019 total reads Pinaalalahanan ni Novaliches Bishop Roberto Gaa ang mga sakristan na huwag ituring na simpleng ritwal o pagsunod sa mga alituntunin ang kanilang paglilingkod

Read More »
Scroll to Top