Pope Francis, nagpaabot ng pakikiramay sa pamilya Aquino

SHARE THE TRUTH

 474 total views

Nagpaabot ng panalangin at pakikiramay ang Kanyang Kabanalan Francisco sa mga Filipino partikular na sa pamilya Aquino kasunod ng pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III noong ika-24 ng Hunyo, 2021.

Sa mensaheng ipinaabot ng Santo Papa sa Malacañang ay ibinahagi ni Pope Francis ang kanyang buong pusong pakikiramay sa pagpanaw ng dating pangulo ng Pilipinas.

“Saddened to learn of the death of former President Benigno Simeon C. Aquino III. I extend my heartfelt condolences to the people of the Philippines.” Ang bahagi ng ipinaabot na mensahe ni Pope Francis sa pamamagitan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Inaalala rin ni Pope Francis ang naging serbisyo ng dating Pangulong Noynoy Aquino na kanyang personal na nakaharap at nakadaupang palad ng dalawang beses noong 2015.

Tiniyak naman ni Pope Francis ang pananalangin para sa ikapapayapa ng kaluluwa ng dating pangulo sa piling ng Panginoon at maging ang katatagan ng kanyang mga naiwang kaanak at mahal sa buhay.

“Recalling the late President’s service to the nation, I commend his soul into the hands of the all-merciful God. Upon his family and all who mourn in his passing I invoke abundant consolation and peace in the Lord,” Dagdag pa ni Pope Francis.

Unang nagkaharap ng personal ang Kanyang Kabanalan Francisco at si dating Pangulong Noynoy Aquino noong Enero ng taong 2015 ng personal na nagtungo sa Pilipinas si Pope Francis para sa kanyang Apostolic Visit upang ipadama sa mga biktima ng Super Typhoon Yolanda ang habag at awa ng Panginoon.

Sinundan naman ito ng muling pagkikita ng dalawang opisyal noong Disyembre ng parehong taong 2015 ng magtungo sa Vatican si dating Pangulong Aquino kung saan natalakay ng dalawa ang mga usapin ng kapayapaan sa Mindanao, Climate Change at patuloy na rehabilitation sa mga biktima ng super Typhoon Yolanda.

Una ng pinasalamatan at kinilala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines si dating Pangulong Noynoy Aquino sa naging buong suporta nito sa Simbahang Katolika lalo na sa mahahalagang gawain tulad ng Canonization ni Blessed Pedro Calungsod noong 2012, Apostolic Visit ng Kanyang Kabanalan Francisco noong 2015, at 51st International Eucharistic Congress sa Cebu City noong 2016.

Pumanaw ang 61-taong gulang na si dating Pangulong Aquino ganap na alas-sais y medya ng umaga noong Huwebes ika-24 ng Hunyo, 2021 dahil sa renal disease secondary to diabetes.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

50-PESOS WAGE HIKE

 10,775 total views

 10,775 total views 50-pisong dagdag sa arawang sahod ng mga minimum wage earners. Dapat bang matuwa ang mga manggagawang Pilipino lalu sa National Capital Region? Sa

Read More »

PRIVATIZATION

 21,403 total views

 21,403 total views Kapag palpak ang pagpapatakbo ng gobyerno at ahensiya nito sa isang public services., dahil sa kakulangan ng kakayahan., korapsyon… ang solusyon, (privatization)… isapribado

Read More »

BICAM OPEN TO PUBLIC

 42,426 total views

 42,426 total views Napakagandang hangarin at mithiin., maisakatuparan naman kaya ito? Kapanalig, ang bicameral conference committee ay binubuo ng mga mambabatas mula sa mataas at mababang

Read More »

Isang bayang hindi kayang mag-isip

 61,288 total views

 61,288 total views Mga Kapanalig, “exceptional product of human genius” ang tawag ni Pope Leo XIV sa artificial intelligence (o AI). Mula sa healthcare hanggang sa

Read More »

Pagulungin ang proseso ng batas

 93,837 total views

 93,837 total views Mga Kapanalig, humiling ang defense team ni dating Pangulong Duterte na payagan ang kanilang kliyente na pansamantalang palayain habang dinidinig ang kanyang kasong

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top