Bishop Pabillo, itinalagang Obispo ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 920 total reads

Itinalaga ng Kanyang Kabanalan Francisco si Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo bilang punong pastol ng Apostolic Vicariate of Taytay Palawan.

Inanunsyo ang pagkakatalaga kay Bishop Pabillo sa pamamagitan ni Papal Nuncio Archbishop Charles John Brown bago mag simula ang Banal na Misa sa karangalan nina Apostol San Pedro at San Pablo sa Manila Cathedral nitong Hunyo 29, 2021 ang pagdiriwang ng Popes Day.

Si Bishop Pabillo na tubong Negros Occidental ay ipinanganak noong Marso 11, 1955 at naordinahang pari Disyembre 8, 1982 bilang bahagi ng Salesian missionary.

Taong 1999 nang maging bahagi si Bishop Pabillo sa kaparian ng Puerto Princesa Palawan habang Mayo 24, 2006 nang italagang katuwang na obispo sa Arkidiyosesis ng Maynila.

Makalipas ang 16 na taon Itinalaga si Bishop Pabillo bilang obispong tagapangasiwa ng arkidiyosesis makaraang hinirang na Prefect ng Congregation for the Evangelizations of Peoples sa Vatican si Cardinal Luis Antonio Tagle.

Sa mahigit isang taong pangangasiwa ni Bishop Pabillo sa Arkidiyosesis hindi matatawaran ang paglilingkod nito sa Sambayanan lalo na sa gitna ng pandaigdigang krisis pangkalusugan dulot ng COVID 19.

Taong 2018 nang maging sede vacante ang Taytay Palawan makaraang tanggapin ni Pope Francis ang pagretiro ni Bishop Edgardo Juanich sa edad na 66 taong gulang dahil sa usaping pangkalusugan ng obispo.

Kasalukuyang tatlo pa ang sede vacante sa bansa ang Archdiocese ng Capiz, Diocese ng Alaminos at Apostolic Vicariate ng San Jose Mindoro.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

LEADERSHIP PROBLEM

 176,732 total reads

 176,732 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 206,011 total reads

 206,011 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Bunga ng araw-araw na karahasan

 240,136 total reads

 240,136 total reads Mga Kapanalig, nitong mga nakaraang linggo, nagkaroon ng malawakang kilos-protesta sa mga bansa sa Europa gaya ng France, Italy, Spain, at Portugal. Ilan

Read More »

Umaalis ang mga nars

 296,540 total reads

 296,540 total reads Mga Kapanalig, may ganitong tanong sa isang sikat na kanta: “Napakaraming nars dito sa amin, ngunit bakit tila walang natira?” Ang sagot? “Nag-a-abroad

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top