Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Coat of arms ng Archdiocese of Caceres, binago sa tunay na simbolismo

SHARE THE TRUTH

 565 total views

Nagpatupad ng ilang pagbabago ang Archdiocese of Caceres upang ma-enhance ang ilang elemento ng opisyal na coat of arms nito na hango pa rin sa orihinal na sagisag na ginagamit ng arkidiyosesis.

Sa liham sirkular ni Caceres Archbishop Rolando Tria Tirona, inihayag ng Arsobispo na ang pagbabago sa kasalukuyang coat of arms ay bahagi ng patuloy na paggunita sa ika-70-anibersaryo mula ng itinalaga ang Caceres bilang isang arkidiyosesis mula sa pagiging isang diyosesis noong June 29, 1951.

Ayon kay Archbishop Tirona, puno ng kagandahan at kahulugan ang coat of arms ng arkidiyosesis na sumisimbolo at sumasagisag sa mayamang kasaysayan ng pananampalataya, pag-asa at pag-ibig sa Panginoon ng bawat mananampalataya sa loob ng mahigit 400-taon mula ng maitatag ang Diocese of Nueva Caceres noong August 14, 1595.

Ipinaliwanag ng arsobispo na sa paglipas ng mga taon ay kapansin-pansin na rin ang pag-iba-iba at hindi tamang pagkakasalin sa coat of arms ng arkidiyosesis na dahilan upang mawala ang tunay na kahulugan at simbolismo nito.

Binigyang diin naman ni Archbishop Tirona na mahalagang sundin ng bawat parokya, paaralan, institutions, communities, offices, commissions, at ministries sa Archdiocese of Caceres ang guidelines para sa naaangkop at tamang paggamit ng enhanced coat of arms ng arkidiyosesis upang mapanatili ang simbolo at kahulugang nakapaloob dito na pinangasiwaan ng Caceres Commission on Communications.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

ICC TRIAL

 803 total views

 803 total views Kapanalig, matapos ang 2025 midterm elections kung saan multi-bilyong piso ang nagastos at marami ang kumapal ang bulsa pansamantala., maraming relasyon ang nasira,

Read More »

REAWAKENING

 9,039 total views

 9,039 total views Kapanalig, nagising na nga ba ang mga botanteng Pilipino? Akalain mo, nagulat ang mga “political observer” sa naging resulta ng 2025 midterm election,

Read More »

20-PESO RICE

 17,021 total views

 17,021 total views Ibaba sa 20-pesos kada kilo ang presyo ng bigas… Ito ang naging pangako ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga Pilipino tatlong taon

Read More »

Cyber terrorists?

 25,610 total views

 25,610 total views Mga Kapanalig, hindi nakaligtas maging ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (o CBCP) sa mga nagpakalat ng fake news noong panahon ng

Read More »

Nakamamatay ang kurapsyon

 34,008 total views

 34,008 total views Mga Kapanalig, bago ang eleksyon, may trahedyang naganap sa Ninoy Aquino International Airport.  Dalawa ang namatay at apat ang nasugatan matapos araruhin ng

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

Cardinal Tagle, pangungunahan ang PCNE XI

 1,197 total views

 1,197 total views Inaanyayahan ng Office for the Promotion of New Evangelization (OPNE) ng Archdiocese of Manila ang mananampalataya sa ika-11 yugto ng Philippine Conference on

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top