6,396 total views
Ipinagmalaki ng Parish Pastoral Council on Responsible Voting (PPCRV) ang pagbibigay ng markang “greater transparency” sa Commission on Election o COMELEC.
Pinuri ng PPCRV ang transparency efforts ng COMELEC sa nakalipas na 2025 midterm national at local elections.
Iniulat din ng PPCRV na naging payapa at maayos sa pangkabuuhan ang katatapos na 2025 midterm elections sa bansa sa kabila ng mga ulat ng kaguluhan at kalituhan.
Pinasasalamatan naman ni Singson ang mahigit sa 350-libong PPCRV volunteers sa ground at 10-libong volunteers sa PPCRV national command center.
“Ito ang aming huling engangement for the election, itong ating paglalatag, pagrereport ng aming mga na-obserbahan in the 2025 National and Local Election. Ang Aming mensahe unang-una malaking pasasalamat po sa lahat ng aming mga volunteers, mayroon po kaming mga 350-thousand on the ground sa mga polling centers, sa mga precinct at mayroon kaming over 10-thousand na tumulong dito sa unofficial parallel count sa aming National PPCRV Comman Center, that’s 360-thousand plus,” ayon sa panayam ng Radyo Veritas kay Singson.
Kinilala naman ni COMELEC chairperson George Garcia ang lahat ng findings at rekomendasyon ng PPCRV sa matagumpay na 2025 elections.
Nangako si Garcia na ikukunsedera ng COMELEC ang pakikinig sa mga komento at mungkahi ng PPCRV kung paano maidadaos ng mas maayos ang mga susunod na eleksyon.
Ayon sa mga ulat, mayroong tatlong pangunahing suliranin ang nakaharap ng mga botante kung saan umabot sa 427 ang naging problema sa scanning ng mga Automated Counting Machines sa ibat-ibang presinto, 271 naman ang ballot related problems dahil sa mga nadudumihang papel o kagamitan, at 101 insidente ng hindi tugmang ballot at voting receipts.