Mahalagang papel ng mga kabataan sa simbahan, kinilala ni Cebu Archbishop Uy

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 46,986 total views

Kinilala ni Cebu Archbishop Alberto Uy ang mahalagang papel ng mga kabataan sa Simbahang Katolika.

Sa katatapos na 2-day National Youth Conference ng CHARIS Philippines, pinuri ng arsobispo ang pagtitipon bilang paraan upang higit na mapatatag ang pananampalataya ng mga kabataan at mahubog ang kanilang pagkatao.

“Young people are special in the heart of God. This kind of gathering reminds them to stay with God and be active in the Church so that their faith will not only be nourished but strengthened,” pahayag ni Archbishop Uy sa Radyo Veritas.

Ayon sa arsobispo, napakahalaga ng ganitong mga gawain na nagbubuklod sa mga kabataan lalo na sa panahong humaharap sila sa maraming hamon ng lipunan.

Binanggit ng arsobispo ang mga usaping nakakaapekto sa kabataan gaya ng mental health concerns, depression, suicide, at ang paglaganap ng fake news at bashing sa social media na maaaring makasira sa kanilang pananampalataya at pagkatao.

“We need gatherings like this for our young people to help them develop stronger faith in God and a stronger belief in themselves,” dagdag pa ng arsobispo.

Samantala, sinabi ni Fe Barino, national coordinator ng CHARIS Philippines, na paiigtingin ng mga charismatic groups sa bansa ang mga programa para sa pagpapalalim ng pananampalataya, bilang paghahanda ng Simbahan sa Global 2033 Evangelization.

“We are now starting to mobilize evangelizers, as the Commission on Evangelization has asked the charismatic renewal to be at the forefront of the Global 2033 in the Philippines. We trust in the Holy Spirit, who is working with us to help this mission,” pahayag ni Barino sa Radyo Veritas.

Ang Global 2033 ay isang pandaigdigang misyon ng Simbahang Katolika na naglalayong paghandaan ang ika-2,000 anibersaryo ng Pagkabuhay ni Hesukristo.

Layunin nitong hikayatin ang bawat binyagan na maging aktibong tagapagpahayag ng Ebanghelyo sa pamamagitan ng panalangin, malasakit, at pagbabahagi ng pananampalataya.

Batay sa datos ng CHARIS Philippines, mahigit 800 kabataan mula sa 40 diyosesis sa buong bansa ang lumahok sa unang National Youth Conference, na may temang “Shine Jesus Shine” hango sa Ebanghelyo ni San Mateo 5:16.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

BAKIT BIGO ANG K-12?

 48,924 total views

 48,924 total views Kapanalig, ipinatupad ang K-12 program o K-12 educational curriculum noong 2013 sa bisa ng Republic Act No. 10533 or the Enhanced Basic Education

Read More »

MAGING PANAHON NAGUGULUHAN NA

 44,793 total views

 44,793 total views Kapanalig, ano ba ang nangyayari sa ating bayan? Sa Senado, litong-lito na ang maraming Pilipino… Hindi na malaman ng marami kung ano ang

Read More »

Baluktot na katotohanan

 80,995 total views

 80,995 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 89,673 total views

 89,673 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 114,851 total views

 114,851 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top