Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Community lockdown dahil sa COVID-19, hamon sa Basic Ecclesiastical Communities.

SHARE THE TRUTH

 317 total views

Umaasa ang Archdiocese of Cagayan de Oro na magsisilbing daan ang pansamantalang mga limitasyon at pag-iingat na ipinatutupad ang Simbahang Katolika mula sa Coronavirus Disease 2019 o COVID-19 pandemic upang mas mapatatag ang samahan at pananampalataya ng bawat pamilya.

Ayon kay Archbishop Antonio Ledesma – chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Mutual Relations, bahagi ng mga tagubilin ng arkidiyosesis sa bawat mananampalataya ay ang pagsusulong ng family devotion at pagdadasal ng Santo Rosaryo ng buong pamilya.

Ipinaliwanag ng Arsobispo na bagamat hindi maaring personal na makadalo sa Banal na Eukaristiya ang mga mananamapalataya ay maaring makibahagi sa Banal na Misa sa pamamagitan ng pakikinig at panunuod sa radyo at telebisyon.

Inihayag rin ni Archbishop Ledesma na isang hamon para sa Basic Ecclesial Communities ang kasalukuyang sitwasyon upang patuloy na magabayan ang bawat mananampalataya sa pagpapalalim ng pananampalataya.

“Sa aming mga memorandum dito yun din ang binibigyan namin ng diin ngayon na you should focus on family devotion and even the family rosary at saka susundin din natin even kung hindi tayo makapunta sa public masses at least over the radio and T.V the public can also join yung mga liturgical services at saka isa ring hamon ito sa mga Basic Ecclesial Communities that in smaller group they can still continue to pray and reflect together sa Word of God…“ pahayag ni Archbishop Ledesma sa panayam sa Radio Veritas.

Ibinahagi ng Arsobispo na ipinatutupad rin maging sa Cagayan de Oro ang self community slowdown o quarantine na nagbabawal sa pagkakaroon ng malalaking pagtitipon at pansamantalang suspensyon ng klase ng mga mag-aaral.

Matatandaang ika-12 ng Marso matapos na idineklara ng World Health Organization (WHO) na pandemic ang Coronavirus Disease 2019 ay ideklara ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte pagtataas ng alert system ng bansa sa Code Red Sub-level 2 kung saan pinalawig sa buong Luzon ang implementasyon ng Enchanced Community Quarantine na magtatagal hanggang sa ika-14 ng Abril.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,399 total views

 5,399 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 21,986 total views

 21,986 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,355 total views

 23,355 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,011 total views

 31,011 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,515 total views

 36,515 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Cultural
Reyn Letran - Ibañez

SLP, nagluluksa pagpanaw ni Lolo Kiko

 3,252 total views

 3,252 total views Nagpahayag ng pakikiisa ang Council of the Laity of the Philippines sa pagluluksa ng buong daigdig sa pagpanaw ni Pope Francis. Ayon kay

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

FABC, magtatatag ng Commission for Synodality

 28,479 total views

 28,479 total views Nagkasundo ang Federation of Asian Bishops’ Conferences (FABC) para sa pagtatatag ng isang bagong Commission for Synodality. Pangungunahan ni Filipino Cardinal, Kalookan Bishop

Read More »
Cultural
Reyn Letran - Ibañez

“Ang lahat ay tinatawag sa kabanalan.”

 29,164 total views

 29,164 total views Ito ang bahagi ng pagninilay ni Taytay Palawan Bishop Broderick Pabillo sa maagang pagsasagawa ng Apostolic Vicariate of Taytay, Northern Palawan ng Chrism

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top