149 total views
Bagama’t walang prusisyon o malaking pagtitipon ng mga mananampalataya, ipagdiriwang ng Prelatura ng Marawi ang makahulugang kapistahan ng ‘Corpus Christi’.
Pangungunahan ni Marawi Bishop Edwin dela Pena ang fiesta mass sa Balabagan o tinatawag na “peace corridor” na nasa boundary ng Marawi at Iligan.
Ayon kay Bishop dela Pena, magiging meaningful ang gagawin misa sa gitna ng patuloy na bakbakan sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at Maute group sa Marawi.
“Hopefully something different and meaningful. You know what yung mga big assembly, hindi na gaanong nagpupulong ang maramihan sa open space. Siguro ay benediction in church, the usual na lang na-procession sa loob ng simbahan, abbrebriate it something. For security purposes, kasi mahirap na, andoon pa rin ang pangamba ng tao na may maghasik ng lagim sa karatig na pook. We also take that as a consideration,” pahayag ng Obispo sa Radio Veritas.
Sinabi ng Obispo na walang prusisyon na isasagawa sa labas ng simbahan at mga malaking pagtitipon para na rin sa kaligtasan ng mga mananampalataya lalo na’t hindi pa natatapos ang kaguluhan sa kanilang lugar.
“Darating kami bukas para alamin ang kalagayan nila doon, to assure them that we will celebrate the Feast of corpus Christi para lalong umigting sa ating puso, ito iyong ating kalakasan, ito ang pagkain ng ating pananampalataya ng ating buhay.
So, dapat mas malalim pa ang ating pagkilala at paggalang at pagsamba sa katawan at dugo ni kristo”, ayon kay Bishop Dela Peña sa panayam ng Radio Veritas.
Ang Prelature ng Marawi ay binubuo ng pitong parokya na may walong mga pari kabilang si Father Chito Suganob na isang buwan nang bihag ng mga bandido.
Base sa 2015 survey, may higit sa 200 libo ang kabuuang populasyon ng Marawi City kung saan 13 porsiyento lamang sa mga ito ang pawang mga katoliko.