COVID-19 at ang hindi pagkapantay-pantay sa lipunan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 476 total views

Kapanalig, napakaraming problemang idinulot ng COVID-19 sa buhay ng tao sa buong mundo. Hindi lamang sakit at kamatayan ang dinala nito sa mga napakaraming tao. Pinalala rin nito ang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao sa mundo.

Bago magka-pandemya, marami ang umasa na papatak na o magti-trickle down na ang kaunlaran, lalo sa mga mahihirap sa Asya. Mabilis kasi ang naging pagsulong ng Asya. Sa katunayan, growth leader ito sa buong mundo bago magka-COVID-19. Ang Pilipinas nga, noong nakaraang administrasyon, ay nakaranas ng growth spurt. 6.2% ang annual growth rate noon. Nakakapanlumo kasi nitong 2020, -9.5% ang growth rate ng bansa. Lumala ang pagkalugmok ng ating ekomiya dahil sa mga epekto ng pandemya. Nitong 2021, unti-unti na tayong muling bumabangon.

Sa pagbangon na ito, kailangan natin masiguro na walang maiiwan sa laylayan. Kapanalig, ang isa kasing pagkukulang sa lipunan na pinalutang ng pandemya ay ang lubhang di pagkapantay-pantay ng mga tao sa lipunan. Kitang kita natin na mas malala ang epekto ng pandemya sa mga maralita at marginalized kumpara sa mga nakakabuti ang antas sa buhay.  Mas maraming kabataan at babae ang nawalan ng trabaho, mas nahirapan ang mga seniors gumalaw sa lipunan, mas hirap ang access sa edukasyon ng  mga estudyanteng mahirap, at halos mamulubi na sa hirap ang mga ordinaryong manggagawa at mamumuhunan sa bansa. Hangga’t hindi matatapos ang pandemya, mas dadami pa ang bilang nila.

Kaya nga’t napakahalaga na tutukan natin ang mga inequalities sa ating lipunan upang pantay-pantay at sabay-sabay ang ating pag-angat sa buhay. Hangga’t hindi natin natutugunan ito, hindi tunay na makaka-angat ang bayan. Ang malaking inekwalidad sa lipunan ay magdudulot ng mas mababang consumer consumption, kakulangan sa human capital, at pagtaas ng antas pangungutang. Ang lahat ng ito ay may epekto sa kabuuang ekonomiya ng bayan.

Hindi lamang iyan, kapanalig. Kung mas maraming dehado sa lipunan, sa kalaunan, dadami din ang krimen sa ating paligid. Maari rin itong magdulot ng mas malakawang korupsyon sa iba-ibang sektor. Mawawala ang kapayapaan at kaayusan sa bayan.

Ang ilan sa maaring tugon sa isyung ito kapanalig ay mga polisiya na magbibigay ng mas malawak at makabuluhang social protection, retraining programs para sa  mga nawalan ng trabaho upang mabuksan ang mas maraming oportunidad kumita, at ang paglaan ng budget para buhayin muli ang ekonomiya. Kapanalig, sabi sa Deus Caritas Est, “Sa lipunang nanalig sa Panginoon, wala dapat puwang para sa kahirapang nagnanakaw ng dignidad ng mamamayan.” Ang hindi pagkapantay-pantay sa lipunan ay sampal sa dignidad ng tao. Hindi dapat natin itong hinahayaang umiral sa ating bayan.

Sumainyo ang Katotohanan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 65,512 total views

 65,512 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 95,734 total views

 95,734 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 122,385 total views

 122,385 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 217,358 total views

 217,358 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »

Kapayapaan na ba sa wakas?

 234,125 total views

 234,125 total views Mga Kapanalig, kalagitnaan ng buwan ng Hunyo nang pirmahan nina US President Donald Trump at Iranian President Masoud Pezeshkian ang kasunduang naglalayong tuldukan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Pagsasapribado ng enerhiya para kanino?

 65,513 total views

 65,513 total views Mga Kapanalig, simula noong pumutok ang giyera sa Middle East, muling nabaling ang atensyon sa mga batas at patakarang sinasabing lalong nagpapahirap sa

Read More »

Lason sa utak ng kabataan

 95,735 total views

 95,735 total views Mga Kapanalig, nailibing na ang tatlong estudyanteng namatay sa malagim na pamamaril ng dalawang estudyante sa isang high school sa Tacloban. Hustisya pa

Read More »

Suriin ang panawagan ng protesta

 122,386 total views

 122,386 total views Mga Kapanalig, nasorpresa rin ba kayo sa rally na isinagawa ng mga miyembro ng Iglesia ni Cristo (o INC) noong Martes sa EDSA?

Read More »

INTELIHENSIYANG POLPOL

 217,359 total views

 217,359 total views Kapanalig, kada taon kapag tinatalakay ang pambansang badyet, naririndi tayong mga Pilipino sa bilyun-bilyong pisong intelligence fund. Lahat ng ahensiya ng pamahalaan, kahit

Read More »
Scroll to Top