Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

COVID-19 pandemic, mayroong kabutihang dulot sa paghahanda sa pagsilang ni Hesus

SHARE THE TRUTH

 554 total views

ni: Reyn Letran at Marian Navales-Pulgo

Ito ang paanyaya ni Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo sa mananampalataya sa pagsisimula ng panahon ng adbiyento.

Ang adbiyento ay ang panahon ng paghahanda sa pagsilang ni Hesus na nagsimula ika-29 ng Nobyembre hanggang ika-24 ng Disyembre.

Ipinaliwanag ni Bishop Pabillo sa kabila ng novel coronavirus pandemic ay nabalam ang maraming gawain ng mga tao na nakaapekto rin sa ninanais nating lahat sa buhay.

“We can always see something good sa pangyayaring ito,” ayon kay Bishop Pabillo sa programang Pastoral visit on the air sa Radyo Veritas.

Iginiit ni Bishop Pabillo na bagama’t hanggang ngayon ay nanatiling banta ang pandemya, ay marami pa ring dapat ipagpasalamat sa Diyos ang sangkatauhan.

Ayon sa obispo, hindi katulad ng mga nagdaang adbiyento at Pasko, ngayon ay isang pagkakataon ng katahimikan na mabigyan tuon ang pagdarasal, pagninilay at tahimik na paghahanda na siyang diwa ng adbiyento bago ang pagdiriwang sa pagsilang.

Ipinagdarasal ng obispo na nawa sa ating paghihintay sa pagsilang ni Hesus ay ang paghahanda ng tahimik para sa ating kaligtasan.

Lalu na sa pangakong pagbabalik ni Hesus sa wakas ng panahon kung saan magiging ganap ang kaligtasan ng bawat isa.

“Huwag po tayong matakot sa wakas ng panahon kasi yan po yung kaganapan ng ating kaligtasan. Sinimulan na ni Hesus ang pagliligtas sa atin nung Siya ay namatay at muling nabuhay, ipinagpapatuloy ng simbahan ang gawain ng kaligtasan. Pero ang lahat ng ito ay magaganap sa wakas ng panahon,” dagdag pa ng obispo.

Dulot ng pandemya, umiiral pa rin ang iba’t- ibang community quarantine sa buong bansa bilang pag-iingat mula sa nakamamatay na sakit.

Hanggang ngayon ay nanatiling limitado ang paglabas ng mamamayan, gayundin ang pagpunta sa mga shopping malls, pasyalan at ang pagdalo ng mga gawaing simbahan sa mga Parokya.

Sa kabuuang tala, sa higit 63-milyong kaso ng nahawaan ng Covid-19, may 43-milyong katao na ang gumaling sa sakit habang higit sa isang milyong katao ang nasawi.

Sa Pilipinas naitala ang bilang ng kaso ng Covid-19 sa higit 420-libo, kabilang na ang may 400-libo na gumaling mula sa karamdaman.

[smartslider3 slider="20"]

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Pope Francis

 5,491 total views

 5,491 total views Sa pagluluksa ng buong mundo sa pagpanaw ni Pope Francis o Lolo Kiko.. Alamin natin kung paano binago ni Papa Francisco ang “Papacy

Read More »

The Good News

 22,078 total views

 22,078 total views Madalas ito ang ating hinahanap… ang mabuting balita, pero tila hindi pa rin natin ito natatagpuan. Bakit napakailap nating matagpuan, makita o kaya

Read More »

Trend

 23,447 total views

 23,447 total views NAUUSO, SIKAT… Anong Ganap?…Mula sa lifestyle…sa pananamit, sa pisikal na porma…mga gawain ng idolong IDOL group, mga artista., mga personalidad… pinag-uusapan sa barber

Read More »

Maiingay na lata

 31,098 total views

 31,098 total views Mga Kapanalig, nang arestuhin si dating Pangulong Duterte para humarap sa International Criminal Court (o ICC), bumuhos sa social media ang iba’t ibang

Read More »

Edukasyon at kahirapan

 36,602 total views

 36,602 total views Mga Kapanalig, masaya ang administrasyong Marcos Jr na mahigit 90% ng mga Pilipino ang marunong magbasa, magsulat, at magbilang. Ito ang lumabas sa

Read More »

Related Story

Disaster News
Marian Pulgo

Pilipinas, magpapadala ng rescue team sa Myanmar

 8,562 total views

 8,562 total views Inanunsyo ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Claire Castro na magpapadala ang Pilipinas ng 114 personnel bukas upang tumulong sa search and rescue

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating pangulong Duterte got what he wanted

 13,611 total views

 13,611 total views Matapos ang pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court (ICC), sinabi ng isang opisyal ng

Read More »
Latest News
Marian Pulgo

Dating Pangulong Duterte, inaresto sa NAIA

 13,611 total views

 13,611 total views Inaresto ngayong umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dating Pangulong Rodrigo Duterte matapos ihain ng mga awtoridad ang warrant of arrest

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top