Hesus, pinakamahalagang regalong natanggap ng sanlibutan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,395 total reads

Ipinaalala ni Puerto Princesa Palawan Bishop Socrates Mesiona na si Hesus ang pinakamahalagang kaloob na natanggap ng sanlibutan mula sa Panginoon.

Ito ang pagninilay ng obispo sa ikapitong taon ng ‘Bugsayan’ na ipinagdiriwang ng Apostolic Vicariate of Puerto Princesa tuwing ika-30 ng Nobyembre.

Tampok sa pagninilay ni Bishop Mesiona ang regalo ng pananampalataya na tinatamasa ng bawat isa lalo na ng mga Filipino.

“Si Hesus na bugtong na Anak ng Diyos ay isang magandang regalo na ibigay sa atin dahil sa dakilang pag-ibig ng Panginoon sa sangkatauhan; a pure gift and the only motive is love,” bahagi ng pagninilay ni Bishop Mesiona.

Ipinaliwanag ni Bishop Mesiona na napakaganda ng pagbabahaginan ng regalo na nagpapatibay sa relasyon sa isa’t-isa at nagpapalalim ng pakikipagkapwa-tao.

Tampok sa ‘Bugsayan’ ngayong taon ang paghahanda sa ikalimang sentenaryo ng Kristiyanismo sa Pilipinas na ipagdiriwang sa susunod na taon habang ika-400 taon naman ng Krsitiyanismo sa lalawigan sa 2023.

Iginiit ni Bishop Mesiona na kaakibat ng pagtanggap sa regalo ng pananampalataya ay ang hamon na ibahagi rin ito sa kapwa lalo na sa mga mahina ang ugnayan sa Diyos.

“Hamon para sa ating tumanggap ng regalo ng pananampalataya na ibahagi rin ito sa kapwa; sa mga hindi pa nakakikilala sa Panginoon, hindi pa tumanggap sa Diyos at hindi pa nakararanas ng pagmamahal mula sa Diyos,” dagdag pahayag ni Bishop Mesiona.

Dahil sa kasalukuyang pandemya, isinagawa ang taunang ‘Bugsayan’ online kung saan nagbahagi ng pagninilay si Lingayen – Dagupan Archbishop Socrates Villegas.

Ang pagdiriwang ay tanda ng pagsara ng bikaryato sa Year of Ecumenism, Interreligious Dialogue and Indigenous Peoples at pagbubukas naman para sa Year of Mission Ad Gentes or Mission to the Nations – ang ikasiyam na paksa sa paghahanda ng ika – 500 taon ng Kristiyanismo sa Pilipinas.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 180,490 total reads

 180,490 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 242,177 total reads

 242,177 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 287,887 total reads

 287,887 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 389,155 total reads

 389,155 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 449,679 total reads

 449,679 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top