D1L movement, isusulong ang tunay na anti-political dynasty law

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,481 total views

Nanindigan ang grassroots coalition na Dapat Isa Lang Movement (D1L) sa pagsusulong ng isang tunay na Anti-Political Dynasty Law sa pamamagitan ng people’s initiative sa kabila ng pag-apruba ng House Bill 8389 na binatikos ng mga kritiko bilang isang “pro-dynasty” na panukala.

Ayon sa D1L, lalo lamang pinagtibay ng pagpasa ng naturang panukala ang pangangailangan para sa isang tunay na Anti-Political Dynasty Law na isang batas na tunay na maglilimita sa kapangyarihan ng mga pamilyang politikal at magbibigay ng mas malawak na pagkakataon sa mamamayan na makilahok sa pamamahala.

“This pro-dynasty bill is exactly why we wish to pass a genuine anti-political dynasty law through people’s initiative: we deserve a better law that is for the people, not dynasties,” Bahagi ng pahayag ni D1L Spokesperson Atty. Carlo Africa.

Sa ilalim ng panukalang isinusulong ng Dapat Isa Lang Movement (D1L), papayagan lamang ang bawat pamilyang politikal na humawak o tumakbo sa isang pambansang posisyon at isang lokal na posisyon.

Ipinagbabawal din nito ang sabayang pagtakbo ng mga kamag-anak hanggang ikaapat na antas ng pagkakamag-anak at pag-aasawa, gayundin ang pagpapalitan o pagsasalin ng puwesto sa loob ng pamilya.

Naniniwala naman si D1L Co-convener Atty. Alex Lacson na hindi kataka-takang magpasa ng isang mahinang anti-dynasty measure ang isang Kongreso na binubuo rin ng maraming mambabatas na nagmula sa pamilyang politikal.

“Passing a weak pro-dynasty House Bill is an obvious move for a dynasty-filled Congress. Dynasties will benefit from House Bill 8389, not us ordinary Filipinos–huwag tayo magpabudol dito!” Ayon kay Lacson.

Samantala tiniyak naman ng Dapat Isa Lang Movement (D1L) ang patuloy na pagsusumikap na mangalap ng mga lagda sa iba’t ibang bahagi ng bansa upang maisulong ang isang referendum para sa pagpapatibay ng kanilang panukalang Anti-Political Dynasty Law na tunay na tatapos sa dinastiya sa pulitika sa Pilipinas.

Nanawagan din D1L sa publiko na makiisa sa kampanya upang maisulong ang tunay repormang magpapalakas sa demokrasya at maglilimita sa paghahari ng mga dinastiyang politikal sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Baluktot na katotohanan

 31,601 total views

 31,601 total views Mga Kapanalig, unti-unting nawawala ang dignidad ng Senado sa harap mismo ng sambayanan. Sa isa sa mga plenaryo ng Senado noong nakaraang linggo,

Read More »

Handa na ba tayo sa Super El Niño?

 40,965 total views

 40,965 total views Mga Kapanalig, pakiramdam niyo rin ba na parang hindi na nawawala ang init mula umaga hanggang gabi? Kung hiráp na tayo sa panahon

Read More »

Blue Ribbon Committee: magiging patas kaya?

 67,421 total views

 67,421 total views Mga Kapanalig, ang Senate Blue Ribbon Committee (o ang Committee on Accountability of Public Officers and Investigations) ay isa sa pinakamakapangyarihang komite sa

Read More »

NUMBER’S GAME

 116,930 total views

 116,930 total views Kapanalig, ang nasaksihang natin na “tele-novela” sa Senado ay hindi pa tapos…ilang episode pa lamang ang ating napapanood. Abangan ang susunod na kabanata!

Read More »

BREAKDOWN OF MORALITY

 120,026 total views

 120,026 total views Kapanalig, sinabi sa Genesis 1:27 na “God created mankind in his image; In the image of God he created them; Male and female

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top