Kaguluhan sa liderato ng Senado, ikinababahala ng CenPEG

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 4,602 total reads

Nagpahayag ng matinding pagkabahala ang Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) sa patuloy na kaguluhan, at mga hakbang na maaaring humadlang sa pananagutan sa loob ng Senado.

Sa inilabas na pahayag, iginiit ng CenPEG na ang Senado ay hindi dapat maging kanlungan ng mga lumalabag sa batas o lugar kung saan maaaring gamitin ang kapangyarihang pampulitika upang hadlangan ang pagpapatupad ng hustisya.

Ayon kay CenPEG Chairperson Prof. Roland G. Simbulan, itinatag ang Senado upang palakasin ang demokratikong pamamahala at itaguyod ang tuntunin ng batas, kaya’t anumang pagtatangkang gawing santuwaryo ito ng mga nais umiwas sa pananagutan ay isang paglapastangan sa Saligang Batas at sa sambayanang Pilipino.

“The Center for People Empowerment in Governance (CenPEG) expresses its profound outrage over the continuing disorder, political maneuvering, and apparent efforts to undermine accountability in the Philippine Senate. The Senate was never intended to be a sanctuary for lawbreakers, a refuge from accountability, or a venue where political power can be used to frustrate the operation of justice. It is a constitutional institution entrusted with the solemn duty of making laws, exercising oversight, protecting public resources, and upholding the rule of law.” Bahagi ng pahayag ni Simbulan.

Binigyang-diin ng grupo na ang mga kamakailang pangyayari sa Senado ay nagbubukas ng mga tanong kung ginagamit ba ng ilang mga personalidad ang mga proseso at kapangyarihan ng institusyon hindi para sa kapakanan ng mamamayan kundi upang maantala o mapahina ang mga lehitimong proseso ng pananagutan.

Iginiit din ng CenPEG na hindi dapat magsilbing panangga ang Senado para sa sinumang nahaharap sa seryosong mga alegasyon anuman ang kanilang partidong kinabibilangan, posisyon sa pamahalaan, o personal na ugnayan.

Pinuna rin ng organisasyon ang masamang halimbawa na maaaring maipakita sa publiko, lalo na sa mga kabataan, kung ang mga halal na opisyal ay mas inuuna ang pamumulitika kaysa sa maayos na paglilingkod at paggalang sa mga demokratikong institusyon.

“The Senate must never become a shield for impunity. It must never be used to protect those facing serious allegations of wrongdoing, regardless of political affiliation, personal alliances, or position in government. The law must apply equally to all.” Dagdag ni Simbulan.

Dahil dito, nanawagan ang CenPEG sa mga senador na ibalik ang dignidad ng institusyon, igalang ang mga prosesong nasasaad sa Konstitusyon, at unahin ang pambansang kapakanan kaysa pansarili o pampartidong interes.
Ayon sa grupo, nararapat lamang na manatiling tagapagtanggol ng demokratikong pananagutan at katiwala ng tiwala ng bayan ang Senado sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 30,544 total reads

 30,544 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 81,485 total reads

 81,485 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 129,356 total reads

 129,356 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 233,304 total reads

 233,304 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 317,878 total reads

 317,878 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top