Daily reflection sa nilalaman ng Fratelli Tutti, pangungunahan ng mga lider ng Simbahan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 753 total views

Magsasagawa ng Daily Reflection sa pamamagitan ng online ang Global Catholic Climate Movement o GCCM-Pilipinas upang ipaliwanag ang nilalaman ng bawat kabanata ng Ensiklikal ng Kanyang Kabanalan Francisco na Fratelli Tutti.

Ito’y bahagi pa rin ng pagdiriwang sa panahon ng Adbyento ngayong taon na may temang “In the Midst of Climate Emergency, Creation Awaits in Hope”.

Magbabahagi ng pagninilay ang iba’t ibang pinuno ng Simbahan at Theologians mula sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Ito’y sina Sr. Mary John Mananzan, OSB, Chairman Emeritus ng Association of Major Religious Superiors in the Philippines at Vice President for External Affairs ng St. Scholastica’s College sa Maynila; Fr. Rey Raluto, SJVTS, Academic Dean ng St. John Vianney Theological Seminary sa Cagayan de Oro; Fr. Danny Pilario, CM, Dean ng Saint Vincent School of Theology sa Quezon City; at Fr. Albert Alejo, SJ, isang paring Heswita at kilala rin bilang Paring Bert.



Magbibigay rin ng pagninilay sina San Carlos, Negros Occidental Bishop Gerardo Alminaza; Capiz Archbishop Jose Cardinal Advincula; Cagayan de Oro Archbishop Emeritus Antonio Ledesma; at Bontoc-Lagawe Bishop Valentin Dimoc.

Inaanyayahan din ng grupo ang lahat na makiisa sa webinar na ihahatid sa atin ni Kalookan Bishop Pablo Virgilio David upang suriin ang nilalaman ng Fratelli Tutti.

Matutunghayan ang webinar, bukas, ganap na alas-9 hanggang alas-11 ng umaga at Daily Reflection simula ika-16 hanggang ika-23 ng Disyembre, ganap na alas-8 ng umaga sa facebook page ng GCCM-Pilipinas at partner organizations.

Sang-ayon sa pahayag ng Santo Papa, ang mundo ngayon ay nahaharap sa isang Climate Emergency kaya naman marapat lamang na magsama-sama at magtulungan ang lahat ng tao upang isalba ang ating tirahan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Isa pang state of emergency

 66,899 total views

 66,899 total views Mga Kapanalig, nagdeklara na si Pangulong Bongbong Marcos ng state of national energy emergency sa gitna ng krisis sa langis matapos ang ilang

Read More »

Krisis sa bukid at laot

 66,899 total views

 66,899 total views Mga Kapanalig, sa gitna ng pagdaigdigang krisis sa langis, hindi sumasabay ang lawak ng tulong mula sa gobyerno sa laki ng pangangailangan ng

Read More »

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

 66,899 total views

 66,899 total views Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

 64,850 total views

 64,850 total views Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas

Read More »

Patibong ng kasamaan

 59,279 total views

 59,279 total views Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top