Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 1,630 total views

Homiliya Para sa Linggo ng Pagpapakasakit, 29 Marso 2026, Pasyon ni San Mateo 26-27

Dahil ang kuwento ng Pasyon ay kuwento rin ng totoong nangyayari sa buhay natin, minsan, kapag isinasadula ito, makikita mo kung paanong ang mga gumaganap, kahit hindi mga propesyunal na artista ay nadadala sa kuwento. Para kasing tumatagos sa loob nila ang isinasadula nila, tulad ng napanood ko kagabi sa senakulo. Hindi sila nagpapigil kahit palpak ang sound system. Minsan, kahit binibigyan na ng microphone, tuloy-tuloy pa rin sila. Parang talagang pumasok na sila sa katauhan ng karakter na ginagampanan nila.

Nangyari rin ito minsan sa senakulo na isina-entablado ng batikang stage director na si Andy Alviz sa Pampanga. Bago nagsimula ang Senakulo, binigyan niya ng instruction ang mga manonood dahil humingi siya ng audience participation sa dula. Noong dumating na ang dula sa punto na pinapipili ni Pilato ang mga tao kung sino ba sa dalawa ang palalayain: kung si Hesus ba o si Barabbas, may mga batang hindi sumunod sa instruction. Masyado yatang naawa kay Hesus, imbes na si Barabbas ang isigaw, si Jesus ang gusto nilang mapalaya. At nang sabihin ni Pilato, ano ang gagawin ko kay Jesus. Imbes na sumigaw sila ng “Ipako siya sa krus!”, ang sabi nila, “Palayain siya!” Mabuti na lang at mas malakas pa rin sumigaw ang mga matatanda ng “Ipako siya sa krus”. Muntik nang mamrublema ang gumaganap sa papel ni Poncio Pilato. Muntik nang si Barabbas ang mapako. Muntik nang magbago ang kuwento ng Pasyon.

Ang pamagat ng aking homiliya sa Misang ito ay DALAWANG JESUS. Kung nagtataka kayo kung sino ang pangalawang Jesus—kailangang basahin ninyong mabuti ang kuwentong Pasyon ni San Mateo. Doon lang ninyo mababasa na ang buong pangalan pala ni Barabbas ayon kay Mateo ay “JESUS BARABBAS”. Kaya nang papiliin ni Pilato ang tao kung sino sa dalawa ang palalayain niya, dahil parehong “Jesus” ang pagpipilian, kinailangan niyang dagdagan ng bansag: si JESUS NAZARENO ba, o JESUS BARABBAS? Dalawang Jesus ang pagpipilian.

Pareho silang popular sa taumbayan: si Jesus Barabbas ay aktibistang rebolusyonaryo, nakulong dahil bahagi ng kilusang subersibo na nagtataguyod ng armadong rebolusyon laban sa Roman Occupation ng Palestina. Si Jesus Nazareno naman ay propetang tulad ni Juan Bautista na pinapugutan ng ulo ni Herodes dahil maanghang din magsalita laban sa mga otoridad. Pero mas popular kay Barabbas, mesiyas din ang turing ng tao sa kanya, pero hindi sumang-ayon sa paggamit ng dahas at armadong labanan.

Sabi nila, ang mga taong pumili na si Jesus Barabbas ang palayain imbes na si Jesus Nazareno, at sumigaw na ipako ang Nazareno sa krus ay ang mismong mga taong sumigaw din ng Hosana nang salubungin si Jesus Nazareno sa pagpasok niya sa Jerusalem. Sino ang mga ito? Mukhang mga supporters ng mga aktibistang grupo. At sa basa ko, kakuntsaba sila ni Judas Iskariote. May matinding tensyon na nangyayari noong araw na iyon. Mukhang may grupong ibig magsamantala sa popularidad ni Jesus Nazareno—na kung sasabayan nila ang pagdagsa ng mga peregrino sa Jerusalem, hindi sila masisita ng mga sundalong Romano. At kung maaresto ang Nazarenong iniidolo nila, magagalit at mag-aaklas ang taumbayan at pwede nang hudyat iyon ng simula ng rebolusyon.

Ang problema ay—napaaresto nga siya ni Judas Iscariote na mukhang pasikretong kakuntsaba ng mga armadong rebolusyonaryo, pero hindi sumakay si Jesus sa plano nila dahil hindi siya sang-ayon sa paggamit ng dahas. Ibang klaseng rebolusyon ang pinangangaral niya—ibang klaseng kaharian, hindi ng galit at poot kundi ng pag-ibig, malasakit at patawad. Pati kaaway dapat daw ibigin.
Mukhang may ibang mga alagad hindi talaga sang-ayon sa prinsipyong ito ni Jesus at sumabay din sa plano ni Judas—kaya may dala-dala silang armas. Umalma na nga sila nang dumating ang mga kawal ng punong saserdote. Pero sinaway sila ni Jesus. Sabi niya, “Ang aasa sa tabak ay sa tabak din mapapahamak.”

May kutob ako na noong arestuhin siya sa hardin ng Gethsemane, hindi lang siya hinalikan ni Judas. May ibinulong si Judas sa kanya. Ito sa palagay ko ang sinabi niya, “Guro, sumakay ka lang sa plano namin. Kunwari lang na ipapaaresto ka namin, pero huwag kang mag-alala, akong ang bahala sa iyo. Pag nagtagumpay ang himagsikan laban sa Gubyernong Romano, una kayo sa palalayain namin, kayong dalawa ni Barabbas.” Pero dahil sinaway ni Jesus ang mga alagad na kasama sa plano at armado rin, walang pag-aaklas na nangyari.

Mabilis siyang nilitis at sisintensyahan ng bitay. Pumalpak ang plano. Kaya humirit pa si Judas na isoli ang pera para mabawi si Jesus. Handa siyang tumestigo na hindi kasama si Jesus Nazareno sa planong himagsikan ng mga katropa ni Jesus Barabbas. Pero nabigo siya. Kahit ang huling pagkakataon na mailigtas si Jesus ay pumalpak din: sa huling pagkakataon, nang papiliin sila kung sino ang palalayain, si Barabbas ang isinigaw nila. Kaya sa tindi ng hinagpis ni Judas sa sinapit ng kaibigan niya, na hindi niya sinasadya, nagpakamatay siya. Ang dahas na ibig niyang ibunton sa mga kaaway, sa sarili niya ibinunton.

Mga kapatid, patuloy pa rin ang dramang ito. Patuloy pa rin ang pagpili ng tao kay Jesus Barabbas imbes na kay Jesus Nazareno. Sino ba ang bumoto sa pasimuno ng malagim na giyerang patuloy na nangyayari ngayon sa Middle East? Karamihan ay mga Kristiyano. Karamihan ay Katoliko. Ibang Jesus pa rin ang iniidolo nila. Hindi ang Jesus na kordero na handang magbuwis ng buhay para sa ating mga kasalanan, kundi ang Jesus Barabbas na naniniwala pa rin sa batas ng lakas, sa dahas ng armas.

Kahit sa atin sa Pilipinas, ganoon pa rin. Sa Senakulo ng buhay, pinipili pa rin ang mga Jesus Barabbas. Binoboto pa rin ang landas ng dahas, ang landas ng paghihiganti, ng mata sa mata, ngipin sa ngipin, matira ang matibay. Bigo pa rin ang Nazareno kapag pinangunahan tayo ng kahibangan. Kapag mas popular ang paraan ni Satanas. Walang sisigaw para kay Jesus Nazareno kundi mga batang magmamakaawa sa mga nakatatandang tulad natin na bigyan naman sila ng pagkakataon na mabuhay sa isang mundong tunay na patas, makatao, at mapayapa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lights! Camera! Action?

 10,791 total views

 10,791 total views Mga Kapanalig, napunô ng comedy, drama, action, at suspense ang Senado noong isang linggo. Tila eksena sa game show ang pagtakbo ni Senador

Read More »

Ang fourth estate

 135,202 total views

 135,202 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 178,606 total views

 178,606 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 259,303 total views

 259,303 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

ANG SUGO AT NAGSUGO

 12,996 total views

 12,996 total views Homiliya para sa Miyerkoles sa Ikaapat na Linggo ng Pagkabuhay, 29 Abril 2026, Juan 12:44-50 “Ang naniniwala sa akin ay naniniwala sa nagsugo

Read More »

BAHALA KA

 16,872 total views

 16,872 total views Homily for Good Shepherd Sunday (World Day of Vocations) 25 April 2026, John 10:1–10 We gather this evening for this Vigil Mass of

Read More »

COMMUNION

 17,384 total views

 17,384 total views Homily for the Coronation Feast of Our Lady of the Rosary of Manaoag, 19 April 2026 – 3rd Sunday of Easter (Lk 24:13–35)

Read More »

ANG KABALINTUNAAN NG KRUS

 24,323 total views

 24,323 total views Biyernes Santo 2026 – Jn 18:1–19:42; 1 Cor 1:18–25 Mga kapatid, bago tayo magbigay-pugay sa Krus, inaanyayahan ko kayong samahan akong magnilay tungkol

Read More »
Scroll to Top