VeritasPH

The Word, The Truth

Dalawang katangian ng katarungan

SHARE THE TRUTH

 172 total views

Mga Kapanalig, bilang mga tao, mahalaga sa ating magkamit ng hustisya kapag may pilit na kumuha ng isang bagay na pinahahalagahan natin. May mas mahalaga pa kaya kaysa sa buhay ng isang taong mahal natin?

Kamakailan, nabuksang muli ang usapin ukol sa reklamong isinampa sa International Criminal Court (o ICC) laban kay Pangulong Duterte at ilang opsyal ng ating pamahalaan para sa umano’y pagpatay sa libu-libong Pilipino kaugnay ng giyera kontra droga. Sa reklamong ito, sinubukang patunayan na ang malawakang pagpatay sa mga inaakusahang gumagamit o nagbebenta ng droga, ay bunsod ng patakaran ng gobyerno at may basbas ng pangulo ng bansa. Humihingi ng hustisya ang mga naiwang pamilya ng mga napaslang, hustisyang sinasabi nilang hindi nila makamit mula sa ating pamahalaan kung kaya’t dumulog sila sa ICC. Ang prosecutor ng ICC ay naglabas ng pasya na handa na ang opisina niyang imbistigahan ang mga kasong maaaring ituring na “crime against humanity” base sa mga ebidensiyang isinumite dito.

Ang tugon ng tagapagsalita ng pangulo: hindi raw makikipagtulungan ang ating pamahalaan sa anumang imbistigasyon at hindi ibibigay ang hinihinging kooperasyon sa ICC. Ang ganitong posisyon ay nauna na ring ipinahiwatig ng pangulo nang ipagbawal niyang ibigay ng Philippine National Police (o PNP) sa Department of Justice (o DOJ) ang mga records ng mga napatay na sinasabing nanlabán upang maimbestigahan ang mga kasong ito at mapanagot ang mga pulis na maaaring lumabag sa batas.

Kung gaano kariin ang pagtanggi ng gobyernong mapanagot ang mga alagad ng batas na maaaring umabuso sa pagpatay sa mga akusadong gumagamit o nagtutulak ng droga, ganoon din naman nito pilit na ipinasusuko sa Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA) ang mga kasapi nitong responsable sa pagkamatay ng dalawang binata sa Masbate dahil sa landmine na itinanim diumano ng nasabing rebeldeng grupo. Sa kasong ito, hustisya rin ang hinihingi ng gobyerno mula sa CPP-NPA sa ngalan ng mga magulang at pamilya ng mga namatay na kabataan.

Batid natin kung gaano kalalim ang paghahangad ng katarungan ng mga nawalan ng mahal sa buhay.  Tayong mga Kristiyano ay naniniwalang ang Panginoon mismo ang nagtanim sa ating mga puso ng ganitong pagmamahal sa katarungan, at hangad din Niya ang pag-iral ng katarungan sa pagitan ng mga tao. Ayon kay propeta Isaias, wika ng Panginoon, “Ako’y namumuhi sa kasalanan at pang-aalipin; ang nais ko’y katarungan.” Wika rin sa Ebanghelyo ni San Lucas “Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na dumaraing sa kanya araw-gabi?”

Sa mga panlipunang turo ng ating Simbahan, ang katarungan ay may panloob at panlabas na katangian. Ang panloob na aspeto nito ay maisasabuhay sa pamamagitan ng pagkilala sa bawat isa bilang tao at kapwa.  Ang hindi natin gustong gawin sa atin ay hindi rin natin dapat ginagawa sa iba.

Ang katarungan ay mayroon ding panlabas o obhetibong panuntunan. Ito ang batayan ng panlipunang moralidad na binibigyang buhay sa mga batas at sistemang pangkatarungang pinaiiral ng mga gobyerno upang gabayan ang mga ugnayan ng mga tao sa isa’t isa at sa pagitan ng tao at lipunan. Kailangang magkasabay umiral ang panloob at panlabas na katangian ng katarungan upang magkaroon ng tunay na hustisya.

Mga Kapanalig, tungkulin ng pamahalaang pairalin ang katarungan sa lipunan. Kung ang gobyerno mismo ang pumipigil sa pag-iral ng katarungan at ang pagpapanagot sa mga nananakit ng iba, lumalabag ito hindi lamang sa sarili niyang tungkulin kundi sa kalooban ng Diyos. Kung ang gobyerno ay hindi pantay ang pagtingin sa lahat ng tao bilang kapwa, sapagkat sa paningin nito ay hindi tao ang mga gumagamit o nagtutulak ng droga, hindi iiral ang tunay na katarungan.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 5,783 total views

 5,783 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 13,768 total views

 13,768 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 21,304 total views

 21,304 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 37,290 total views

 37,290 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 45,334 total views

 45,334 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 5,784 total views

 5,784 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 13,769 total views

 13,769 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 21,305 total views

 21,305 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 37,291 total views

 37,291 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 45,335 total views

 45,335 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 45,515 total views

 45,515 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 43,940 total views

 43,940 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 45,726 total views

 45,726 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 42,651 total views

 42,651 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 56,965 total views

 56,965 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 60,655 total views

 60,655 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 59,258 total views

 59,258 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 69,245 total views

 69,245 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 73,213 total views

 73,213 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 84,100 total views

 84,100 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top