VeritasPH

The Word, The Truth

Damayan sa simula ng taon

SHARE THE TRUTH

 393 total views

Mga Kapanalig, kung marami sa atin ang nagdiwang ng Pasko kasama ang mga mahal natin sa buhay at sama-samang nagsasalu-salo habang dinarama ang malamig na simoy ng hangin, may mga kababayan naman tayong basáng-basâ, lubog sa baha, at nabalot sa dilim ang dapat sana ay masayang pagdiriwang.

Dahil sa pag-ulang dala ng tinatawag na shear line o ang pagsasalubong ng malamig na hanging amihan at ng mainit na hangin mula sa Pasipiko, maraming lugar sa Visayas at Mindanao ang lumubog sa baha sa bisperas ng Pasko. Nagpatuloy ang kanilang kalbaryo hanggang sa araw mismo ng Pasko. Habang isinusulat natin ang editoryal na ito, umabot na sa halos 25,000 pamilya ang kinailangang ilikas, ayon sa Office of Civil Defense. Mahigit 30 na ang naulat na namatay at marami ang hindi pa rin nahahanap. Magiting na sinagip ng mga rescuers ang mga kababayan nating naipit sa baha, at binuksan naman ang mga paaralan upang pansamantalang silungan ng daan-daang pamilyang lumubog sa baha ang kanilang bahay. Hindi naman narating ang ilang komunidad dahil sa mga nasirang tulay, at may mga bahay namang tinangay ng landslide at matinding agos ng dagat.

Sa kanyang mensahe at pagbibigay ng kanyang Urbi et Orbi blessing sa araw ng Pasko, ipinaalala ni Pope Francis sa ating mga Katoliko na ipinanganak si Hesus upang samahan tayo sa ating araw-araw na pamumuhay, upang maging kabahagi natin sa lahat ng bagay: ang ating mga kagalakan at kalungkutan, ang ating mga pag-asa at takot.

Para sa mga kababayan nating nasalanta ng pag-ulan at pagbaha, maaaring walang saysay ang mga salitang ito. Habang masaya at komportableng nagdiriwang ng Pasko ang marami sa atin, nasa panganib ang kanilang buhay, nasira ang kanilang mga tirahan, at nawala ang kanilang kabuhayan. Paano natin masasabi sa kanilang kapiling nila ang Diyos sa kanilang paghihinagpis at pagkatakot sa araw na itinuturing ng marami sa atin bilang pinakamasaya?

Walang sasapat na mga salita upang mapanatag ang ating mga kababayang nasalanta ng matinding pag-ulan sa Visayas at Mindanao. Kayâ higit sa pag-alala sa kanila sa ating mga panalangin, maaari nating maipadama sa kanila ang presensya ng Diyos sa pamamagitan ng ating mga gawa. Muli, gaya ng sinabi ni Pope Francis sa kanyang Urbi et Orbi, ang pagsilang ni Hesus sa isang mundong balót ng kawalang-pakialam at poot ay magtulak nawa sa ating magpakita ng ating solidarity o pakikiisa upang hatiran ng tulong ang mga nagdurusa.

Sa ating makakaya, ibahagi natin sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong ang mga biyayang natanggap natin hindi lamang nitong Pasko kundi sa nakaraang taon. Maliit man o malaki, makatitiyak tayong ang ating iniambag ay dadagdag sa kabutihang-loob ng ibang nagbibigay din. Maraming organisasyon ang tumatanggap ng donasyon upang mahatiran ng tulong ang mga nangangailangan sa Visayas at Mindanao. At makatitiyak tayong maging ang Simbahan ay ginagawa ang makakaya nito upang maging daluyan ng ating pakikiramay.

At kapag nakapagbahagi na tayo, huwag nating kalimutang alamin kung ano naman ang ginagawa ng mga tinawag ni Pope Francis sa Urbi et Orbi na may “political responsibilities”. Sila ang mga inaasahan nating mangangasiwa sa paggamit ng ating ibinabayad na buwis para sa kapakanan ng mga kababayan nating nangangailangan. Sila ang unang dapat maghatid ng tulong sa mga nasalanta.

Mga Kapanalig, narito si Hesus upang samahan tayo sa isang bagong taon, kung saan binibigyan tayo ng pagkakataong maging mga “bagong nilalang”, ayon nga sa 2 Corinto 5:17. Nawa’y simulan natin ang 2023 nang may bagong pag-asa—isang pag-asang sana ay ibinabahagi rin natin sa iba sa pamamagitan ng pagdadamayan, lalo na sa mga kapus-palad at malungkot na sisimulan ang bagong taon.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Mga payaso sa sirko

 6,585 total views

 6,585 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 22,571 total views

 22,571 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 30,616 total views

 30,616 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »

Kuryente

 35,696 total views

 35,696 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,402 total views

 41,402 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 6,586 total views

 6,586 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 22,572 total views

 22,572 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 30,617 total views

 30,617 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 35,697 total views

 35,697 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 41,403 total views

 41,403 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 44,533 total views

 44,533 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 41,458 total views

 41,458 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 55,772 total views

 55,772 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 59,462 total views

 59,462 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 58,065 total views

 58,065 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kamag-anak, Inc.

 68,052 total views

 68,052 total views Mga Kapanalig, kung magkakatotoo ang sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang ambush interview noong isang linggo, tatlong Duterte ang makikita natin sa balota sa pagkasenador sa eleksyon sa 2025.  Sila ay ang mag-aamang sina dating Pangulong Digong Duterte, Congressman Paolo Duterte ng unang distrito ng Davao, at Mayor Sebastian Duterte ng

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Diplomasya ang susi

 72,020 total views

 72,020 total views Mga Kapanalig, “misunderstanding” o aksidente lamang para sa Malacañang ang pinakahuling insidente ng komprontasyon sa Ayungin Shoal (o Second Thomas Shoal) sa pagitan ng Chinese Coast Guard at Philippine Navy. Sa naturang insidente na nangyari dalawang linggo bago matapos ang Hunyo, hinarang ng mga Chinese coast guard personnel ang mga bangka ng Philippine

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Educator sa DepEd

 82,907 total views

 82,907 total views Mga Kapanalig, habang isinusulat natin ang editoryal na ito, wala pa ring pinapangalanan ang administrasyong Marcos Jr na ipapalit na kalihim ng Department of Education (o DepEd). Nagulat ang marami nang mag-resign si Vice President Sara Duterte bilang DepEd secretary at opisyal ng isa pang opisina noong June 19. Sa sulat sa isinapubliko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Heatwave at Malubhang Pagbaha sa Pilipinas

 95,346 total views

 95,346 total views Ang Pilipinas, bilang isang arkipelagong bansa, ay madalas na nakakaranas ng iba’t ibang kalamidad na dulot ng pagbabago ng klima. Isa sa mga pangunahing suliranin na kinakaharap natin ngayon ay ang matinding init o heatwave. Ka-alternate naman nito, kapanalig, ay ang malawakang pagbaha naman sa iba-ibang parte ng ating bansa, kahit pa walang

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hamon ng Climate Change

 106,104 total views

 106,104 total views Ang climate change o pagbabago ng klima ay biggest challenge ng mundo ngayon. Ang Pilipinas ang isa sa pinakabulnerable dito. Ang epekto nito ay lubhang nararamdaman at nagdudulot ng malaking pagbabago sa ating kalikasan, kabuhayan, at pang-araw-araw na buhay. Dahil arkipelago ang ating bayan, lubhang bulnerable ito sa pagtaas ng temperatura, pagbabago sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top