Dating CBCP secretary general, sumakabilang buhay sa edad na 86

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 7,036 total views

Pumanaw na sa edad na 86 si Bishop Nestor Cariño, dating secretary-general ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) at naglingkod sa hindi bababa sa tatlong diyosesis sa bansa.

Sa pahayag, kinumpirma ng Diyosesis ng Legazpi ang pagpanaw ni Bishop Cariño, na sumakabilang-buhay alas-11:15 ng umaga ng May 24, 2025 matapos ang ilang araw na pananatili sa Intensive Care Unit ng Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City.

“We commend his soul to the mercy of God and ask the clergy, religious, and lay faithful of the Diocese to pray for the eternal repose of his soul,” ayon sa pahayag ng diyosesis.

Sa kasalukuyan, wala pang tiyak na detalye kaugnay sa burol at libing ng yumaong obispo, ngunit ayon sa diyosesis, nakatakdang ilagak ang kanyang labi sa Saint Gregory the Great Cathedral sa Legazpi City, Albay.

Isinalang si Bishop Cariño noong September 8, 1938 sa Malinao, Albay; naordinahan bilang pari noong December 31, 1961; itinalaga ni Pope Paul VI bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Legazpi noong March 9, 1978; at inordinahan bilang obispo noong May 31 ng kaparehong taon.

Makalipas ang dalawang taon, August 12, 1980, itinalaga siya ni Pope John Paul II bilang ikaapat na obispo ng Diyosesis ng Borongan, Eastern Samar, at naglingkod hanggang January 31, 1986, nang mahalal na secretary-general ng CBCP.

Taong 2001, habang kasalukuyang naglilingkod sa CBCP, hiniling ng noo’y Manila Archbishop Jaime Cardinal Sin na pangasiwaan ni Bishop Cariño ang Ecclesiastical District of Pasig bago ito opisyal na maging diyosesis noong 2003.

Samantala, muling itinalaga ni Pope John Paul II si Bishop Cariño noong June 11, 2003 bilang auxiliary bishop ng Diyosesis ng Daet, Camarines Norte, at noong April 1, 2005 naman ay hinirang bilang ikalimang obispo ng Diyosesis ng Legazpi.

Tinanggap ni Pope Benedict XVI ang pagreretiro ni Bishop Cariño noong November 7, 2007 sa edad na 69.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Konkretong paraiso?

 25,598 total views

 25,598 total views Mga Kapanalig, ano, para sa inyo, ang mukha ng progreso at kaunlaran? Kung pagbabatayan natin ang mga imprastrakturang itinatayo sa ngalan ng ”development”,

Read More »

SenateFlix

 46,579 total views

 46,579 total views Mga Kapanalig, hindi pa tapos ang tinaguriang SenateFlix. Marami pa ring nangyayari sa ating Senado. Sa latest episode, may iyakan at sumbatan na! 

Read More »

Hindi lang ‘for the content’

 69,007 total views

 69,007 total views Mga Kapanalig, dahil sa paglaganap ng social media, marami ang naeengganyong maging content creators.  Kung anu-ano na nga ang nilalaman ng mga video

Read More »

DUMARAMI ANG NAGUGUTOM NA PILIPINO

 242,215 total views

 242,215 total views Puro politika…puro grandstanding….political manuevering… political interest…political survival! Kapanalig, ito ang nangingibabaw ngayon na usapin sa bansa. Puro para sa kanila, lahat para sa

Read More »

FAILURE OF LEADERSHIP

 217,985 total views

 217,985 total views political dynasty ay maituturing na “shameful event” sa kasaysayan ng tinatawag na “AUGUST CHAMBER”. Kapag bahagi ka ng AUGUST CHAMBER, maituturing ka dapat

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top