Cardinal Advincula sa mga Pilipino isabuhay ang “ecological conversion”

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 5,422 total reads

Hinimok ni Manila Archbishop Jose Cardinal Advincula ang mga mananampalataya na isabuhay ang “ecological conversion” o pagbabagong pangkalikasan sa gitna ng lumalalang krisis sa kalikasan at lumalawak na urban development na patuloy na nakaaapekto sa mahihirap at kalikasan.

Sa kanyang mensahe para sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week, binigyang-diin ni Cardinal Advincula na mas naging makahulugan ang pagdiriwang ngayong taon kasabay ng ika-800 anibersaryo ng Transitus o pagpanaw ni San Francisco ng Assisi, na kilala sa buhay na payak, pagkakapatiran, at pagmamahal sa sangnilikha.

“Eight centuries after his death, the witness of the Poor Man of Assisi remains a prophetic call to recognize creation not as an object to exploit, but as a gift to receive with gratitude and responsibility,” pahayag ni Cardinal Advincula.

Iginiit ng arsobispo na malinaw nang nararanasan sa araw-araw ang epekto ng ecological crisis kabilang ang mabilis na pagkawala ng biodiversity, lumalalang climate emergency, at agresibong urban development na kadalasang isinasagawa kapalit ng kapakanan ng mga mahihirap at nasa laylayan ng lipunan.

Nagbabala rin si Cardinal Advincula sa lumalawak na kawalang-pakialam ng tao sa kalikasan na inilararwan nitong isa sa pinakamalaking panganib na kinakaharap ng lipunan ngayon.

“In the face of this, one of the gravest dangers we face is the growing indifference toward our common home. As the encyclical Laudato Si’ reminds us, many “choose not to change their habits and thus become inconsistent”,” babala ng kardinal.

Binigyang-diin ng kardinal na kinakailangan ang ecological conversion na isinusulong ni Pope Francis sa ensiklikal na Laudato Si’, ngunit sinabi nitong hindi ito madaling maisasakatuparan dahil nangangailangan ito ng tuloy-tuloy na paghuhubog ng isip at puso ng mga mananampalataya.

Kaugnay nito, sinuportahan din ni Cardinal Advincula ang pagpapalawak ng Laudato Si’ Circles sa Archdiocese of Manila sa ilalim ng Archdiocesan Ministry on Integral Ecology bilang maliliit na pamayanan ng panalangin, pagninilay, paghuhubog, at pagkilos para sa pangangalaga sa kalikasan.

“These Circles are tangible expressions of living out the message of Laudato Si’ in everyday Christian life,” ayon kay Cardinal Advincula.

Nanawagan din ang kardinal sa mga mananampalataya na higit na pagnilayan ang sangnilikha ng Diyos upang maisulong ang responsableng pagkilos, tunay na pakikiisa sa mahihirap, at mas matibay na pangangalaga sa kalikasan at kapwa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 84,968 total reads

 84,968 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 119,011 total reads

 119,011 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 154,311 total reads

 154,311 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 380,580 total reads

 380,580 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 269,475 total reads

 269,475 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 155,351 total reads

 155,351 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top