Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DENR, Hinamong tuluyang ipasara ang lahat ng minahan sa Pilipinas

SHARE THE TRUTH

 463 total views

Binigyang diin ng CBCP NASSA / Caritas Philippines na dapat ipatupad ni Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu ang pagpapasara ng mga minahan sa buong bansa.

Ito ay matapos ang matinding landslide na naganap sa Itogon Benguet, kung saan nagsasagawa pa rin ng palihim na operasyon ang small scale miners sa kabila ng suspension order na ipinataw sa kumpanya noong 2017.

Ayon kay Father Edwin Gariguez, Executive Secretary ng Komisyon, ang naturang minahan ang sanhi ng matinding pagguho ng lupa sa Itogon Benguet noong nanalasa ang bagyong Ompong.

Sinabi ng Pari na kung hindi dahil sa pagkasirang idinulot ng minahan sa kalikasan ay hindi malalagay sa labis na kapahamakan ang buhay ng maraming residente sa lugar.

“The community became even more vulnerable to Disasters because of the Destructive Mining activities of Benguet Corp. DENR Secretary Roy Cimatu should sustain the closure order to prevent further destruction. DENR should also take enforcement seriously to Avoid Disasters of this kind from happening anywhere in the Philippines.” pahayag ni Father Gariguez.

Sa huling tala ng Department of Interior and Local Government–Cordillera Region mahigit na sa 50 ang naitalang nasawi sa naganap na pagguho ng lupa sa Itogon Benguet.

Nagpapatuloy naman ang ginagawang search and rescue ng lokal na pamahalaan at mga volunteers sa lugar.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 17,810 total views

 17,810 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 33,898 total views

 33,898 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 71,618 total views

 71,618 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 82,569 total views

 82,569 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Cultural
Michael Añonuevo

Diocese of Imus, nagpapasalamat sa CBCP

 26,132 total views

 26,132 total views Nagpaabot ng pagbati ang Diocese of Imus, Cavite sa pagkakahirang ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) kay Bishop Reynaldo Evangelista bilang

Read More »

RELATED ARTICLES

PAGMAMAHAL SA BAYAN

 162,108 total views

 162,108 total views “Ibigin mo ang Panginoon Mong Diyos… Ibigin mo ang iyong kapwa.” (Mateo 22:27-28) Mahal kong mga kapatid kay Kristo sa Bikaryato ng Taytay,

Read More »

Our Lady of Mt.Carmel, kinoronahan

 105,954 total views

 105,954 total views August 18, 2020 Kinoronahan ni Cubao Bishop Honesto Ongtioco ang imahe ng Our Lady of Mount Carmel sa Minor Basilica and National Shrine

Read More »
Scroll to Top