Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Kalinga, Hindi parusa

SHARE THE TRUTH

 244 total views

Mga Kapanalig, nag-viral sa social media noong nakaraang linggo ang video ng mga “batang hamog” na kumuha ng pagkain at nanakit ng mga pasahero sa isang jeep sa Macapagal Avenue sa Maynila. Nakalulungkot ang kalagayan gayundin ang ginawa ng mga bata, ngunit mas nakalulungkot ang panghuhusga sa kanila ng mga netizens.

Ayon sa kumuha at nag-post ng video, hindi bababa sa isang dosenang bata ang umakyat sa jeepney upang mamalimos, ngunit nauwi raw iyon sa pananakit sa mga pasahero at pagkuha ng kanilang pagkain. Tinawag na mga “magnanakaw” ng maraming netizens ang mga bata. Sinisi rin ng ilan ang umiiral batas na nangangalaga sa mga bata dahil kinukunsinti raw nito ang paggawa ng mali ng mga bata. Ang batas na kanilang tinutukoy ay ang Juvenile Justice and Welfare Act o JJWA.

Isa sa mga laganap na maling akala tungkol sa JJWA ay ang pangungunsinti nito sa mga bata, at ang hindi pagpapanagot sa kanila. Hindi ito totoo, mga Kapanalig. Pinapanagot ng JJWA ang mga bata nang batay sa kanilang kapasidad at nang naaayon sa prinsipyo ng katarungang nagpapanumbalik o restorative justice. Bagamat ang mga batang edad 15 pataas lamang ang may kriminal na pananagutan, hindi ibig sabihin nitong hahayaan na lamang ang mga mas nakababatang gumawa ng mali. Ayon sa batas, dapat silang dalhin sa isang social worker na siyang kakausap sa mga magulang. Itatala naman ng pulis ang nagawa ng mga bata. Dadaan din sila sa kaukulang programa nang kanilang maunawaan ang nagawang pagkakamali at maiwasang ulitin iyon. Para naman sa mga batang edad 15 pataas, mayroon na silang kriminal na pananagutan ngunit hindi sila dapat ipipiit kasama ng mga nakatatanda. Hindi makabubuting isama sila sa mga nakatatandang labas-masok na sa kulungan. Hangga’t bata pa sila, kailangan silang tulungang magbago sa paraang kinikilala ang kanilang pagkabata.

Ang mga batang nasa mga lansangan ay isa sa mga pinakalantad sa mga kalagayang nagtutulak sa kanilang labagin ang batas. Kabilang sila sa mga tinatawag na child-at-risk. Ayon sa Childhope Philippines, isang NGO na kumakalinga sa mga batang lansangan, aabot sa 70,000 ang mga batang lansangan o children in street situations sa Metro Manila. Hinaharap ng mga batang ito, gaya ng mga batang nasa video, ang malupit na mga lansangan araw-araw. Lantad sila sa napakaraming risgo o risks dala ng kawalan nila ng tirahan, sapat na pagkain, edukasyon, at malusog na pangangatawan. Hindi ba’t ang mga kakulangang ito sa napakabata nilang edad ang nagtutulak sa kanilang umasa sa limos at humingi ng pagkain sa mga estranghero?

Mga Kapanalig, nasusukat ang pagiging makatao ng isang lipunan batay sa pagturing ng mga mamamayan nito sa mga bata. Sa pagbisita ni Pope Francis sa ating bansa tatlong taon na ang nakararaan, tinanong siya ng isang batang dating nakatira sa lansangan: bakit daw hinahayaan ng Diyos na may mga batang walang makain at matulugan? Ang karanasan ng batang kumausap sa Santo Papa ay katulad ng nararanasan ng mga batang nasa video. Hindi direktang nasagot ni Pope Francis ang tanong ng batang babae sa kanya, ngunit sa kanyang misa sa huling araw ng pagbisita niya rito, sinabi niyang ang bawat bata ay isang biyaya. Dapat silang tanggapin nang malugod, itangi, at alagaan.

Mga Kapanalig, sa halip na husgahan natin ang mga batang nakunan ng video dahil sa kanilang nagawang mali, tungkulin nating mga nakatatanda ang kalingain at gabayan sila. Tinatawag tayong labanan ang mga kalagayang naglalagay sa mga bata sa lansangan. Pangunahing tungkulin naman ng pamahalaang tiyaking ang mga pamilya ng mga batang ito ay may tahanan at ang mga magulang nila ay may mahahanap na disenteng hanapbuhay.

Labis nang malupit ang kapaligirang kinalalagyan ng mga batang lansangan. Kalinga, hindi parusa, ang kailangan nila.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 5,781 total views

 5,781 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 11,754 total views

 11,754 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 17,509 total views

 17,509 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 24,772 total views

 24,772 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 32,757 total views

 32,757 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 5,782 total views

 5,782 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 11,755 total views

 11,755 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 17,510 total views

 17,510 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 24,773 total views

 24,773 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 32,758 total views

 32,758 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,457 total views

 35,457 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,461 total views

 47,461 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,503 total views

 55,503 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,060 total views

 47,060 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,485 total views

 45,485 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,271 total views

 47,271 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,196 total views

 44,196 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,510 total views

 58,510 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,200 total views

 62,200 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,803 total views

 60,803 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top