Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Malaking pagkakautang sa mahihirap

SHARE THE TRUTH

 422 total views

Mga Kapanalig, dumaan na ang Bagyong Ompong, ang pinakamalakas na tumama sa ating bansa sa taóng ito, at ito na sana ang huli. Unti-unti na nga nating nakikita ang pinsalang iniwan nito sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na ulan at hangin, mataas na daluyong, at pagguho ng lupa.

Sa mga ganitong pagkakataon, unang pinupuna ang mga pagkukulang ng pamahalaan—mula sa mga ahensyang may tungkuling maghatid ng paunang tulong sa mga nasalanta hanggang sa mga lokal na pamahalaang may pangunahing papel sa pagtiyak ng kaligtasan ng kanilang nasasakupan. Nakatutok ang media sa pagbibilang ng mga nasaktan at namatay. Nakasentro ang mga balita sa mga kakulangan sa mga evacuation centers. “Automatic” na ang ganitong kuwento nating mga Pilipino sa panahon ng kalamidad.

Ngunit may kuwentong nakakaligtaan sa kabila ng halos taun-taon nang pagtama ng kalamidad sa ating bansa—ito ay ang kuwento ng kawalang-katarungan o injustice. Maaari ninyong tanungin: ano naman ang kinalaman ng mga kalamidad sa kawalan ng katarungan?

Nitong nakalipas na dalawang dekada, kasabay ng paglawak ng kaalaman natin tungkol sa global warming na sanhi ng climate change, nakita ang pagbabago ng klima hindi lamang bilang natural na pangyayari kundi bilang isang isyung etikal at politikal. Dito umusbong ang katagang “climate justice” na nakatungtong sa katotohanang ang mga bansa at mamamayang napakaliit ng ambag sa global warming, gaya ng Pilipinas, ang silang nakararanas ng pinakamatinding bunga ng climate change gaya ng malalakas na bagyo at matinding pag-ulan. Umunlad ang maraming bansa sa Amerika at Europa kasabay ng pagsira nila sa kalikasan, samantalang ang mga papaangat pa lamang na mga bansa gaya natin, hindi makaahon-ahon dahil sunud-sunod ang mga kalamidad na pinalalalâ ng climate change, na pinatindi naman ng mga industriya at ekonomiya sa mga bansang mauunlad.

Makikita rin ang kawalan ng katarungan maging sa loob ng mga bansang ito, gaya sa atin sa Pilipinas kung saan ang pinakatinatamaan ng mga kalamidad ay ang mga magsasaka, mangingisda, at maralitang tagalungsod. Matindi ang epekto ng mga malalakas na bagyo sa kanilang bahay, kabuhayan, at maging sa kanilang buhay. Sila ang pinakanahihirapang makabangong muli matapos ang isang kalamidad. Madalas pa nga, sila pa ang sinisisi dahil pinagpipilitan daw nilang manatili sa mga delikadong lugar. Hindi nakikita ng marami sa atin na kung bibigyan sila ng pagkakataong tumira sa mga ligtas na lugar at hindi ibebenta ang mga lupang ito sa mga negosyante, walang mga pamilya sa mga estero o tabing-ilog. Hindi rin natin nakikitang ang pang-aagaw ng lupa sa mga magsasaka at ng karagatan sa mga mangingisda ang nagtutulak sa kanila sa kahirapan, kahirapang inaalisan sila ng kakayahang tugunan ang kanilang pangangailangan sa panahon ng kalamidad.

Nangunguna si Pope Francis sa mga nagsusulong ng pagtanaw at pag-unawa sa climate change bilang isang isyung nakakabit sa katarungang panlipunan, isang isyung malaki ang kinalaman sa pagtataguyod ng karapatang pantao at dignidad ng lahat ng nilikha ng Diyos. Sa napakahalagang encyclical ni Pope Francis na Laudato Si’, tinawag niya ang pansin ng mayayamang bansa na pagbayaran ang kanilang matinding pagkakautang—“grave social debt,” ‘ika nga niya—sa mahihirap. Ginawa rin niyang obligasyon nating mga Katoliko ang pagmalasakitan hindi lamang ang kalikasan kundi ang kapwa nating biktima ng mga kalamidad, mga kalamidad na bunsod ng pag-init ng daigdig, na bunga naman ng kaunlarang pumipinsala sa kalikasan at ipinagkakait nating pakinabangan ng mahihirap.

Mga Kapanalig, sa unti-unti nating pagbangon mula sa iniwang pinsala ng Bagyong Ompong, huwag sana tayong matapos sa pag-aabot ng tulong sa mga nasalanta. Mahalagang magbigay ang mga may kakayanang magbigay, ngunit hindi tayo makababangon kung hindi natin uunawain ang kuwento ng kawalang katarungang pinatitingkad ng mga kalamidad na katunayan ng malaki nating pagkakautang sa mga dukha.

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 13,578 total views

 13,578 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 19,551 total views

 19,551 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 25,306 total views

 25,306 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 32,569 total views

 32,569 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 40,553 total views

 40,553 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 13,579 total views

 13,579 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 19,552 total views

 19,552 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 25,307 total views

 25,307 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 32,570 total views

 32,570 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 40,554 total views

 40,554 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,997 total views

 35,997 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 48,001 total views

 48,001 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 56,043 total views

 56,043 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,600 total views

 47,600 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 46,025 total views

 46,025 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,811 total views

 47,811 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,736 total views

 44,736 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 59,050 total views

 59,050 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,740 total views

 62,740 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 61,343 total views

 61,343 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top