Pangulong Duterte, Hinimok na tigilan na ang fake news

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 529 total reads

Malinis na maiinom na tubig ang higit na kinakailangan ng mga nasalanta ng bagyong Ompong sa Tuba at Itogon.

Ito ang panawagan ni Fr. Manny Flores, Social Action Director ng Diocese ng Baguio, lalu’t nasira ang kanilang mga water pipes dahil sa bagyo.

Ayon sa Pari, patuloy ang kanilang isinasagawang Relief Operation sa mga apektadong lugar sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Baguio, National Disaster Risk Reduction and Management Council at iba pang mga naghahatid ng tulong.

Karagdagan namang 600 na food packs mula sa Caritas Manila ang dumating na rin sa diyosesis para ipamahagi sa Tuba at Itogon.

“Natanggap na rin po namin ‘yung mga family food packs from Caritas Manila. And we are preparing now to transport them to Tuba and Itogon,” ayon kay Fr. Flores.

Ayon pa kay Fr. Flores, nakipagpulong na rin sila sa Catholic Relief Services (CRS) para sa iba pang pangangailangan ng mga biktima ng bagyo.

“We are trying to look ahead regarding sa settlement area kasi may mga ibang kapatid natin na totally destroyed ang kanilang bahay. Lalu na ang mga evacuation center they don’t stay forever,” dagdag pa ni Fr. Flores.

Unang naglaan ng tig-200 libong piso ang Caritas Manila bilang paunang tulong sa limang diyosesis sa bansa na higit na apektado ng bagyo.

Read: Caritas Manila, nagpadala ng 1-milyong pisong ayuda sa mga Diyosesis na tatamaan ng bagyong Ompong

Hindi Katolikong Simbahan

Nilinaw din ng Diyosesis na hindi katolikong simbahan ang gumuho na siyang dahilan ng pagkamatay ng ilang katao sa Itogon, Benguet.

“Kindly correct the data that is going around in Social Media, Mass Media at mga haka-haka ng mga tao. Di ko alam kung paano ito ininterpret ng data ng ating Presidente,” ayon kay Fr. Flores.

Ayon sa pari, may tatlong kapilya sa Itogon na matatagpuan sa Poblacion, Tuding at Virac subalit hindi ito ang tinutukoy na gumuho dahil sa landslide.

“The Church they referring to is not a Catholic Church, not a Catholic Chapel. ‘Yung Pari wala hong Pari na nag-instruct…kasi yung pari natin doon ay actually hospitalized even before Ompong. So wala ho siya doon. Yung interpretation ng data is fake news po iyon. There is a nag-collapse tama po iyon pero it’s not a Catholic Church,” ayon kay Fr. Flores.

Itinanggi din ni Fr. Flores na walang paring katoliko na nag-utos sa mga residente para lumikas sa binabanggit na simbahan dahil nasa ospital ang paring nakatalaga sa lugar bago pa man manalasa ang bagyong Ompong.

Una na ring minura ng Pangulong Duterte at isinisi sa isang pari ang pagguho ng kapilya na siyang dahilan ng pagkamatay ng ilang mga residente.

Umaasa pa rin ang pari na may mga buhay pa rin na matatagpuan sa mga gumuhong lupa lalu’t marami pa rin ang hindi natatagpuan.

“Sana meron pa hong survivors. That is one thing we are praying for that hopefully despite all those rubble that you got to see mayroon pa ring survivor,” ayon pa sa pari.

Base sa mga ulat, hindi bababa sa 50 ang bilang ng mga nasawi dulot ng mass landslides sa Baguio City at Itogon.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 17,752 total reads

 17,752 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 37,358 total reads

 37,358 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 65,648 total reads

 65,648 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 113,913 total reads

 113,913 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 136,002 total reads

 136,002 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 233,940 total reads

 233,940 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

VP Sara at asawa, may 51-baril

 21,051 total reads

 21,051 total reads Umaabot sa 51 ang kabuuang bilang ng mga baril na pag-aari ni Vice President Sara Duterte at asawa nitong si Atty. Manases Carpio.

Read More »
Scroll to Top