Ikalawang celebrity bazaar, ilulunsad ng Caritas Manila sa Oktubre

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 483 total views

Palalawakin pa ng Caritas Manila ang pagtulong sa mga mahihirap na estudyante sa bansa.

Ito ang layunin ng Segunda Mana, ang donation in kind program ng Caritas Manila, social action arm ng Arcdiocese ng Maynila.

Dahil dito muling ilulunsad ng Segunda Mana ang Celebrity Bazaar upang makalikom ng pondo na tutulong sa Youth Servant Leadership Program – scholarship program ng Caritas Manila na nagpapaaral sa mahigit limang libong mag-aaral sa Pilipinas.

Katuwang ng Caritas Manila Segunda Mana ang kilalang personalidad sa larangan ng pelikula na si Ms. Heart Evangelista – Escudero na kabilang sa sumusuporta sa mga programa ng Simbahang Katolika.

Nakatakda ang ikalawang Celebrity Bazaar sa ika – 17 ng Oktubre na gaganapin sa SM Megamall Activity Center sa Mandaluyong City na magbubukas sa ika – 11 ng umaga.

“This year’s edition will be bigger in terms of the branded luxury selections. Full proceeds will still go to the 5,000 YSLEP scholars of Caritas Manila.” pahayag ng Caritas Manila-Segunda Mana.

Disyembre 2016 ang kauna-unahang matagumpay na Celebrity Bazaar na ginanap sa Glorietta 5, Ayala Center sa Makati City kung saan nakalikom ng mahigit sa 3 milyong pisong pondo mula sa mga donasyong gamit ng iba’t ibang kilalang personalidad.

Ibinahagi noon ni Rev. Fr. Anton CT Pascual, executive director ng Caritas Manila at pangulo ng Radio Veritas na mahigit sampung libo ng mga kabataan ang natulungan ng YSLEP sa buong bansa na makapagtapos sa pag-aaral.

Patunay ito na patuloy ang pagkilos ng Simbahang Katolika na maabot ang mahihirap na sektor sa bansa at matulungan sa simpleng pamamaraan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ang fourth estate

 78,814 total views

 78,814 total views Mga Kapanalig, may apat na institusyong itinuturing na haligi o pillars of democracy. Kabilang dito ang tatlong sangay ng gobyerno—ang ehekutibo, ang lehislatura,

Read More »

Bantay ng bayan

 122,422 total views

 122,422 total views Mga Kapanalig, dahil na rin sa pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga nasa pamahalaan noong isinailalim ang Pilipinas sa batas militar o martial law,

Read More »

BAGSAK ANG MAHIHIRAP

 204,966 total views

 204,966 total views Kapanalig, sa mataas na halaga ng mga produktong petrolyo, sino ang pinaka-apektado? Kapanalig, sa patuloy na pagtaas ng halaga ng mga produktong petrolyo

Read More »

SHORT CHANGE

 216,128 total views

 216,128 total views Kapanalig, sinasabi ng Merriam dictionary…, ibig sabihin ng “short change” ay to deprive of or give less than something due: CHEAT Sa kabila

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top