Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 605 total views

Peace na tayo!”

Mga Kapanalig, ito ang slogan ng National Peace Consciousness Month sa taóng ito. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 675 na nilagdaan ni dating Pangulo Gloria Macapagal-Arroyo noong 2004, naitalaga ang buong buwan ng Setyembre bilang National Peace Consciousness Month. Layunin ng paggunitang ito na itaas ang kamalayan ng mga Pilipino sa kahalagahan ng kapayapaan at hikayatin tayong kumilos upang makamit ito.

Maliban sa proklamasyong ito, nariyan din ang Executive Order No. 3 noong 2001 na inililista ang “Six Paths to Peace” o anim na landas tungo sa kapayapaan. Kabilang dito ang pagbibigay-kapangyarihan sa taumbayan sa pamamagitan ng mga konsultasyon at pagbibigay-halaga sa kanilang pakikilahok sa pagsusulong ng kapayapaan. Binibigyang-diin din sa kautusang ito ang pagkakaroon ng pamahalaan ng mga programang hihikayat sa mga rebeldeng sumuko na at makiisa sa gobyerno. Isang landas din ang pagpapatupad ng mga repormang tutugunan ang mga ugat ng armadong tunggalian o armed conflict.

Nakita natin ang pagpupursige ng pamahalaang manguna para sa mas mapayapang bansa noong isasabatas noong Hulyo ng Bangsamoro Organic Law. Bunga ito ng ilang dekadang pakikipagkasundo sa Moro Islamic Liberation Front o MILF. Marami ang umaasang sa pagtatatag ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, isa-isang mapuputol ang mga ugat ng kaguluhan sa Mindanao.

Ngunit hindi lamang sa Mindanao kailangan pandayin ang kapayapaan. Gaya ng sinasabi ng tema ng National Peace Consciousness Month sa taóng ito na “Mithiing Kapayapaan: Sama-samang Isakatuparan,” kailangan ang pakikiisa ng lahat upang magkaroon ng kapayapaan. Binibigyang-diin sa temang ito ang pinag-isang kilos ng lahat ng ahensiya ng pamahalaan, mga paaralan at unibersidad, at ng iba’t ibang grupo, para sa makatuwiran, malawak, at pangmatagalang kapayapaang hindi pumapabor sa iisang ideyolohiya, relihiyon, o kultura.

Paalala sa atin ng panlipunang turo ng Simbahan: “Peace is built up day after day…and can flourish only when all recognize that everyone is responsible for promoting it.” Ang kapayapaan ay itinatatag araw-araw, at yayabong lamang ito kung gagampanan ng bawat isa ang tungkuling itaguyod ito. Upang maiwasang humantong sa karahasan ang hindi pagkakaunawaan, kinakailangang nakatanim sa puso ng bawat tao ang kahalagahan ng kapayapaan. Nag-uumpisa ito sa mapayapang pagtugon sa mga problema natin sa loob ng tahanan, sa mga organisasyong ating kinabibilangan, at sa ating pamayanan. At kung naisasabuhay natin ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagsusumikap na maging makatarungan sa ating kapwa at ng pagkilala sa kanilang angking dignidad, unti-unting mamayani ang kultura ng kapayapaan sa ating lipunan.

Ang kapayapaan ay hindi lamang kawalan ng giyera o pagpapanatili ng balanse sa pagitan ng mga nagtutunggaliang grupo. Ang kapayapaan ay matatagpuan sa wastong pagtingin sa tao bilang nilkha ng Diyos, at sa tamang pagtingin na ito, natatanggap natin ang naayon para sa atin at naitataguyod natin ang ating dignidad. Samakatuwid, ang kapaypaan ay bunga ng katarungan.

Kaya naman, mahalagang sinusuportahan natin ang mga hakbangin ng pamahalaan na naglalayong pag-ibayuhin ang katarungan at kapayapaan sa bansa, gaya ng mga repormang tumutugon sa ugat ng kahirapang nagtutulak sa ilang kumapit sa patalim at humawak ng armas. Kabilang sa mga repormang ito ang pagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro ng rebeldeng grupo na magbalik-loob sa pamahalaan, ang wastong pagpapatupad ng Bangsamoro Organic Law para sa kapakinabangan ng mga kababayan nating Bangsamoro, at sa pagtiyak na may sapat na trabaho at pagkakataong mamuhay nang may dignidad ang mga dukha.

Mga Kapanalig, sama-sama nating itatag ang minimithi nating kapayapaan. Sa araw-araw na pakikisalamuha natin sa iba, lagi nating tiyaking patas tayo sa kanila at hangad natin ang kapakanan nila. Tunay at pangmatagalan ang kapayapaan kung umuusbong ito sa katarungan. Kapit-bisig tayo sa pagpapanday ng mga ito. Peace na tayo, Kapanalig!

Sumainyo ang katotohanan.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Green Transport

 7,221 total views

 7,221 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 13,194 total views

 13,194 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 18,949 total views

 18,949 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 26,212 total views

 26,212 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 34,196 total views

 34,196 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Green Transport

 7,222 total views

 7,222 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Inclusive Education

 13,195 total views

 13,195 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Sports at Kabataan

 18,950 total views

 18,950 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Responsableng kasiyahan

 26,213 total views

 26,213 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kalidad ng pagtuturo

 34,197 total views

 34,197 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mga payaso sa sirko

 35,557 total views

 35,557 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

BPO industry

 47,561 total views

 47,561 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Balik Probinsya

 55,603 total views

 55,603 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kuryente

 47,160 total views

 47,160 total views Kapanalig, kahit ano pang pagpipikit mata natin o bulagbugan, hindi natin matitiis na ang mahal ng halaga ng kuryente sa ating bansa. Lalo ngayon kapanalig, na tumataas ang halaga ng dolyar, pihado, madarama na natin ang panibagong aray sa kuryente. Nauna na nga ang pasakit ng halaga ng krudo at gas, hindi ba?

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nutrisyong sapat para sa lahat

 45,585 total views

 45,585 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Hunyo ay Nutrition Month batay sa Presidential Decree No. 491 noong 1974. Ngayong taon, ibinibida ng National Nutrition Council ang Philippine Plan of Action for Nutrition (o PPAN) sa selebrasyon ng Nutrition Month, na may temang “Sa PPAN: Sama-sama sa nutrisyong sapat para sa lahat!”. Ano nga ba

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ipagtanggol ang mga katutubong tagapagtanggol

 47,371 total views

 47,371 total views Mga Kapanalig, noong Hunyo pinaputukan ng isang armadong grupo ang mga katutubong residente ng Maria Hangin Island sa Balabac, Palawan.  Nangyari ang insidenteng ito isang araw matapos pigilan ng mga residente ang mga tauhan ng Department of Agrarian Reform (o DAR) na dumaong sa isla. Magsagawa sana noon ng konsultasyon ang DAR, kasama

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Umento sa sahod ng mga manggagawa

 44,296 total views

 44,296 total views Mga Kapanalig, inapubahan bago matapos ang Hunyo ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ang ₱35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa dito sa National Capital Region (o NCR). Mula ₱610 ay magiging ₱645 ang minimum daily wage ng mga non-agricultural workers sa rehiyon.  Dismayado dito ang ilang labor groups. Para

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Irigasyon

 58,610 total views

 58,610 total views Kapanalig, ang Pilipinas ay isang bansang agrikultural na lubos na umaasa sa pagsasaka para sa kabuhayan ng maraming mamamayan. Ang irigasyon, o ang sistematikong pamamahagi ng tubig sa mga taniman, ay isang mahalagang aspeto ng agrikultura na may malaking epekto sa produksyon ng mga pananim, seguridad ng pagkain, at pangkalahatang pag-unlad ng bansa.

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Lifelong learning skills

 62,300 total views

 62,300 total views Kapanalig, sa ating digital world ngayon, maraming mga disruptions at mabilis ang pagbabago. Maraming mga imbensyon at inobasyon ang sumusulpot at umuusbong na nagbabago ng ating way of life at way of doing business. Kapag ang mamamayan ay hindi handa dito, lagi tayong mahuhuli at mahihirapan mag transisyon. Change, kapanalig, is constant. At

Read More »
Latest Blog
Rev. Fr. Anton CT Pascual

Brain drain

 60,903 total views

 60,903 total views Dahil nasa digital age na tayo ngayon, ang mga science-based at digital industries ang karaniwang nangunguna sa merkado. Dahil sa malaking pagbabago na ito, ang mga uri ng trabaho na kailangan sa job market ngayon ay kinakailangan mas maraming scientists, engineers, programmers, IT specialists, at ibang kaugnay na trabaho. Ayon nga sa UNESCO

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top