Administrasyong Duterte, Hinamong gamitin sa tama ang OFW remittances

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 477 total reads

Matutong magtipid at pahalagahan ang kinikita.

Ito ang payo ni Balanga Bataan Bishop Ruperto Santos, Chairman ng Catholic Bishops Conference of the Philippines Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People sa pamilya ng mga Overseas Filipino Worker.

Ayon kay Bishop Santos, ito ay pagpapakita ng pagpapasalamat sa mga mahal sa buhay na nagsusumikap sa ibayong dagat para matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

“In gratitude to them we have take care of their hard earned money. The money should be spent wisely, for really needs of the family especially for schooling and food on the table.” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Hinamon ng Obispo ang pamilya ng mga OFW na isipin ang sakripisyo at paghihirap ng kanilang mahal sa buhay sa ibang bansa bago gastusin ang perang ipinapadala.

Batay sa ulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas tumaas ang personal remittances ng mga O-F-W sa buwan ng Hulyo na umabot sa 2.7 bilyong dolyar mas mataas ng higit sa 4 na porsiyento kumpara noong 2017 sa kaparehong buwan.

Nilinaw ng BSP na ang ipinapadalang pera ng mga OFW ay nakatutulong sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas.

Dahil dito kinilala ni Bishop Santos ang malaking ambag ng mga OFW sa pag-unlad ng bansa.

“Remittances of our OFW’s are great help not only to their families but much more for our economy. With their sacrifices they sustain the financial needs of their families and of our country.” pahayag ng Obispo.

Hinimok din ng Obispo ang pamahalaan sa wastong paggamit ng pera ng bayan at ilaan sa mga proyektong makatutulong sa bawat mamamayan.

Sa pinakahuling tala, tinatayang may sampung milyon ang bilang ng mga Overseas Filipino Workers sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Una nang kinilala ng Kaniyang Kabanalan Francisco ang mga OFW sa kaniyang pagbisita sa Pilipinas noong 2015 dahil sa malaking ambag nito sa ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng kanilang pagsusumikap maghanapbuhay sa ibang bansa.

60-pisong umento sa minimum wage, kulang

 15,845 total reads

 15,845 total reads Naniniwala si Bukluran ng Manggagawang Pilipino Chairman Ka Leody de Guzman na malaking tulong ngunit hindi sapat para makasabay sa patuloy na pagtaas

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Nalulugi ang transportasyon

 33,609 total reads

 33,609 total reads Mga Kapanalig, umabot na naman sa mahigit sandaang piso ang presyo ng diesel! Nanawagan ang mga operators ng provincial at city bus na

Read More »

Malaya na si Mary Jane

 62,183 total reads

 62,183 total reads Mga Kapanalig, magiging masaya ang Pasko ngayong taon ng pamilya ni Mary Jane Veloso. Si Mary Jane ay ang kababayan nating hinatulan ng

Read More »

KRISIS NA KINAKAHARAP NG MGA KABATAAN

 110,448 total reads

 110,448 total reads Mahinang industrial base ng ekonomiya, ito ang hadlang at ugat ng tumataas na bilang ng mga walang trabaho sa bansa lalu na sa

Read More »

PAX SILICA

 132,537 total reads

 132,537 total reads PAX SIILICA., mismo ang ating pamahalaan ang nagsusulong ng proyektong ito. Kapanalig, hina-hyped ng gobyerno ang Pax Silica bilang isang hi-tech artificial intelligence

Read More »

Nagmamahal, Judith

 230,619 total reads

 230,619 total reads Mga Kapanalig, dumating na ba sa inyo si Judith? Kung hindi ninyo siya kilala, si Judith ang buwan-buwan na dumadalaw sa atin para

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top