Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

DENR, nanawagan sa mga turista na pangalagaan ang kalikasan.

SHARE THE TRUTH

 416 total views

Nanawagan si Under Secretary for Staff Bureau . Demetrio Ignacio sa mamamayan lalo na sa mga turista na pangalagaan ang kalikasan.

Ipinaliwanag ni Usec. Ignacio na mahalagang magkaroon ng kaalaman ang mga turista kaugnay sa tamang pangangalaga sa mga lugar na kanilang bibisitahin ngayong summer.

Aniya, dapat madisiplina ang mga turista upang maiwasan ang labis na pagkakalat, lalo na ang pagtatapon ng mga plastic sa karagatan.

Dagdag pa nito mahalaga ring maging maingat at mapagmatyag ang mga lokal na pamahalaan sa pagbabantay sa mga likas na yaman ng kanilang karagatan tulad ng mga coral reefs na inaabot ng libong taon bago muling mabuo kapag nasira.

“Kapag nasira ang isang coral reef it takes thousands of years para tumubo yan, kaya kami po, nakikipagtulungan kami sa Department of Tourism saka lalong lalo na sa lokal na pamahalaan, sila po kasi yung nasa lugar, sila yung puwedeng makakita niyan, sila yung puwedeng magbantay huwag nilang pabayaan at i-educate natin yung mga turista natin”.pahayag ni Ignacio sa programang Barangay Simbayanan.

Samantala, nagpaalala rin ito sa mga mahilig mag-hiking na huwag mag-iwan ng mga kalat sa kabundukan, at huwag gumawa ng mga gawaing makasisira sa kalikasan.

Hiniling din ni Ignacio sa bawat isa na magtipid,huwag magkalat at magtanim ng mga puno.

Nauna rito, nanawagan si CBCP-Episcopal Commission on the Laity chairman Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga magbabakasyon na maging eco-friendly.

Read: http://www.veritas846.ph/summer-vacations-gawing-eco-friendly/

Matatandaang ito rin ang panawagan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa encyclical na Laudato Si, upang maisalba ang daigdig na natatanging tahanang nilikha ng Panginoon para sa bawat nilalang.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

CLIMATE CRISIS

 12,102 total views

 12,102 total views Nakakalungkot Kapanalig, tila hindi natin nauunawaan ang “climate crisis”, o nauunawaan man natin, wala lang tayong pakialam? Ito po ay sitwasyon na nagbabadya

Read More »

NUMERO

 23,585 total views

 23,585 total views Kawawang mga Pilipino, ganito lang tayo tinitingnan ng mga politiko sa panahon ng eleksyon, pagkatapos ng halalan… walang na tayong numero… wala na

Read More »

UNAWAIN AT MAGTIIS

 39,274 total views

 39,274 total views Kapanalig, anumang contingency plans ang gagawin ng pamahalaan sa “Edsa rehabilitation project” sa kalagitnaan ng buwan ng Hunyo, 2025, inaasahan na natin ang

Read More »

Tunay na boses ng kabataan

 40,012 total views

 40,012 total views Mga Kapanalig, hindi ipinroklama ang Duterte Youth bilang isa sa mga nanalong party-list groups sa nagdaang halalan. Halos dalawang milyon ang bumoto sa

Read More »

Anong solusyon sa edukasyon?

 49,440 total views

 49,440 total views Mga Kapanalig, tinuruan tayo ni Pope Benedict XVI sa kanyang liham na Caritas in Veritate na ang pag-unlad o development ay hindi nasusukat

Read More »

SPECIAL ANNOUNCEMENT

One Godly Vote
Simbahan at Halalan - Mid Term Election 2025
Click Here
Jubilee Pilgrimage
Veritas Eucharistic Advocate Pilgrimage
Click Here
Previous slide
Next slide

Related Story

Latest Blogs

Scroll to Top