Deployment ban ng OFWs sa Kuwait, mananatili

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 532 total reads

Wala pang katiyakan kung hanggang kailan ang pagpapairal ng ‘deployment ban’ ng Pilipinas sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Kuwait.

Ayon kay Presidential spokesperson Atty. Harry Roque, ito ay hangga’t hindi pa nalalagdaan ang bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa para sa kaligtasan ng mga OFW doon.

“Ang alam ko po ngayon, binibigyan ng priority ng ating gobyerno na magkaroon muna ng bilateral agreement kung saan dedetalyahin kung paano bibigyan ng proteksyon ang ating mga mangggagawa. At hanggang hindi napipirmahan itong bilateral agreement na ito, minamabuti natin na hindi muna magpadala ng mga Filipino sa Kuwait,” pahayag ni Roque.

“Siyempre po ‘yung naroroon na may opsyon silang bumalik, pero kung ayaw nilang bumalik ay naiintindihan natin yan. Pero wala na pong bagong ipo-process na papeles ang POEA para sa deployment diyan sa Kuwait,” dagdag pa ni Roque.

Ang deployment ban ay bunsod na rin sa pang-aabusong nararanasan ng mga OFW sa Kuwait kung saan ang pinakahuling insidente ay ang pagkakatagpo sa bangkay ni Joanna Demafelis sa loob ng isang freezer.

Sa tala, higit sa 250,000 ang mga manggagawang Filipino sa Kuwait kung saan may 1,700 na manggagawa ang umuwi sa isinagawang repatriation program ng Pangulong Duterte.

Una na ring inihayag ng Pangulong Rodrigo Duterte na maari pang palawakin ang ‘deployment ban’ sa iba pang mga bansa na may malaking bilang ng kaso ng pang-aabuso sa mga OFW.

Sa ulat, may higit sa 10 milyon ang mga Filipino sa iba’t ibang bahagi ng mundo na pangunahing nagpapaangat ng ekonomiya ng Pilipinas na base sa tala noong nakalipas na taon ay may 28 Bilyong dolyar ang pumasok na remittances.

Suportado rin ni Bishop Ruperto Santos, chairman ng CBCP-Episcopal Commission on Migrants and Itinerant People ang hakbang ng pamahalaan kasabay na rin ng panawagan sa paglikha ng mas maraming trabaho para sa mga Filipino dito sa bansa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

MAY MAPAPARUSAHAN KAYA?

 29,251 total reads

 29,251 total reads Kapanalig, taon-taon kapag isinumite ng Office of the President sa pamamagitan ng Department of Budget and Management sa Kongreso ang panukalang National Expenditure

Read More »

Troublemaker

 80,251 total reads

 80,251 total reads Mga Kapanalig, nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa umano’y pagtanggap ng pera mula sa China at Hong Kong ng isang kompanyang iniuugnay

Read More »

Hindi sapat ang balde

 128,122 total reads

 128,122 total reads Mga Kapanalig, bumili na raw tayo ng mga timba, balde, at iba pang imbakan ng tubig bilang paghahanda sa paparating na Super El

Read More »

Hindi punchline ang mga taong may kapansanan

 232,070 total reads

 232,070 total reads Mga Kapanalig, hindi nakatutuwang pagtawanan ang mga taong may kapansanan o persons with disability. Siguradong narinig na ninyo ang tungkol sa episode ng

Read More »

WALANG KAHIHIYAN

 316,713 total reads

 316,713 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 308,323 total reads

 308,323 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 415,894 total reads

 415,894 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top