Diocese of Balanga, tutol sa pagbubukas ng Bataan Nuclear Power Plant

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 769 total reads

Tutol si Diocese of Balanga, Bataan Bishop Ruperto Santos na muling buhayin ang Bataan Nuclear Power Plant.

Ayon sa Obispo, malaking kapahamakan kung itutuloy ng pamahalaan ang paggamit sa nuclear power plant, una na sa kalusugan ng pamayanan at pangalawa ay sa kalagayan ng ating kalikasan lalo’t tumitindi ang epekto ng climate change sa bansa.

“Ito’y malaking kapinsalaan sa atin, kung mapapansin natin ang mga exit ng bagyo ay dito sa Southern, dito sa amin, at ang mga habagat dito sa amin ay napakalalakas, e ngayon kung bubuksan pa ang Power plant ay lalo nang napakalaking kapahamakan, at panganib ang nagbabanta sa atin, kaya ngayon palang aming [inihahayag] na kami ay tututol dahil sa malaking kapahamakan,” pahayag ni Bishop Santos sa Radyo Veritas.

Iminungkahi ni Bishop Santos na gumamit na lamang ng mga alternatibong pagkukuhanan ng enerhiya tulad ng solar power, hydro power, geothermal power, at biomass.

“Suggestion natin ay palawakin natin ang pag-aaral, pagpapaunlad sa mga iba pang sources ng energy tulad ng Solar, tulad ng wind at hydro. Palagay ko sa wind maganda rin don yung mga nangyayari sa Northern Luzon kasi malakas ang hangin dito,” dagdag ni Bp. Santos.

Batay sa pag-aaral ng Department of Energy (DOE) National Power Corporation (NAPOCOR) at Philippine Nuclear Research Institute (PNRI) aabot sa $1 billion ang magagastos ng pamahalaan sa loob ng apat na taon para sa muling pagbuhay sa BNPP.

80% sa mga kagamitan ng BNPP ang kinakailangang muling masuri ng mabuti habang ang iba naman ay kinakailangan nang palitan.

Ang 389 na hektaryang kinatatayuan ng BNPP ay matatagpuan sa Naot Point, Morong Bataan.

Tinatayang 31 taon na mula nang sinimulan itong itayo noong 1984.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Battered woman syndrome

 148,535 total reads

 148,535 total reads Mga Kapanalig, dalawang linggo mula ngayon magsisimula ang 18-Day Campaign to End Violence against Women. Taun-taon ito ginugunita mula November 25 hanggang December

Read More »

Implikasyon ng eleksyon sa Amerika

 210,224 total reads

 210,224 total reads Mga Kapanalig, hindi pumabor sa kasalukyang administrasyon ni US President Donald Trump ang kinalabasan ng katatapos lamang na midterm elections doon.  Mayorya ng

Read More »

Salat sa malasakit

 255,934 total reads

 255,934 total reads Mga Kapanalig, pasintabi po sa maselang tema ng ating editoryal ngayon.  Lamán ng mga balita kamakailan ang 26 na labî ng aso at

Read More »

PAANO MABUHAY SA 96-PESOS

 357,201 total reads

 357,201 total reads Kapanalig, ipinagyayabang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang poverty statistics ng Philippine Statistics Authority na hindi ka maituturing na mahirap kapag kumikita ka

Read More »

MAHIYA NAMAN KAYO

 419,223 total reads

 419,223 total reads Kapanalig, JULY 28, 2025… naalala niyo pa ba? Ito ang ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ng pangulong Ferdinand Marcos Jr.,

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

IKAW PALA ANG MISYON NIYA SA LUPA

 29,617 total reads

 29,617 total reads Isang tula tungkol sa pag-ibig, pagkawala, at pananampalataya Bakit nga ba, Panginoon, sa dami ng taong maaari naming makilala, may mga pusong sa

Read More »

BAKIT LALAYO PA?

 59,224 total reads

 59,224 total reads May mga pagkakataong hindi na kailangang pumunta pa sa malayo para makita ang panlilinlang. Minsan, nasa paligid lamang natin. Nasa mga lugar na

Read More »

KAPAG ANG PULITIKA AY NAGING PANATISMO

 52,063 total reads

 52,063 total reads Kapag ang suporta sa isang lider ay nauuwi sa pagkamuhi sa kapwa, hindi na lamang pulitika ang nakataya—pati ang pagkakaisa ng bayan.  

Read More »
Scroll to Top