Diocese of Novaliches, may programa para sa drug surrenderees

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 552 total reads

Ilulunsad ng Our Lady of Lourdes Parish sa Diocese of Novaliches ang community-based rehabilitation program bilang tugon sa kampanya ng pamahalaan kontra ilegal na droga.

Ayon kay Fr. Luciano Felloni, parish priest ng parokya at SSDM coordinator ng diocese, sa nasabing programa inaanyayahan ang lahat ng mga drug user at pushers sa lugar na sumuko na upang hindi mabiktima ng extrajudicial killings na laganap ngayon sa ibat-ibang bahagi ng bansa.

Sinabi ni Fr. Fellonio, magaganap ito sa Barangay Hall 104 ng Camarin Kalookan sa September 1, 2016 alas 8:00 ng umaga at ang lahat ng surrenderees ay sasamahan nila sa City Hall ng lungsod kung saan naroon ang tanggapan ng pulisya.

Nakapaloob sa programa ng Diocese ang apat na aspekto para sa rehablitasyon ng mga susukong sangkot sa ilegal na droga sa kanilang lugar kabilang na dito ang kahalagahan ng pamilya; pangkabuhayan; spirituality at psycho-social intervention.

“So bumuo kami ng community-based rehabilitation program, sa side ng Simbahan ang 4 na aspekto Una ang family, treatment ng family nila, I contacted Couples for Christ at ang Family and Life Ministry ng parokya ko, kung saan ang CoC will focus on marriage at yung FLM will focus on parenting; 2nd ang Livelihood, andito ang Social Services and Development Ministry in-charge dito, we will coordinate with TESDA; 3rd ang Spirituality, offer naming sa kanila ang ready-made modules like life in the spirit seminar, Jesus In Me , and all this kinds of seminar sa Church at ipo-focus to the same group sa mga under rehabilitation at 4th ang psycho-social intervention dito papasok ang psychiatrist, teaching about dependents how to get rid of it, nakausap ko ang CEFAM, they will send some volunteers and counselors and trained people from the local place for counseling, dito papasok yung sa medical, psychologist at counselor,” ayon kay Fr. Felloni sa panayam ng Radyo Veritas.

Nilinaw ng pari na sakop ng kanilang programa ang mga community-based cases lamang.

“After surrender ,the medical worker comes in, they will categorize yung mga surrenderee, some of them are recommended for in house so wala kaming ganyang program. Yung mga community based rehab yun lang ipapasa sa amin.” ayon pa sa pari.

Ayon kay Fr. Felloni, mahalagang masubaybayan ang mga surrenderees sa kanilang rehabilitasyon upang mabigyan sila ng pagkakataong gumaling at makapagbagong buhay.

“Kailangang mabigyan ng chance for healing, kailangang subaybayan ang proseso ng pagbabago” ayon sa pari.

Sa kasalukuyan, nasa mahigit 40 na sangkot sa droga sa lugar ang nagpahayag ng pagsuko at umaasa sila na madadagdagan ito sa September 1 bagamat may takot lalo na at ipapadeklara sa kanila kung saan nila kinukuha ang kanilang supply na droga.

Dadalo sa launching ng community-based rehab program si Bishop Antonio Tobias, mga opisyal ng DILG, media, Barangay officials, Mayor at mambabatas mula sa Kalookan City.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

WALANG KAHIHIYAN

 113,561 total reads

 113,561 total reads Kapanalig, mahalaga sa sinumang lider ang pagtataglay ng katangiang “compassion” o kabutihang loob bilang servant leadership, dalisay na pagsisilbi sa taumbayan. Sinasabi sa

Read More »

Just energy transition sa Semirara

 189,700 total reads

 189,700 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 223,148 total reads

 223,148 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 258,447 total reads

 258,447 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 480,524 total reads

 480,524 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo

 299,883 total reads

 299,883 total reads AVT Liham Pastoral: Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo Wika ng Panginoong Jesus: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang

Read More »

Our dear people in government

 410,331 total reads

 410,331 total reads CBCP Statement for official release at 12 noon today: “Nothing is concealed that will not be revealed, nor secret that will not be

Read More »
Scroll to Top