Diocese of Balanga, nangangamba sa ikalawang bugso ng COVID-19 sa Bataan

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 536 total reads

May 16, 2020, 11:53AM

Nagpahayag ng suporta ang Diocese of Balanga sa rekomendasyon ng Provincial Government of Bataan (PGB) sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases na mapabilang pa rin ang lalawigan sa ipatutupad na Modified Enhanced Community Quarantine bilang patuloy na pag-iingat mula sa Coronavirus Disease 2019.

Ayon kay Balanga Bishop Ruperto Santos, kaisa ng pamahalaang panlalawigan ang buong diyosesis sa paghahangad na matiyak ang kaligtasan ng bawat mamamayan sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntuning pangkalusugan sa lalawigan.

Ibinahagi ng Obispo ang pangamba ng mamamayan sa posibilidad ng ikalawang bugso o second wave ng nakahahawa at nakamamatay na sakit na maaring maging bunga ng pagbaba ng General Community Quarantine sa lalawigan.

“With the position of the government, the Church supported and stood by them kasi nakita din natin ang pangangailangan na mag-test pa ng husto, mag-pray at saka i-treat kasi we are worried na baka magkaroon pa ng second wave at lahat ng dumating uli rito at umikot ay magiging suspect at magiging source ng spread ng virus” pahayag ni Bishop Santos sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Bishop Santos na kinakailangan pang makapagsagawa ng mga pagsusuri o tests at magamot ang mga pasyente na nagpositibo sa COVID-19 sa Bataan bago pahintulutan ang pagpapapasok at paglabas sa lalawigan.

“kung hindi pa namin mati-test yung iba we are making everybody in danger and suspected to the virus kaya sinuportahan ng Simbahan…”Dagdag pa ni Bishop Santos.

Naunang nagpahayag ng pasasalamat ang pamahalaang panlalawigan ng Bataan para sa suporta at pakikipagtulungan ng Diyosesis ng Balanga sa mga hakbang upang matugunan ang krisis na dulot ng pandemic na COVID-19.

Muli namang tiniyak ng Obispo ang patuloy na pagbubukas ng mga pasilidad ng buong diyosesis kabilang na ang mga college seminaries, diocesan schools at maging retirement homes ng mga pari upang magsilbing kanlungan ng mga frontliners at maging ng mga Persons Under Monitoring (PUM) at Persons Under Investigations (PUI) sa lalawigan.

Kaugnay nito, mula ika-15 hanggang ika-31 ng Mayo ay pinapayagan na ang mga religious activities sa mga lugar na nasa ilalim ng MECQ at GCQ.

Read: https://www.veritas846.ph/religious-gatherings-pinapayagan-na-sa-mga-lugar-na-nasa-ilalim-ng-mecq-at-gcq/

Pagkalinga sa mga estudyante, tiniyak ng UST

 4,298 total reads

 4,298 total reads Binigyang-diin ni University of Santo Tomas (UST) Secretary General Father Louie Coronel, O.P. na hindi kailanman mag-iisa ang mga bagong estudyante ng Unibersidad

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 58,311 total reads

 58,311 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 95,102 total reads

 95,102 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 127,445 total reads

 127,445 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 178,145 total reads

 178,145 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 239,765 total reads

 239,765 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top