Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Diocese of Borongan, nanawagan ng pakikiisa sa Jericho walk

SHARE THE TRUTH

 28,470 total views

Muling inaanyayahan ng Diocese of Borongan, Eastern Samar ang mga mananampalataya na makibahagi sa island-wide Jericho Walk upang ipanawagan ang tuluyang pagpapahinto sa mapaminsalang pagmimina sa Eastern Visayas.

Ayon kay Bishop Crispin Varquez, layunin ng malawakang paglalakad ang pananalangin at pagpapahayag ng pagtutol sa mga mapaminsalang gawaing lubos nang nakakaapekto sa kalikasan at buhay ng mga naninirahan sa isla.

Muling isasagawa ang paglalakad sa Guiuan, Eastern Samar sa November 29-30, 2023, kasama ang iba pang diyosesis na nakasasakop sa Eastern Visayas, ito’y ang Arkidiyosesis ng Palo sa Leyte; Diyosesis ng Catarman sa Northern Samar; Diyosesis ng Calbayog sa Samar; at Diyosesis ng Naval sa Biliran.

“We are called to be stewards of creation and to work towards a more just and sustainable future,” pahayag ni Bishop Varquez.

Unang isinagawa ng Diyosesis ng Borongan ang Jericho Walk noong Agosto 7, 2023 na dinaluhan ng humigit-kumulang 2,000 indibidwal.

Sa Eastern Samar, kasalukuyang nasa ilalim ng mining moratorium ang Manicani Island, habang nagpapatuloy naman ang operasyon ng apat na mining company sa Homonhon Island, ito ang Tech Iron Resources, Inc., Emir Mineral Resources Corp., King Resources Mining Corp., at Global Min-met Resources, Inc.

Mariing tinututulan ng Kanyang Kabanalan Francisco sa ensiklikal na Laudato Si’ ang industriya ng pagmimina dahil nag-iiwan lamang ito ng labis na pinsala at paghihirap sa mga apektadong pamayanan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Hindi sapat ang siyensya lamang

 73,625 total views

 73,625 total views Mga Kapanalig, para maiwasan na ang mga palpak na flood control projects, bumuo si DPWH Secretary Vince Dizon ng isang technical working group

Read More »

Wakasan ang OSAEC at CSAEM!

 105,620 total views

 105,620 total views Mga Kapanalig, ang buwan ng Nobyembre ay National Children’s Month. Sa pangunguna ng Council for the Welfare of Children, ang pagdiriwang ng buwan

Read More »

Public service is a public trust

 150,412 total views

 150,412 total views Mga Kapanalig, inilabas na ng lahat ng 24 na senador ang kanilang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (o SALN). Ang SALN

Read More »

Moro-Moro Lamang

 173,359 total views

 173,359 total views Kapanalig, ganito maihalintulad ang naganap at nagaganap na imbestigasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso, Senado, Independent Commission on Infrastructure at maging ng Office

Read More »

Holiness Is Not Boring

 188,757 total views

 188,757 total views Napakahalaga para sa Simbahang Katolika ang buwan ng Nobyembre, taun-taon ginugunita ng Santa Iglesia ang “All Saint’s Day” o tinatawag na “All Hallows

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

Latest News
Reyn Letran - Ibañez

SAC network, naka red alert sa bagyong Uwan

 833 total views

 833 total views Tiniyak ng humanitarian, development and advocacy arm ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na Caritas Philippines ang pag-antabay at mahigpit na nakikipag-ugnayan

Read More »
Latest News
Jerry Maya Figarola

Laban kontra OSAEC, paiigtingin ng PIMAHT at IJM

 11,887 total views

 11,887 total views Paiigtingin ng Philippine Interfaith Movement Against Human Trafficking (PIMAHT) at International Justice Mission (IJM) ang paglaban sa Online Online Sexual Abuse o Exploitation

Read More »

RELATED ARTICLES

Archbishop Uy, nanawagan ng tulong

 6,542 total views

 6,542 total views Nanawagan si Cebu Archbishop Alberto Uy sa mamamayan ng Cebu na magkaisa sa pagtulong sa mga pamilyang naapektuhan ng bagyong Tino, na nanalasa

Read More »
Scroll to Top