4 Mindanao dioceses, nagsagawa ng emergency response at situational assessment sa pinsala ng lindol

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 11,144 total reads

Nagsagawa ng emergency response at situational assessment ang apat na diyosesis sa Mindanao sa mga lugar na naapektuhan ng malakas na lindol sa Diocese of Digos upang matukoy ang agarang pangangailangan ng mga residente at mapalakas ang paghahatid ng tulong.

Ayon sa ulat, nagtungo sa bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental ang DADITAMA Social Action Network, na binubuo ng Archdiocese of Davao at mga Diyosesis ng Digos, Tagum at Mati, kasama ang Diocese of Tagum SAFER (Social Action Force Emergency Responders), upang suportahan ang mga operasyon sa dalawang apektadong parokya sa Barangay Caburan at Barangay Nuing.

Layunin ng misyon na magsagawa ng masusing pagtatasa sa kalagayan ng mga komunidad na naapektuhan ng kalamidad at tiyakin ang maayos na koordinasyon ng mga humanitarian program ng Simbahan.

“This mission manifests the Church’s solidarity and commitment to accompany communities affected by disaster. We ask for your prayers for the affected families and for the safety of all responders serving on the ground,” ayon sa DADITAMA.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng Social Action Ministry ng Diocese of Tagum ng mga food pack para sa mga pamilyang naapektuhan sa Balut Island.
Sa pamamagitan ng serye ng mga pagpupulong at koordinasyon sa mga katuwang na ahensya, inaasahang maipapadala ang mga relief goods sa tulong ng Philippine Coast Guard, na katuwang ng Simbahan sa pagtulong sa mga biktima ng lindol.

Nanawagan naman ang Social Action Ministry sa publiko na makibahagi sa relief drive sa pamamagitan ng pagdodonate ng mga pangunahing pangangailangan tulad ng bigas, de-lata, instant noodles, asukal, asin, kape, toyo at suka.

Maaaring dalhin ang mga donasyon sa SAM Centre sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Bermudez Compound, Apokon, Tagum City.

Batay sa pinakahuling ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), umabot sa 337,000 pamilya o mahigit 1.3 milyong indibidwal ang naapektuhan ng malakas na pagyanig.

Sa bilang, 68 ang nasawi, 1,339 ang nasugatan, at 33 ang iniulat na nawawala.

Patuloy naman ang babala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa posibilidad ng malalakas na aftershocks na maaaring magdulot ng karagdagang panganib sa mga apektadong lugar.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Kasaysayang ayaw nating maulit

 126,831 total reads

 126,831 total reads Mga Kapanalig, mahigit isang taon na mula nang mabunyag ang iskandalo sa mga palpak at pekeng flood control projects. May mga inaresto at

Read More »

Angry nerds

 170,272 total reads

 170,272 total reads Mga Kapanalig, tila wala namang tinamaan sa mga sinabi ni Pangulong Bongbong Marcos sa kanyang SONA noong isang taon na: “Mahiya naman kayo!”

Read More »

Don’t panic?

 220,028 total reads

 220,028 total reads Mga Kapanalig, bumagsak ang halaga ng piso sa panibagong pinakamababang antas na mahigit sa ₱64 kada isang US dollar! May epekto sa halaga

Read More »

LEADERSHIP PROBLEM

 379,224 total reads

 379,224 total reads Kapanalig, nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin ang ating bayan. Hindi pa tapos ang problema sa matinding epekto ng oil crisis, tumaas na

Read More »

GUILTY?

 400,566 total reads

 400,566 total reads Nakatanggap ang House prosecution panel ng ulat mula sa social media na maaring humingi ng “compromise agreement” ang defense panel ni VP Sara

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 191,283 total reads

 191,283 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top