Pre-impeachment trial ni VP Sara, ibukas sa media at publiko

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,632 total views

Nanawagan ang grupong Bantay Senado sa Senate Impeachment Court na buksan sa media at publiko ang pre-trial conference sa June 18 kaugnay ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon sa grupo, mahalagang maging bukas at transparent ang buong proseso dahil ang impeachment ay usaping may malaking epekto sa publiko.

Ipinaliwanag ng Bantay Senado na sa pre-trial conference tatalakayin ang mga ebidensiya, mga testigo, at iba pang tuntunin na magiging batayan ng paglilitis.

Dahil dito, iginiit ng grupo na may karapatan ang mamamayan na malaman at masubaybayan ang mga mahahalagang hakbang sa kaso.

Sinabi ni Bantay Senado convenor at spokesperson Professor Cleve Arguelles na ang impeachment trial ay hindi pribadong usapin kundi isang prosesong konstitusyonal na ginagawa para sa sambayanang Pilipino.

“The impeachment trial of a sitting Vice President is not a private legal dispute between two parties. It is a constitutional process conducted in the name of the Filipino people. Every stage of that process — including the pre-trial — must be conducted transparently. The public is not an optional participant to the proceedings,” ayon sa pahayag ni Arguelles.

Nilinaw naman ng grupo na wala itong pinapanigang kampo sa kaso laban kay Duterte, ngunit naniniwala itong mahalaga ang transparency upang mapanatili ang tiwala ng publiko sa proseso.

Sinabi naman ni UP College of Law Assistant Professor Michael Tiu Jr. na ang impeachment ay usaping may malaking interes sa publiko kaya dapat maging bukas ang pagdinig maliban kung may matibay na dahilan upang ito ay isagawa nang sarado.

“Closing it to the public and media without compelling constitutional justification may raise serious questions about the court’s commitment to due process and open justice. Transparency at the pre-trial stage is not incompatible with fair proceedings,” saad pa Tiu.

Hinimok ng Bantay Senado ang impeachment court na muling pag-aralan ang desisyon at payagan ang media at publiko na masaksihan ang pre-trial conference.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 17,126 total views

 17,126 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 50,208 total views

 50,208 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 78,559 total views

 78,559 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 146,289 total views

 146,289 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 168,095 total views

 168,095 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top