Senate leadership change, rason ng ipinatawag na special session ng kongreso

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 14,082 total views

Naniniwala ang mga mambabatas ng Makabayan bloc na ang pangunahing dahilan ng ipinatawag na ‘special session’ ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay may kaugnayan sa usapin ng leadership change ng Senado.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Mabayan bloc, malinaw na nakatuon ang usapin sa naging kaguluhan sa Senado na kung sino ang mayorya at minorya at hindi tungkol sa mga nakabinbing panukala.

“Everyone knows this is about the Senate leadership change more than any legislative measure,” ayon sa pahayag.

Sa kabila nito, nanawagan ang mga mambabatas sa publiko na higit pang maging mapagbantay, lalo na sa anumang pagpapalit ng liderato sa Senado para makalusot o makaiwas sa pananagutan ang mga senador na may kinahaharap na alegasyo ng korapsyon.

“Any leadership change should not be an occasion to get off the hook senators who face corruption charges,” ayon sa Makabayan bloc.

Gayundin ayon sa mga kongresista ang posibleng pag-usad ng pinahinang bersyon ng anti-political dynasty bill na maaring lamang mas magbigay daan sa mga umiiral na political dynasty sa bansa.

“We likewise warn the public on the passage of the watered-down anti-dynasty bill which is actually a bill legitimizing dynasties,” ayon pa sa pahayag.

Ang Makabayan bloc ay binubuo ng mga mambabatas mula sa progresibong partylist na kinabibilangan nina Representatives Antonio Tinio (ACT Tearchers), Sarah Elago (Gabriela) at Renee Co (Kabataan).

Una na ring ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagsasagawa ng ‘special session’ sa Kongreso na itinakda bukas, June 17.

Ayon sa Proclamation No. 1318, layunin ng hakbang na pabilisin ang pagpasa ng mga panukalang batas na magpapalakas sa social protection programs ng pamahalaan at magbibigay ng dagdag na suporta sa mga Pilipinong apektado ng mga kalamidad at hamon sa enerhiya.

Ang Special Session ng Kongreso, ay isang natatanging pagpupulong ng Senado at Kamara na ipinapatawag ng Pangulo upang agarang talakayin at aksyunan ang mahahalagang usapin kahit naka-recess ang Kongreso.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Upper-middle income na ang Pilipinas

 18,213 total views

 18,213 total views Mga Kapanalig, upgraded na daw ang Pilipinas!  Ayon sa World Bank, ang Pilipinas ay isa nang upper-middle income country. Ibig sabihin, lumampas na

Read More »

Ibinasurang paraiso

 51,295 total views

 51,295 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 79,646 total views

 79,646 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 147,376 total views

 147,376 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 169,110 total views

 169,110 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top