PBBM, umaasang matatapos na sigalot sa Middle East

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 20,228 total views

Umaasa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tuluyan nang matatapos ang tensyon sa Middle East kasunod ng napaulat na ceasefire agreement sa pagitan ng Estados Unidos at Iran.

Sa isang joint press briefing kasama si German President Frank-Walter Steinmeier, sinabi ng Pangulo na malaking ginhawa para sa maraming bansa ang posibleng kasunduan upang wakasan ang hidwaan.

“That is what we have been hoping for since the day after the war started. We hope, we pray, that this is the case, that it is over, the war is over, and it will be a lasting peace,” ayon kay Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, ramdam sa buong mundo, kabilang ang Pilipinas, ang epekto ng sigalot, lalo sa presyo ng langis at sa pangkalahatang kalagayan ng ekonomiya.

Giit ni Marcos, mahalaga na matuloy ang kasunduan upang makapagbigay-daan sa pagbangon ng ekonomiya at mabawasan ang epekto ng krisis sa enerhiya.

Umaasa rin ang punong ehekutibo na magiging tuloy-tuloy ang proseso at hindi na muling mauwi sa panibagong tensyon ang sitwasyon sa rehiyon.

Ang pahayag ay kasabay na rin naging pagbisita ng Pangulo ng Germany sa Pilipinas.

Kabilang din sa tinalakay sa pagbisita sa Malacañan ni Steinmeier ang usapin sa kalakalan, investment, at renewable energy.

Kasunod nito ay ang bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Marcos at President Steinmeier, kung saan ay inaasahang mapag- uusapan ang tungkol sa pagnenegosyo, pamumuhunan, depensa, maritime cooperation, renewable energy at iba pang larangan na may kinalaman sa kooperasyon ng Pilipinas at Germany.

Ito ang kauna-unahang state visit ng isang German head of state sa Pilipinas matapos ang mahigit anim na dekada, mula nang dumating sa bansa si dating German President Heinrich Lübke noong 1963

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Gaslighting

 7,960 total views

 7,960 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 75,689 total views

 75,689 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 98,841 total views

 98,841 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 168,955 total views

 168,955 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 243,099 total views

 243,099 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top