Nakiisa sa Laudato Si Week 2026, binigyang-pugay ng LSM

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 12,234 total views

Nagbigay-pugay ang Laudato Si’ Movement sa libu-libong indibidwal, pamilya, parokya, diyosesis, at komunidad sa Asia-Pacific Region na nakiisa sa pagdiriwang ng Laudato Si’ Week 2026 sa pamamagitan ng iba’t ibang pagkilos para sa pangangalaga ng kalikasan.

Ayon sa LSM, kabilang sa mga naging gawain ang pagsasagawa ng Misa para sa pagninilay sa usapin ng nuclear energy sa South Korea, pagtatatag ng pocket forests sa Pilipinas, pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics sa Australia, pagtatanim ng katutubong halaman sa New Zealand, pagdarasal ng Santo Rosaryo para sa kalikasan sa Indonesia, at pakikipagpalitan ng kaalaman sa mga magsasaka sa Vietnam.

“These diverse actions point to a simple but powerful reality: when small initiatives are connected, they become a strong collective witness for our common home,” pahayag ng LSM.

Kasabay nito, patuloy ring isinasakatuparan ng mga kalahok sa Laudato Si’ Animators Program ang kanilang Seed Projects bilang kongkretong tugon sa panawagan para sa integral ecology.

Sa Timor-Leste, nagsagawa ng coastal clean-up activity ang mga bagong Laudato Si’ Animators kasama ang mga kabataan at residente upang makatulong sa pangangalaga ng mga baybaying-dagat at mapalalim ang kamalayan sa kahalagahan ng marine ecosystems.

Sa Auckland, New Zealand naman, inilunsad ng isang parokya ang 15 minutong “Chaplet for Creation” bilang pagkakataon para sa eco-spiritual prayer at pagninilay, na positibong tinanggap ng mga mananampalataya.

Samantala, nagsagawa noong Hunyo 9 ng webinar ang iba’t ibang Catholic networks kabilang ang LSM upang ihanda ang mga diyosesis, parokya, pari, at Laudato Si’ Animators para sa pagdiriwang ng World Day of Prayer for Creation sa Setyembre 1 at ng mas malawak na Season of Creation.

Tinalakay sa webinar ang kahalagahan ng integral ecology at ang Mass for the Care of Creation o Missa Pro Custodia Creationis bilang mahalagang pagkakataon upang higit pang mapalalim ang liturhikal at pastoral na pagtugon ng Simbahan sa pangangalaga sa kalikasan.

Nanawagan ang LSM sa mga mananampalataya na ipagpatuloy ang kanilang ecological conversion at maging inspirasyon sa kapwa upang makibahagi sa pangangalaga sa nag-iisang tahanan ng sangkatauhan.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ibinasurang paraiso

 11,628 total views

 11,628 total views Mga Kapanalig, napanood ba ninyo ang dokumentaryo tungkol sa lupang ninuno o ancestral land ng mga katutubong Aeta na ginawang tambakan ng basura

Read More »

Gaslighting

 39,979 total views

 39,979 total views Mga Kapanalig, narinig na ba ninyo ang salitang “gaslighting”? Ang gaslighting ay isang uri ng sikolohikal na manipulasyon kung saan ipinalalabas ng isang

Read More »

NASAAN ANG SIMBAHAN

 107,709 total views

 107,709 total views Kapanalig, malimit nating naririnig ang katanungang, “NASAAN ANG SIMBAHAN”? Kapag may nangyaring trahedya., sakuna., man-made calamities., kawalan ng moral na pamumuno., WHERE IS

Read More »

ACCOUNTABILITY

 130,860 total views

 130,860 total views Pananagutan… Kapanalig, ito ang kaliwa’t-kanang panawagan ng iba’t-ibang grupo.,iba’t-ibang sektor., mga religious organizations sa ating bansa. Naging marubdob., naging malakas., naging sama-sama ang

Read More »

Mula Batanes hanggang… saan?

 200,223 total views

 200,223 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top