221 total views
Puspusang pinaghahandaan ng Diocese of Kalookan ang pagbisita sa diyosesis ng hindi naaagnas na puso ni St. Camillus De Lellis na patron ng mga may sakit, nurses at mga ospital.
Ang nakatakdang pagbisita ng puso ni San Camillo sa Diyosesis ay bahagi ng ikalawang Journey of the Incorrupt Heart Relic of St. Camillus De Lellis sa bansa na unang bumisita sa Pilipinas noong 2013.
Dadating sa Sto. Niño de Pasion Quasi Parish sa Daanghari, Navotas City ang Incorrupt Heart Relic ni San Camillo sa ika-24 ng Marso ganap na alas-onse ng umaga kung saan magkakaroon ng Healing Session at Annointing of the Sick.
Kasunod nito dadalhin naman ang puso ni St. Camillus sa San Roque Cathedral, Caloocan City kung saan magkakaroon rin ng Welcome at Healing Mass na agad na susundan ng Public Veneration.
Mananatili ang incorrupt heart relic ni San Camillo sa Diyosesis ng Kalookan hanggang sa ika-25 ng Marso kung saan inaasahan ang pag-aalay ng Farewell Mass ng Kalookan Clergy at mga mananampalataya bago tuluyang umalis ang relikya.
Ang Diocese of Kalookan ay isa lamang sa halos 19 na mga diyosesis na mabibiyayaan ng pagkakataon na mabisita ng incorrupt heart relic ni San Camillo sa ikalawang pagdalaw nito sa bansa.
Anim na taon na ang nakalipas ng unang naganap ang Journey of the Heart ni St. Camillus sa Pilipinas noong 2013 na nagresulta ng mas maalab na debosyon ng mga Filipino kay St. Camillus bilang patron ng mga may sakit.
“Let us all welcome to our Diocese of Kalookan the Incorrupt Heart Relic of St. Camillus. He is the patron saint of the sick, doctors, nurses and health workers. March 24, 2019, Sunday 11:00 a.m. – Arrival at Sto. Niño de Pasion Quasi Parish, Daanghari St., Daanghari, Navotas City (Vicariate of San Jose de Navotas) 2:00 p.m. – Departure for San Roque Cathedral, A. Mabini St., Caloocan City Masses at 3:00p.m. and 8:00p.m. *San Roque Cathedral open up to 12:00 midnight March 25, 2019, Monday 7:00 a.m – Departure after the 7:00 a.m. Mass – with Kalookan Diocese Clergy and Laity St. Camillus, Patron of the Sick, pray for us, Amen!