EJK families, mananatili ang hamon sa ICC na parusahan ang Pangulong Duterte

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 404 total views

Mananatili ang hamon at paghahanap ng katarungan ng mga pamilyang naulila sa marahas na War on Drugs ng pamahalaan sa International Criminal Court o ICC sa kabila ng opisyal na pagkalas ng Pilipinas sa hurisdiksyon ng korte.

Ayon kay Bro. Nardy Sabino, spokesperson ng Promotion of Church People’s Response, sa kabila ng pagkalas ng Pilipinas mula sa Rome Statute na siyang Treaty o tratadong lumikha ng International Criminal Court (ICC) na niratipikahan ng Pilipinas noong 2011 ay mananatili ang apela na mapanagot ang administrasyong Duterte sa maraming pagpatay sa bansa.

“Nananatili po yung hamon ng mga pamilya lalo na po yung mga nag-complain sa ICC mismo na ipagpatuloy po yung imbestigasyon at prosekyusyon ni Pangulong Duterte sa kanyang mga ginawa na nagdulot ng maraming patayan sa ating bayan…” pahayag ni Sabino sa panayam sa Radio Veritas.

Noong nakaraang taon, kinundena ng Pangulong Duterte sinasabing international bias ng United Nations Special Rapporteurs na pumupuna at pinalalabas na marahas at lumalabag sa karapatang pantao ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

Dahil sa pagkalas ng Pilipinas sa Rome Statute ay maaalis na rin sa hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) ang bansa kung saan may nakasampang kaso laban sa madugong implementasyon ng War on Drugs ng administrasyong Duterte.

Sinasabi ng iba’t-ibang human rights group na mahigit na sa 20,000 katao ang nasawi sa marahas na kampanya ng pamahalaan laban sa iligal na droga.

Kaugnay nito,nasasaad sa Encyclical ni Pope Leo the 13th noong 1891 na Rerum Novarum na bahagi ng Panlipunang Turo ng Simbahan na kabilang sa mga katungkulan ng mga otoridad na supilin at parusahan ang mga lumabag sa karapatang pantao at dignidad ng bawat isa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Mula Batanes hanggang… saan?

 10,448 total views

 10,448 total views Mga Kapanalig, may mga teritoryo na naman ng Pilipinas na inaangkin ng mga taga-China.  Sa isang pagtitipon ng mga akademiko sa China, sinabi

Read More »

Walang nakahihigit sa batas

 85,062 total views

 85,062 total views Mga Kapanalig, tuluyan nang naisailalim sa kustodiya ng Sandiganbayan si Senador Rodante Marcoleta matapos siyang arestuhin dahil sa kasong plunder. Naganap ito apat na

Read More »

Objection!

 165,141 total views

 165,141 total views Mga Kapanalig, nagsimula na ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.  Sa unang mga araw ng paglilitis, nakatuon ang Senado, bilang impeachment

Read More »

PAHIRAP SA MGA PILIPINO

 208,280 total views

 208,280 total views Kapanalig, nakakahinga ka pa napakabigat na pasanin? Ipinagmamalaki ng pamahalaan na bumagal ang inflation sa bansa na naitala sa 6.4-percent noong nakaraang buwan

Read More »

BURNOUT

 208,740 total views

 208,740 total views Kapanalig, sa Southeast Asia, ika-apat ang Pilipinas sa happiest country. Ika-56 naman ang Pilipinas mula sa 147 na bansa sa buong mundo na

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top