Disqualification case laban kay Bongbong, pinapamadali ng Halalang Marangal 2022 coalition sa COMELEC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 590 total reads

Nanawagan ang Halalang Marangal 2022 Coalition sa Commission on Elections (COMELEC) na kagyat na tugunan ang petisyon na inihain ng iba’t ibang mga grupo kaugnay sa kandidatura para sa pagkapangulo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Ayon kay Rev. Fr. Antonio Labiao, Jr. – Chairman ng Halalang Marangal 2022 Coalition Executive Committee, walang anumang partido o grupo na sinusuportahan ang kuwalisyon sa halip ay sa diwa ng katotohanan, katapatan at katarungan para sa nakatakdang halalan.

“Regarding the petition before the COMELEC to cancel the Certificate of Candidacy of Ferdinand R. Marcos Jr. for alleged false material representation, be it known that the HALALANG MARANGAL 2022 will not side with any of the parties involved. Instead, it urges the COMELEC to immediately act on the petition in the spirit of the law.” pahayag ni Fr. Labiao

Pagbabahagi ng Pari na siya ring Executive Secretary ng CBCP-Episcopal Commission on Social Action, Justice and Peace (ECSA-JP) o Caritas Philippines dapat na magkaroon ng kaliwanagan ang naturang petisyon na maituturing na isang hamon para sa election law ng bansa.

Ipinaliwanag ni Fr. Labiao na mahalagang agad na matugunan ng COMELEC ang nasabing petisyon upang maiwasan rin ang pagkalito ng mga botante .

“HALANG MARANGAL 2022 views with grave concern the recent events on the controversy of the candidacy of Ferdinand R. Marcos Jr. as it creates bad precedent and a mockery on the election law, as well as the rule of law of the land. In this regard, we call on the COMELEC en banc to fast track the resolution of the petition so as not to create confusion among the electorate.” Dagdag pa ni Fr. Labiao.

Giit ni Fr. Labiao, mahalaga ang paninindigan ng COMELEC sa tunay at kung ano ang nasasaad sa batas na siyang dapat na magsilbing sandigan ng katotohanan at katarungan sa lipunan.

Binigyang diin pa ng Pari na mahalaga ang tuwinang pagbibigay prayoridad sa kung ano ang makabubuti para sa lahat o ang common good kumpara sa kapakinabangan ng iilan indibidwal lamang.

Una ng nilinaw ni Rev. Fr. Christian Buenafe, O.Carm – Chairperson ng Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) na isa sa mga naghain ng petisyon sa COMELEC na self-inflicted ang hindi pagbabayad ng tamang buwis na dahilan upang siya ay mahatulan ng krimen sa Quezon City Regional Trial Court noong 1995 na kinatigan ng Court of Appeals noong 1997 .

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 40,410 total reads

 40,410 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 77,199 total reads

 77,199 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 110,813 total reads

 110,813 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 162,391 total reads

 162,391 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 224,024 total reads

 224,024 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

SPARK, iginiit ang pagpapatuloy ng BSKE

 8,366 total reads

 8,366 total reads Iginiit ng isang youth group ang pagpapatuloy ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) Elections, kasunod ng planong pagpapaliban sa halalang pambarangay na nakatakda

Read More »
Scroll to Top