Mission Congress, isasagawa ng Archdiocese of Cebu

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 819 total reads

Isasagawa ng Arkidiyosesis ng Cebu ang Archdiocesan Mission Congress sa November 20, 2021 bilang bahagi ng pagdiriwang sa 500 Years of Christianity.

Ayon kay Cebu Auxiliary Bishop Midyphil Billones, layunin ng virtual gathering na higit mapalalim ang kamalayan ng mananampalataya sa kristiyanismo at maibahagi sa buong pamayanan.

“The main purpose is to give importance to our Christian faith both as a gift and a mission,” ayon kay Bishop Billones.

Isa ito sa mga tampok na gawain ng Sub-committee on Parish and Archdiocesan Mission Congress na pinamuan ni Bishop Billones at paghahanda sa culmination activity ng 500 YOC na Second National Mission Congress na isasagawa sa Abril 18 -22, 2022 sa Cebu.

Sinabi naman ni Father Euselito Tulipas , chairman ng Cebu Archdiocesan Commission on Mission na layunin ng mission congress na matuklasan ang missionary nature ng simbahan lalo na sa lalawigan na may malaking papel sa paglaganap ng kristiyanismo ng bansa.

Tampok sa virtual mission congress ang panayam nina Cotabato Archbishop Emeritus Orlando Cardinal Quevedo na tatalakay sa ‘Missio Ad Gentes: Gifted to Give’; at Fr. Antonio Pernia, SVD, Dean of Studies in Divine Word Mission Institute Studies, na magpapaliwanag sa temang “Parokya: Misyonerong Katilingban sa mga Kabus, Gigasahan Arun Mopaambit.”

Magtatapos naman ang pagdiriwang sa isang misa na pangungunahan ni Cebu Archbishop Jose Palma mula sa Pope St. John XXIII Seminary.

“This hopefully will encourage every baptized to recognize, appreciate, and renew the gift of our Christian Faith,” dagdag ng obispo.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Karagatan para kanino?

 40,415 total reads

 40,415 total reads Mga Kapanalig, pamilyar ba kayo sa kuwento nina David at Goliat? Nang hamunin ng higanteng mandirigmang si Goliat ang hukbo ng Israel, walang

Read More »

Kapag ginagawang sandata ang batas

 77,204 total reads

 77,204 total reads Mga Kapanalig, paano kung ang batas na dapat nagtatanggol sa mga mamamayan ang mismong ginagamit para patahimikin sila? Noong Agosto 3, inaresto sa

Read More »

Kanino natututo ang mga bata?

 110,818 total reads

 110,818 total reads Mga Kapanalig, ikinalulungkot ng Malacañang ang insidente ng pangungutya ng ilang estudyante kay Pangulong Bongbong Marcos Jr noong bumisita siya sa Davao City

Read More »

TUNAY NA KALAGAYAN NG BANSA

 162,396 total reads

 162,396 total reads Kapanalig, sa ikalimang SONA ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr., idinetalye nito ang maraming accomplishment ng administrasyon. Pero, nakalimutan ni PBBM na i-ulat sa

Read More »

CONFIDENTIAL FUND

 224,029 total reads

 224,029 total reads Kapanalig, sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, naging malinaw sa madlang bayan na ang “confidential fund” ay isang public fund o

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top