233 total views
Pinaalalahanan ni Diocese of Boac Marinduque Bishop Marcelino Antonio Maralit Jr. ang mga bakasyunista ngayong Semana Santa na alalahanin ang tunay na diwa ng mahal na araw.
Ikinalulungkot ng Obispo na karamihan sa mga Filipino ay madaling makalimot sa tunay na kahulugan sa paggunita ng Simbahan sa kuwaresma.
Ayon sa Obispo, nakikita niyang problema sa mga tao ay tinuturing ang Holy week bilang panahon ng pagbabakasyon at pagsasaya sa halip na pagninilay at pagpepenitensiya.
“Kasi sa palagay ko iyan ang problema, nakakalimot. Ang daming tao for example, this is the time for them to go on vacation kasi walang pasok. Anong nagawa nila don nag-vacation pero they never reminded themselves from what God did for us,” pahayag ng Obispo sa Veritas Patrol.
Dahil dito, ipinaliwanag ni Bishop Maralit na ang bawat mahal na araw ay paalala nang pagmamahal ng Panginoon sa tao.
Ayon sa Obispo, ang ginawang pagpapakasakit ni Hesus sa Kalbaryo ay hindi nangyayari ng paulit-ulit, bagkus ay inaalala tulad ng habilin ni Hesus sa huling hapunan kasama ang kanyang mga alagad.
Bunsod nito, hiniling ni Bishop Maralit na nawa sa pag-alala ng bawat tao sa sakripisyo ng Panginoon ay matutunan din ng taong tumugon sa ginawang pag-aalay ng buhay ni Hesus.
“Hopefully in that remembrance, in that memory of what God had done for us, we could find also, our ability to respond weather its transformation, kung may kailangang baguhin sa ating sarili, weather it’s a pleasant act, lalo na kung may kailangan tayong gawing kabutihan, weather it’s taking care of other people because that’s part of what he ask from us.” Dagdag pa ng Obispo.
Matatandaang pinaalalahanan ni Pope Francis ang mga mananampalataya ngayong mga Mahal na Araw, na ituon ang ating paningin kay Hesus at humingi ng biyaya na ating mas maintindihan ang misteryo ng kanyang pagpapakasakit alang-alang sa atin.