Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

 165 total views

Homiliya para sa Huwebes sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 20 Hulyo 2023, Mt 11:28-30

Isang palaisipan ang sagot ng Diyos kay Moises nang tanungin Siya nito: “Ano po ba ang pangalan ninyo kung sakaling tanungin nila ako?” Wika daw ng Diyos: “Ako ang Diyos na LAGING NGAYON.” Ito ang translation ko sa I AM WHO AM.

Magandang palaisipan ito para sa atin, tayong mga nabubuhay sa lugar at panahon. Ang sandaling ito ngayon, mamaya lang ay lumipas na. At hangga’t tayo’y nasa ngayon pa, wala tayong katiyakan sa puwedeng mangyari bukas. Kahapon, ngayon, at bukas—ito ang tatlong panahon na lagi nating kailangang harapin hangga’t nabubuhay tayo dito sa mundo.

Katulad ng nabanggit ko sa homily ko kahapon, si Moises ay napadpad sa Midian dahil meron siyang tinatakasan na nakaraan. Kahit malinaw sa kanya na lumaki siya sa palasyo bilang prinsipe ng Egipto, ramdam niya ang koneksyon niya sa mga aliping Hebreo. Bahagi kasi sila ng kanyang nakaraan na ngayon ay ibig niyang takasan dahil hindi niya mabata na makita ang kanilang pagdurusa. Pero kahit mangarap siya ng kakaibang bukas sa kanila, parang lalo lang siyang nabibigatan, parang wala naman siyang magagawa para sa kanila.

Pwede nating iugnay ito sa sinabi ni Hesus sa ebanghelyo—sa paanyaya niya sa mga napapagod at nabibigatan, na bibigyan sila ng kaginhawaan. Dalawang bagay lang naman talaga ang pwedeng magpabigat sa ating mga buhay: mga bagay na nangyari sa nakaraan, at mga pinapangarap natin para sa hinaharap.

Totoo naman di ba, na minsan, may mga bagay na kahit nangyari na, kahit tapos na, ay parang hindi natin malimot-limutan. Bitbit pa rin natin o karga-karga na parang mabigat na pasanin—tulad ng mga pagkakamali, kapalpakan, at kabiguan sa nakaraan. Pati mga trauma o masasakit na karanasan, kahit tapos na, minsan parang sariwa pa rin, parang sugat na nagnanaknak, lalo na kapag hindi tayo makausad o makapagpatawad. Kapag ang galit ay natanim at naging mga hinanakit—parang kinakaladkad natin sa kasalukuyan ang nakaraan. Sa di natin namamalayan, hinahayaan natin na sirain nito ang ating kasalukuyan at hubugin nito ang hinaharap.

Pero bukod sa kahapon, pwede ring pabigatin ng bukas ang ating buhay. Kapag pinangunahan tayo ng takot at pangamba sa pwedeng mangyari, kapag parang wala tayong makitang liwanag sa darating na bukas dahil naghihinagpis na tayo o nawawalan ng pag-asa dahil sa sitwasyon natin sa kasalukuyan. May mga taong kung minsan gustong matulog at ayaw nang gumising, lalo na pag sirang-sira na ang loob ng tao.

“Matuto kayo sa akin”, sabi ng Panginoon. Ano ang dapat nating pag-aralan sa kanya? Ang pagiging “maamo at mababang-loob”. Ibig sabihin handang humarap sa kahit na anong pwedeng mangyari sa buhay nang may tiwala—na hindi man natin lubos na alam ang nangyayari, ito’y alam ng Diyos, at tayo’y nasa kamay niya, wala tayong dapat ikabahala o ipangamba.

“Dalhin ninyo ang aking pamatok”. Hindi ba parang kabalintunaan ito? Gusto niyang pagaanin ang ating mga karga sa buhay pero may pinabubuhat naman siya sa atin: ang kanyang pamatok. Ang simbolo natin sa pamatok ni Kristo ay ang krus, ang sagisag ng Pag-ibig na walang kundisyon at laging handang magsakripisyo—ito ang tanging makapagbibigay ng kahulugan at makapagpapagaan sa anumang ating kailangang danasin at pagdaanan sa buhay.

Ang yumaong dating UN Secretary General na si Dag Hammaskjöld ay ganito rin daw ang prinsipyong sinunod sa buhay:

“Sa lahat ng nakalipas na, pasasalamat; sa mga bagay na darating pa, Siya nawa. Nawa’y ang buhay ko ngayon ay maging isang tuluyang pag-oo, isang palagiang pagtalima sa iyong dakilang kalooban.”

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Saan aabot ang ₱20 milyon ng SONA?

 5,885 total views

 5,885 total views Mga Kapanalig, ngayon ang ikatlong State of the Nation Address (o SONA) ni Pangulong BBM. Bago ang araw na ito, naging usap-usapan ang inilaang 20 milyon pisong budget para sa okasyong ito. Ayon kay House Secretary-General Reginald Velasco, ang budget na ito ay gagamitin daw para sa mga sumusunod: pagkain at inumin ng

Read More »

Green Transport

 19,025 total views

 19,025 total views Kapanalig, marami ang nagpapasalamat ngayon na may opsyon na tayong maka-work from home. Ang public transport sa ating mga syudad ngayon ay lubhang malupit na, lalo para sa mga maralitang Pilipino. Dahil sa iba iba ang uri ng ating kabuhayan, marami pa rin sa atin ang no choice – kapit patalim, kapit tuko

Read More »

Inclusive Education

 24,998 total views

 24,998 total views Kapanalig, isa sa mga senyales na maganda ang kalidad ng edukasyon sa isang lipunan ay ang pagiging inclusive o mapagbilang nito – yung lahat ay may ready access kahit saan man siya nandoon, kahit ano pang kasarian niya, at kakayahan. Kasama dito, kapanalig, ang access ng mga vulnerable populations at disabled people. Kung

Read More »

Sports at Kabataan

 30,753 total views

 30,753 total views Kapanalig, katatapos lamang ng Palarong Pambansa – isang national activity, na sana’y lagi nating nabibigyan ng suporta. Malaking bagay ito, hindi lamang para sa mga kabataan, kundi para sa nation building at national pride. Kailangang manatiling malaki at mahalaga ang papel ng sports sa buhay ng kabataan sa sa ating bansa. Unang una,

Read More »

Responsableng kasiyahan

 38,015 total views

 38,015 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

REVELATION TO THE CHILDLIKE

 881 total views

 881 total views Homily for Wed of the 15th Wk in OT, 17 July 2024, Isa 10:5-7, 13b-16; Mt 11:25-27 Our first reading today is a grim warning to modern-day world powers who bully their neighbors. It is a good reminder for nations that have become economically prosperous and militarily powerful to the point of throwing

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 882 total views

 882 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,636 total views

 3,636 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 8,051 total views

 8,051 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 3,377 total views

 3,377 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,900 total views

 3,900 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 5,399 total views

 5,399 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 6,243 total views

 6,243 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 4,498 total views

 4,498 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,711 total views

 8,711 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,943 total views

 7,943 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 12,153 total views

 12,153 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,601 total views

 5,601 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,605 total views

 5,605 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,605 total views

 5,605 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top