Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

Homiliya Para sa Ika-20ng Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-14 ng Agosto 2022, Lk 12:49-53

Medyo nakakatakot ang dating ng mensahe ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Kailangan nating pagnilayang mabuti para makuha natin ang mabuting balitang hatid nito. Sino bang hindi matatakot sa ganitong mga salita:

“Naparito ako upang magdala ng apoy sa mundo, at hangad ko na mapagningas na ito!”Sabi pa niya, “Akala ba ninyo kapayapaan ang hatid ko sa lupa? Hindi. Ang hatid ko ay pagkakawatak-watak.”

Kapag may brown-out at sanay kang matulog na may nakasinding electric fan o aircon, natural mahihirapan kang matulog. Hindi ka mapayapa hangga’t hindi bumabalik ang kuryente. At lalong hindi ka mapapayapa kung ang dahilan ng pagkawala ng kuryente ay hindi brownout kundi power disconnection dahil matagal ka na palang hindi nagbabayad ng electric bill.

Kung sasabihin ni Kristo na naparito ako para bayaran ang electric bill mo upang makonektang muli ang bahay mo sa kuryente, hindi ba good news iyon? Ano ba ang pinagmumulan ng kuryente natin kundi apoy?

Minsan nakakalimutan natin ang pakinabang na dulot ng apoy sa buhay ng tao. Palagay ko, noong panahon ng stone age, noong mababa pa ang antas o level ng sibilisasyon, ang tingin ng tao sa apoy ay isang bagay na nakakatakot. Sino ba ang hindi matatakot kapag nilamon ng apoy ang bahay mo? SUNOG ang tawag natin sa apoy na nakasisira. Madalas mangyari ang mga sunog dito sa siyudad, lalo na sa mga makipot na kabahayan sa mga informal settlers. Ang bilis kumalat, ilang minuto lang daan-daang mga pamilya na ang mawawalan ng bahay. At sabi nga nila, bagyuhin ka na o lindulin, huwag lang masunugan, kasi ubos lahat!

Kapag sunog ang unang pumasok sa isip natin kapag nababanggit ang apoy, talagang matatakot tayo. Kaya siguro sunog ang ginagamit na paglalarawan sa impyerno o kaparusahan sa karamihan sa mga relihiyon.

Pero hindi na tayo nabubuhay sa “stone age” di ba? Ang layo na ng inabot ng kabihasnan ng tao mula nang matutunan nating tingnan ang apoy sa mas positibong pakinabang nito. Di ba isang malaking bola ng apoy ang araw? Di ba hindi naman posibleng manatili ang buhay sa daigdig kundi dahil sa liwanag at init na dulot ng apoy ng araw?

Sa kasaysayan, maraming nagbago sa buhay ng sangkatauhan nang matutunan nating gamitin nang tama ang apoy. Nakaimbento tayo ng mga makina na pinatatakbo ng apoy, ang tinatawag nating “spontaneous combustion”. Maraming umunlad nang matutuhan nating gamitin ang apoy para sa power generation—para magpakilos, magpagalaw, magpatakbo nga mga sasakyan—magpalipad ng mga eroplano, magpaandar ng mga barko, magpatakbo ng mga kotse at bus. Ginagamit din natin ito para makapag-generate ng kuryenteng magbibigay ng init ng mga “heaters” kapag winter, ng lamig ng “aircon” kapag summer, ng liwanag ng mga ilaw kapag gabi.

Nalulungkot ako kapag nakakalimutan natin na sa Bibliya, apoy din ang madalas na gamitin para ilarawan ang pagsasaatin ng Diyos. Di ba sa pamamagitan daw ng isang nag-aapoy na punongkahoy unang nagpakita ang Diyos kay Moises? Di ba sa anyo daw ng mga dilang apoy bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad? Di ba ulap sa umaga at apoy sa gabi ang gumabay sa mga Israelita patungo sa lupang pangako? Di ba isang Kristong may nag-aapoy na puso ang paglalarawan natin sa Diyos na tumutubos sa mga makasalanan?

Kaya nga sa templo ng mga Hudyo ang gawain ng mga pari ay alagaan ang apoy para hindi ito mamatay kahit kailan. Gawain daw ng mga pari na laging alisan ito ng abo, lagyan ito ng bagong panggatong para mapanatili itong laging naglalagablab.

Talagang pakinabang ang apoy kung aalagaan ito, kung gagamitin nang tama. Pero hindi pakinabang ang idudulot nito kung imbes na alagaan, ito ay paglalaruan. Kaya may kasabihan tayo—“Huwag kang maglaro ng apoy.”

Sa Pentekostes luminaw sa mga apostol kung ano ang tinutukoy na apoy na nais dalhin ni Hesus sa mundo: ang Espiritu Santo—ang nagpapaalab sa pag-ibig ng Diyos sa ating puso at kaluluwa at nagdudulot ng pagkakaisa ng mga alagad bilang katawan ni Kristo.

Kung kayang patigasin ng apoy ang putik para ito ay maging tisa, paso, palayok o banga, kaya din ng apoy na palambutin ang matigas na bakal at tunawin ang ginto para linisin o dalisayin ito. Kaya siguro apoy din ang simbolo ng purgatoryo—hindi apoy na sumisira kundi apoy na lumilinis o dumadalisay—katulad daw ng maduming ginto na tinutunaw para alisin ang dumi nito at lalong tumaas ang kilatis o halaga nito.

Totoo, gusto nating magkaisa at ayaw nating magkawatak-watak. Pero ang tunay na pagkakaisa ay dadaan muna ng maraming pagsubok. Hindi naman tayo bigla na lang nagkaisa bilang isang bansang Pilipinas kung hindi muna tayo natutong manindigan nang sama-sama para ipaglaban ang ating kalayaan. Kinailangan munang lumaban at magbuwis ng buhay ng maraming mga bayani at martir upang tayo’y maging maging isang bayang malaya at nagkakaisa.

Pwede kasing pagkaisahan ng mga tao ang masamang hangarin. Kahit ang dimonyo ayaw daw niyang mahati ang kanyang kaharian, sabi ni Hesus. Kaya nang magkaisa ang mga nagtatayo ng tore ng Babel, sabi daw ng Diyos, “Hindi maganda ang pagkakaisang ito.” Ano ang ginawa niya? Binuwag niya. Pinagsalita sila ng iba’t ibang linggwahe kaya nagkawatak-watak sila.

Upang tunay magkaisa ang tao, kinailangan muna nating matutong makipag-usap, makinig, makipag-ugnayan, magkipagkapwa, makipagkaisang puso at diwa para sa tama, sa totoo, sa nararapat. At ito ang binigyang katuparan ni Hesus nang ipadala niya ang apoy ng Espiritu Santo. Binigyan niya tayo ng “dilang apoy”. Tinuruan niya tayong magsalita ng linggwahe ng Diyos, ang linggwahe ng pag-ibig, malasakit, katotohanan at katarungan para akayin tayo tungo sa tunay na kapayapaan at pagkakaisa.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Ano tayo pagkatapos ng krisis?

Mga Kapanalig, “kinamatayan na lang ang ayuda.” Ganito inumpisahan ang balita tungkol kay Tatay Jimmy na tatlong dekada nang namamasada ng tricycle sa Barangay Batasan

Read More »

Ang kalikasan ay may karapatan

Mga Kapanalig, paano kung ang pagkalbo ng kagubatan, pagbuga ng polusyon, at pagsira sa dagat ay hindi na lang simpleng paglabag sa batas kundi isang

Read More »

Patibong ng kasamaan

Mga Kapanalig, hindi laging lantad ang kasamaan. Minsan nag-aanyo itong mabuti, maamo, at inosente. Ayon sa 2 Corinto 11:14, “…si Satanas man ay nagkukunwaring anghel

Read More »

Anyare sa ICI?

Mga Kapanalig, mahigit anim na buwan mula nang itatag ang Independent Commission for Infrastructure (o ICI), inanunsyo na ang pagbuwag nito sa darating na Martes,

Read More »

SYNODALITY

Synodality is the process and style of the Church’s life in which all members journey together, participate actively, and discern collectively in mission and governance.

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PAGLILINIS NG KALOOBAN

Homiliya para sa Biyernes sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 27 Marso 2026, Juan 10:31-42 Ang kuwaresma ay panahon ng pagsasanay na espiritwal. At isa sa

Read More »

MALASAKIT

Homiliya para sa Panlimang Linggo ng Kuwaresma, 22 Marso 2026, Juan 11:3-45 Malasakit ang tawag natin sa Tagalog sa pakikiramay sa masasakit na karanasang pinagdaraanan

Read More »

ANG PINAKAUNA/ PANGALAWA

Homiliya para sa Biyernes ng Ikatlong Linggo ng Kuwaresma 13 Marso 2026 – Marcos 12:28–34 Hindi ba parang nakapagtataka na nagdagdag pa si Hesus ng

Read More »
Scroll to Top