Veritas PH

The WORD. The TRUTH.

Mananampalataya, hinimok ni Pope Francis na isabuhay ang pagtalaga ng mundo sa Divine Mercy

SHARE THE TRUTH

 466 total views

Hinimok ng Kanyang Kabanalan Francisco ang mananampalataya na panibaguhin at isabuhay ang pagtalaga ng mundo sa Divine Mercy.

Ito ang mensahe ng Santo Papa sa paggunita ng ikalawang dekada buhat nang italaga ni Pope St. John Paul II ang daigdig sa Banal na Awa ng Panginoon na ginanap sa Shrine of Divine Mercy, sa Krakow, Poland.

Ayon kay Pope Francis sa mga kasalukuyang nangyayari sa mundo ay mahalagang hilingin sa Panginoon ang dakilang awa at habag upang maligtas ang tao mula sa kapahamakang dulot ng karahasan at kasalanan.

“More than ever today, we see the meaning of that gesture, which we want to renew in prayer and in the witness of life. Mercy is the way of salvation for each of us and for the whole world,” pahayag ni Pope Francis.

August 17, 2002 nang pangunahan ni St. John Paul II ang pagtalaga ng mundo sa Divine Mercy na higit kinakailangan ang awa ng Panginoon lalo’t nahaharap ang tao sa iba’t ibang uri ng panganib at pang-aakit ng kasamaan.

Ito ay kasabay ng pagtalaga ng santo sa Shrine of Divine Mercy sa Poland na patuloy dinarayo ng mga deboto ng Divine Mercy at iba pang mananampalataya na nagsagawa ng pilgrimage sa lugar.

Samantala hiling ni Pope Francis sa mamamayan na idulog sa Diyos ang natatanging intensyon ng mga mamamayan sa Ukraine na labis na apektado sa mahigit anim na buwang digmaan sa pagitan ng Russia.

“And we ask the Lord for special mercy, mercy and pity for the tortured Ukrainian people,” ani Pope Francis.

Ayon sa datos 15-libong katao na ang nasawi sa digmaan at daan-daang libo naman ang lumikas upang makaiwas sa karahasan.

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

kabaliwan

 40,211 total views

 40,211 total views Ito ang taguri ng Obispo ng Kalookan sa mga ahensiya ng gobyerno na kunwaring nababahala sa iligal na offshore gambling… ginagawa namang legal

Read More »

Magkaayos Kaysa Maghiwalay

 56,299 total views

 56,299 total views Sa pagsisimula ng 20th Congress, muli na namang isinulong sa Mababa at Mataas na Kapulungan ng Kongreso ang divorce bill. Kailangan ba talaga

Read More »

Dagdag nga ba o bitin pa rin?

 93,779 total views

 93,779 total views Mga Kapanalig, inanunsyo ng Department of Labor and Employment (o DOLE) na magkakaroon ng dagdag na ₱50 sa arawang minimum wage sa Metro

Read More »

Ka-tiwala, hindi ka-tiwali

 104,730 total views

 104,730 total views Mga Kapanalig, noong nakaraang Lunes ay nagsimula na ang termino ng mga nanalo sa nakaraang eleksyon. Maraming mga opisyal—mula sa mga senador hanggang

Read More »

Watch Live

LATEST NEWS

RELATED ARTICLES

Scroll to Top