Pagsusuri sa galaw ng lupa at aktibidad ng bulkan, paiigtingin ng DOST

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 722 total reads

Tiniyak ng bagong kalihim ng Department of Science and Technology na mas paiigtingin ang mga plano hinggil sa pagsusuri sa galaw ng lupa at aktibidad ng mga bulkan sa buong bansa.

Ayon kay Science and Technology Secretary Renato Solidum na mayroong strategic plan ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) upang mas mapabuti at mapadali ang pagtukoy sa mga seismic activity o nangyayaring pagyanig ng lupa sa Pilipinas.

Sinabi ni Solidum, dating director ng PHIVOLCS na nasa 115 na ang nakatayong seismic station sa bansa at balak pang dagdagan ito sa 300 upang masiguro ang kalagayan ng lahat ng aktibo at potensyal na fault line sa bansa.

“Ang hangarin natin dito ay kapag mas madami ang seismic station, ‘yung mga maliliit na lindol, ‘yung mga magnitude 2 and above kayang kaya po ng ating seismic network ‘yan. Kung gusto pa nating makadetect ng maliliit na lindol na maaaring makapagbigay sa atin ng idea na baka may malaking earthquake na susunod kapag gumagalaw na ‘yung fault ay papadamihin natin,” pahayag ni Solidum sa panayam ng Radio Veritas.

Layunin ding paigtingin ng PHIVOLCS ang paglalagay ng earthquake intensity monitors upang madaling matukoy ang mga lugar na apektado sakaling may maganap na paglindol.

Paliwanag ni Solidum na kadalasan ay umaasa lamang ang ahensya sa mga ulat mula sa lokal na pamahalaan kaya hindi agad natutukoy ang lawak ng epekto ng mga pagyanig.

“Nagde-devevelop tayo at naglalagay tayo ng mga earthquake intensity meters para maipakalat sa buong Pilipinas. Magdadagdag pa tayo ng 200 at sa kasalukuyan mayroon na tayong close to 200 para mapabilis ang pagkalap ng information,” saad ni Solidum.

Ibinahagi rin ng dating director ng PHIVOLCS na mayroon ding state-of-the-art na kagamitan ang ahensya sa pagbabantay sa kalagayan ng mga bulkan sa bansa.

Tinukoy ni Solidum ang mahigpit na pagbabantay sa mga aktibong bulkan tulad ng Bulkang Bulusan, Bulkang Pinatubo, lalo na ang Bulkang Taal na bagamat nasa Alert Level 1 status ay patuloy na nagdudulot ng pangamba sa publiko.

Gayunman, sinabi ng kalihim na mahalaga pa rin ang mayroong sapat na kaalaman at kahandaan ng publiko para sa kaligtasan sa anumang sakuna.

Si Solidum ay naglingkod sa PHIVOLCS mula 1984, kung saan siya ay direktor mula 2003 hanggang 2017 at officer-in-charge mula 2017 hanggang sa kasalukuyang taon bago italaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bilang bagong DOST secretary.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 16,920 total reads

 16,920 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 17,744 total reads

 17,744 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 34,575 total reads

 34,575 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 71,952 total reads

 71,952 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 103,221 total reads

 103,221 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 178,275 total reads

 178,275 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 270,805 total reads

 270,805 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

PBBM, binigyan ng ATM ng mababang marka

 74,450 total reads

 74,450 total reads Binigyan ng Alyansa Tigil Mina (ATM) ng pinakamababang marka ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa usapin ng pagmimina, kasabay ng ikalimang

Read More »
Scroll to Top