Mga OFW, hinimok na makiisa sa formation program ng CFM Hongkong

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 666 total reads

Pinaigting ng Chaplaincy to the Filipino Migrants in Hong Kong (CFM Hong Kong) ang mga hakbang na lilinang sa pagmimisyon ng mga Katolikong Pilipino.

Ito ay sa pamamagitan ng inisyatibo ni Father Jay Francis Flandez na pagdaraos ng Formation Program tuwing araw ng Martes ika-siyam ng gabi na matutunghayan sa official Facebook page ng CFM Hong Kong na nagsimula noong COVID 19 pandemic.

Ayon kay Brother Mijad Jimenez, social media member ng Chaplaincy, pangunahing layunin ng programa na matulungan ang mga Filipino migrants higit na ang mga Filipino domestic helpers sa Hong Kong na makapakinig ng salita ng Diyos.

“Karamihan po niyan ay nakakapanood a day after or during the weekend, ang ganda po ng feedback kasi it’s all about formation so malaking bagay po sa atin sa mga kababayan natin yung may naririnig about them and people sharing their experiences na yung pinagdadaanan nila ay simple pala na pinagdaanan din pala ng iba, or hindi pala ganon ka-complicated may solusyon pala,” ayon sa panayam ng Radio Veritas kay Bro. Jimenez.

Bukod dito ay pinalalaganap din ng Formation Program ang ebanghelisasyon sa buong mundo dahil matutunghayan ito ng mga OFW saan mang panig ng daigdig.

Tampok sa programa ang ibat-ibang tema ng salita ng Diyos, karanasan ng mga Filipino migrants o mga napapanahon paksa na tinatalakay ng mga pari, lay volunteers, ibat-ibang grupo at maging mga eksperto upang mapalapit ang mga Pilipinong nasa ibayong dagat sa Panginoon.

“Any Filipino anywhere in the world who is facing a same challenges to cope using the word of God, using the teachings instilled by the church, tinutulungan tayong magbago from being just plain massgoers to becoming missionaries kasi yun po talaga yung goal natin,” ayon pa sa panayam ng Radio Veritas kay Bro. Jimenez.

Batay sa talaan ng Philippine Statistics Authority para sa taong 2020, bunsod ng mahihigpit na lockdowns dahil sa pandemya ay bumaba sa 1.77-milyon ang bilang ng mga OFW sa buong mundo.

Batay naman sa talaan ng Department of Foreign of Affairs ay aabot sa 220-libo ang bilang ng mga OFW at Filipino Migrants na naninirahan o nagtatrabaho sa Hong Kong.

2nd National Convention, ibinahagi ng CMSP

 17,808 total reads

 17,808 total reads Ibinahagi ng Conference of Major Superiors in the Philippines ang isasagawang ikalawang national convention sa September 1 hanggang 5 sa Zamboanga City. Ayon

Read More »

COMELEC, tuloy ang paghahanda sa BSKE

 18,561 total reads

 18,561 total reads Nananawagan ang Commission on Elections (Comelec) sa Senado at Kamara na agad linawin ang mga panukalang batas para sa Barangay at Sangguniang Kabataan

Read More »

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Halimbawa sa taumbayan

 35,769 total reads

 35,769 total reads Mga Kapanalig, kinansela ni Vice President Sara Duterte ang halos isang linggo niyang biyahe sa Japan.  Hindi ito dahil tutulong siya sa pagtugon

Read More »

Protektahan ang mga bata

 73,147 total reads

 73,147 total reads Mga Kapanalig, taos-puso tayong nakikiramay sa mga estudyante, guro, at buong komunidad ng Ateneo de Zamboanga University na naapektuhan ng malagim na pamamaril

Read More »

1,2,3 kanya-kanya na!

 104,415 total reads

 104,415 total reads Mga Kapanalig, kumusta kayo nitong mga nakaraang linggo na naging grabe ang pag-ulan?  Noong Agosto 17 lamang, umabot sa 201.7 millimeters ang ulan

Read More »

NEW NORMAL

 179,411 total reads

 179,411 total reads Kapanalig, sa nakalipas na dalawang lingo sa buwan ng Agosto 206., ating nasaksihan, ating naranasan kung paano naging “waterworld” ang maraming bahagi ng

Read More »

Ilawan ang katotohanan

 271,857 total reads

 271,857 total reads Mga Kapanalig, isinagawa na noong Biyernes ang kauna-unahang “truth-telling session” ng Truth Commission tungkol sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top