DepEd, suportado ng TDC

SHARE THE TRUTH

Send your Love Offering

SAVINGS ACCOUNT NAME

DZRV Radio Veritas Foundation, Inc.

  1. Metrobank Savings Account No.: 076-3-076270210
  2. Banco De Oro Savings Account No.: 001-630011876
  3. BPI Savings Account No.: 0213-3251-91
  4. PNB – Savings account No.: 105-910-013-091

 639 total reads

Tiniyak ng Teachers Dignity Coalition (TDC) ang patuloy na pakikiisa sa Department of Education (DepEd) sa mga inisyatibo ng paghahanda para sa school year 2022-2023 na magsisimula sa August 22.

Ayon kay Benjo Basas, chairperson ng TDC suportado nila ang Brigada Eskwela na isinasagawa sa halos lahat ng pampublikong paaralan sa kasalukuyan at Oplan Balik Eskwela (OBE)na ngayong araw ng August 15 nagsimula.

“Nakikiisa kami sa DepEd sa layunin nitong maisaayos ang mga paaralan sa pagbubukas ng klase. Kaya naman suportado namin ang Brigada Eskwela at maging itong Oplan Balik Eskwela,” ayon sa mensaheng ipinadala ni Basas sa Radio Veritas.

Ipinaliwanag ni Basas na kahanay ang mga inisyatibo sa mga panawagan ng TDC na pahabain ang bakasyon bago magsimula ang susunod na taon ng pag-aaral hanggang September 12.

Ito ay upang magkaroon ng sapat na panahon ang mga guro upang higit na paghandaan ang nalalapit na pagbubukas ng mga paaralan na paiiralin ang hybrid learning systems ng Limited Face to Face Classes, Online classes at modular learning.

Pagsapit ng Nobyembre, sa bisa ng DepEd Department Order No.34 ay ipapatupad ang 100%-kapasidad sa lahat ng pribado at pampublikong paaralan.

Ang Brigada Eskwela ay inisyatibo ng kagawaran kung saan isinasagawa ang pagkukumpuni o pagsasaayos ng mga pasilidad habang ang OBE naman ay ang hakbang kung saan tinutulungan ng mga kawani ng DepEd ang mga mag-aaral at kanilang mga magulang/legal Guardians upang matiyak na magiging maayos ang proseso ng enrollment period.

Sa pagsisimula ng bagong taon ng pag-aaral, inaasahan ng Catholic Educational Association of the Philippines (CEAP) na matutugunan ng buong bansa ang pag-usbong ng ‘Learning Poverty’ na naranasan higit na ngayong panahon ng pandemya.

BE OUR PARTNERS

THIS PORTION IS BROUGHT YOU BY

ADVOCATE

Radyo Veritas Advocacy Category by Author

Veritas Editorial

Picture of Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Just energy transition sa Semirara

 73,351 total reads

 73,351 total reads Mga Kapanalig, just energy transition now!  Ito ang panawagan ng Diyosesis ng San Jose de Antique kung saan nakapaloob ang isla ng Semirara.

Read More »

Bagong mukha ng Boracay

 108,475 total reads

 108,475 total reads Mga Kapanalig, kilala natin ang Boracay sa natatangi nitong ganda. Ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, malinaw na dagat, at magandang tanawin ay

Read More »

Ang bigat ng betrayal of public trust

 143,775 total reads

 143,775 total reads Mga Kapanalig, bagamat abalá tayo sa maraming bagay, sana ay sinusubaybayan pa rin natin ang nagpapatuloy na impeachment trial kay VP Sara Duterte.

Read More »

VP DUTERTE SIN’S

 370,044 total reads

 370,044 total reads Kapanalig, malinaw na malinaw sa Article VII, Section 13 ng 1987 Philippine Constitution na “The President, Vice-President, the Members of the Cabinet, and

Read More »

TRUTH AWARDS

 259,431 total reads

 259,431 total reads Kapanalig, ang bayan ay nahaharap sa kasalukuyan sa samu’t-saring suliranin., maging tayong mga Pilipino ay naiipit ng mga dambuhalang problema. Laganap sa bayan

Read More »

Watch Live

RELATED ARTICLES

Scroll to Top