VeritasPH

The Word, The Truth

 439 total views

Homiliya Para sa Ika-20ng Linggo ng Karaniwang Panahon, Ika-14 ng Agosto 2022, Lk 12:49-53

Medyo nakakatakot ang dating ng mensahe ni Hesus sa ebanghelyo natin ngayon. Kailangan nating pagnilayang mabuti para makuha natin ang mabuting balitang hatid nito. Sino bang hindi matatakot sa ganitong mga salita:

“Naparito ako upang magdala ng apoy sa mundo, at hangad ko na mapagningas na ito!”Sabi pa niya, “Akala ba ninyo kapayapaan ang hatid ko sa lupa? Hindi. Ang hatid ko ay pagkakawatak-watak.”

Kapag may brown-out at sanay kang matulog na may nakasinding electric fan o aircon, natural mahihirapan kang matulog. Hindi ka mapayapa hangga’t hindi bumabalik ang kuryente. At lalong hindi ka mapapayapa kung ang dahilan ng pagkawala ng kuryente ay hindi brownout kundi power disconnection dahil matagal ka na palang hindi nagbabayad ng electric bill.

Kung sasabihin ni Kristo na naparito ako para bayaran ang electric bill mo upang makonektang muli ang bahay mo sa kuryente, hindi ba good news iyon? Ano ba ang pinagmumulan ng kuryente natin kundi apoy?

Minsan nakakalimutan natin ang pakinabang na dulot ng apoy sa buhay ng tao. Palagay ko, noong panahon ng stone age, noong mababa pa ang antas o level ng sibilisasyon, ang tingin ng tao sa apoy ay isang bagay na nakakatakot. Sino ba ang hindi matatakot kapag nilamon ng apoy ang bahay mo? SUNOG ang tawag natin sa apoy na nakasisira. Madalas mangyari ang mga sunog dito sa siyudad, lalo na sa mga makipot na kabahayan sa mga informal settlers. Ang bilis kumalat, ilang minuto lang daan-daang mga pamilya na ang mawawalan ng bahay. At sabi nga nila, bagyuhin ka na o lindulin, huwag lang masunugan, kasi ubos lahat!

Kapag sunog ang unang pumasok sa isip natin kapag nababanggit ang apoy, talagang matatakot tayo. Kaya siguro sunog ang ginagamit na paglalarawan sa impyerno o kaparusahan sa karamihan sa mga relihiyon.

Pero hindi na tayo nabubuhay sa “stone age” di ba? Ang layo na ng inabot ng kabihasnan ng tao mula nang matutunan nating tingnan ang apoy sa mas positibong pakinabang nito. Di ba isang malaking bola ng apoy ang araw? Di ba hindi naman posibleng manatili ang buhay sa daigdig kundi dahil sa liwanag at init na dulot ng apoy ng araw?

Sa kasaysayan, maraming nagbago sa buhay ng sangkatauhan nang matutunan nating gamitin nang tama ang apoy. Nakaimbento tayo ng mga makina na pinatatakbo ng apoy, ang tinatawag nating “spontaneous combustion”. Maraming umunlad nang matutuhan nating gamitin ang apoy para sa power generation—para magpakilos, magpagalaw, magpatakbo nga mga sasakyan—magpalipad ng mga eroplano, magpaandar ng mga barko, magpatakbo ng mga kotse at bus. Ginagamit din natin ito para makapag-generate ng kuryenteng magbibigay ng init ng mga “heaters” kapag winter, ng lamig ng “aircon” kapag summer, ng liwanag ng mga ilaw kapag gabi.

Nalulungkot ako kapag nakakalimutan natin na sa Bibliya, apoy din ang madalas na gamitin para ilarawan ang pagsasaatin ng Diyos. Di ba sa pamamagitan daw ng isang nag-aapoy na punongkahoy unang nagpakita ang Diyos kay Moises? Di ba sa anyo daw ng mga dilang apoy bumaba ang Espiritu Santo sa mga alagad? Di ba ulap sa umaga at apoy sa gabi ang gumabay sa mga Israelita patungo sa lupang pangako? Di ba isang Kristong may nag-aapoy na puso ang paglalarawan natin sa Diyos na tumutubos sa mga makasalanan?

Kaya nga sa templo ng mga Hudyo ang gawain ng mga pari ay alagaan ang apoy para hindi ito mamatay kahit kailan. Gawain daw ng mga pari na laging alisan ito ng abo, lagyan ito ng bagong panggatong para mapanatili itong laging naglalagablab.

Talagang pakinabang ang apoy kung aalagaan ito, kung gagamitin nang tama. Pero hindi pakinabang ang idudulot nito kung imbes na alagaan, ito ay paglalaruan. Kaya may kasabihan tayo—“Huwag kang maglaro ng apoy.”

Sa Pentekostes luminaw sa mga apostol kung ano ang tinutukoy na apoy na nais dalhin ni Hesus sa mundo: ang Espiritu Santo—ang nagpapaalab sa pag-ibig ng Diyos sa ating puso at kaluluwa at nagdudulot ng pagkakaisa ng mga alagad bilang katawan ni Kristo.

Kung kayang patigasin ng apoy ang putik para ito ay maging tisa, paso, palayok o banga, kaya din ng apoy na palambutin ang matigas na bakal at tunawin ang ginto para linisin o dalisayin ito. Kaya siguro apoy din ang simbolo ng purgatoryo—hindi apoy na sumisira kundi apoy na lumilinis o dumadalisay—katulad daw ng maduming ginto na tinutunaw para alisin ang dumi nito at lalong tumaas ang kilatis o halaga nito.

Totoo, gusto nating magkaisa at ayaw nating magkawatak-watak. Pero ang tunay na pagkakaisa ay dadaan muna ng maraming pagsubok. Hindi naman tayo bigla na lang nagkaisa bilang isang bansang Pilipinas kung hindi muna tayo natutong manindigan nang sama-sama para ipaglaban ang ating kalayaan. Kinailangan munang lumaban at magbuwis ng buhay ng maraming mga bayani at martir upang tayo’y maging maging isang bayang malaya at nagkakaisa.

Pwede kasing pagkaisahan ng mga tao ang masamang hangarin. Kahit ang dimonyo ayaw daw niyang mahati ang kanyang kaharian, sabi ni Hesus. Kaya nang magkaisa ang mga nagtatayo ng tore ng Babel, sabi daw ng Diyos, “Hindi maganda ang pagkakaisang ito.” Ano ang ginawa niya? Binuwag niya. Pinagsalita sila ng iba’t ibang linggwahe kaya nagkawatak-watak sila.

Upang tunay magkaisa ang tao, kinailangan muna nating matutong makipag-usap, makinig, makipag-ugnayan, magkipagkapwa, makipagkaisang puso at diwa para sa tama, sa totoo, sa nararapat. At ito ang binigyang katuparan ni Hesus nang ipadala niya ang apoy ng Espiritu Santo. Binigyan niya tayo ng “dilang apoy”. Tinuruan niya tayong magsalita ng linggwahe ng Diyos, ang linggwahe ng pag-ibig, malasakit, katotohanan at katarungan para akayin tayo tungo sa tunay na kapayapaan at pagkakaisa.

Screenshot 2024-04-26 121114
ads
ads
2
3
4
previous arrow
next arrow

Veritas Editorial

Rev. Fr. Anton CT Pascual

Rev. Fr. Anton CT Pascual

President of Radio Veritas

Responsableng kasiyahan

 9,102 total views

 9,102 total views Mga Kapanalig, humupa na ang kontrobersyal na pagdiriwang ng tinatawag na “Wattah Wattah Festival” sa Lungsod ng San Juan.  Halos isang buwan na rin ang nakalipas nang ipagdiwang ito ng mga kababayan natin sa San Juan. Kasama sa tradisyon tuwing sumasapit ang kapistahan ni San Juan Bautista ang basaan ng mga namimiyesta. Iyon

Read More »

Kalidad ng pagtuturo

 17,087 total views

 17,087 total views Mga Kapanalig, itinalaga na ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr si Senador Juan Edgardo “Sonny” Angara bilang bagong kalihim o secretary ng Department of Education kapalit ni Vice President Sara Duterte. Sa isang editoryal, binanggit natin ang kahilingan ng ilang grupo ng mga guro na sana, ang bagong kalihim ng DepEd ay isang educator

Read More »

Mga payaso sa sirko

 24,623 total views

 24,623 total views Mga Kapanalig, may kasabihan sa Ingles na “elect a clown, expect a circus.” Kapag bumoto raw tayo ng mga payaso, asahan nating magiging sirko ang gobyerno.  Pasintabi po sa mga ang hanapbuhay ay ang pagiging payaso. Ipinaaalala lamang ng kasabihang ito kung gaano kaseryoso ang paggiging lingkod-bayan. Ang pagsisilbi sa pamahalaan ay hindi

Read More »

BPO industry

 40,608 total views

 40,608 total views Kapanalig, hindi natin maitatanggi, ang laking tulong, ginhawa, at pag-asa ang dinala Business Process Outprocessing industry o BPO, sa maraming manggagawang Filipino. Nabigyan ng opsyon ang marami nating mga mamamayan – graduate, o bagong graduate, middle aged, o kahit retired na, part-time, full-time – marami ang nagkaroon ng pagkakataon kumita dahil dito. Nakakapamili

Read More »

Balik Probinsya

 48,652 total views

 48,652 total views Kapanalig, marami ngayong Filipino ang nahahalina at pumipiling magbuhay probinsya. Malaking pagbabago ito, dahil bago mag pandemic, ang ating mga syudad, partikular na ang National Capital Region ang pangunahing migration destination sa ating bayan. Trabaho ang pangunahing rason – sa mga syudad kasi makikita ang karamihan sa mga oportunidad sa bayan. Pero iba

Read More »
catholink
Shadow
truthshop
Shadow

Related Story

Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

APOSTOL, SUGO, KINATAWAN

 307 total views

 307 total views Homiliya Para sa Ika-15 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hulyo 2024, Markos 6:7-13 Nais ko sana na itutok natin ang ating pagninilay sa araw na ito sa kahulugan ng pagiging “apostol”. Alam ko na ang karaniwang iniuugnay natin sa salitang “apostol” ay ang 12 lalaki na pinili ni Hesus mula sa kanyang mga

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BUEN CAMINO

 3,062 total views

 3,062 total views Homiliya para sa Huwebes, 11 Hulyo 2024, Paggunita kay San Benito, Mt 10:7-15 Noong nakaraang Martes, nag-bonding kami ng kapatid kong panganay. Umabot ng tatlong oras ang tanghalian namin dahil nagkuwento siya tungkol sa naranasan niyang paglalakad sa camino ng Compostela nitong nakaraang buwan. Biro niyo, sa edad na 78 ay naglakad siya

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

IN JESUS’ NAME

 7,477 total views

 7,477 total views Homily for Wed of the 13th Wk in Ordinary Time, 10 July 2024, 18th Episcopal Ordination Anniversary, Mk 10:1-7 On Thursday last week, the final day of the annual retreat of the CBCP, we has as main presider at the Eucharistic Celebration the Secretary of the Holy See’s Relations with States, Abp. Paul

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

KATATAGAN

 2,803 total views

 2,803 total views Homiliya para sa Huwebes sa Ikalabindalawang Linggo ng Karaniwang Panahon, 27 Hunyo 2024, Mat 7:21-29 “Malapit na ang giyera!” Ito ang babala ng mga propeta sa Jerusalem. Pero walang sumiryoso sa babala nila. Hanggang minsan isang araw bigla na lang nagkatotoo. Ang katuparan ng malagim na hula ay ang malungkot na kuwentong narinig

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE HEART AND THE EYE

 3,326 total views

 3,326 total views Homily for Friday of the 11th Wk in Ordinary Time, 21 June 2024, Mt 6:19-23 Today’s Gospel makes me understand the expression, “His heart is in the right place.” The idiom is understood to mean “He has good intentions despite his flaws and mistakes.” Or “He has shortcomings but he is sincere and

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GOD THE FARMER

 4,825 total views

 4,825 total views Homiliya para sa Ika-11 Linggo ng Karaniwang Panahon, 16 Hunyo 2024, Mk 4:26-34 Dalawang punto lang ang mungkahi kong pagnilayan natin tungkol sa mga talinghagang narinig natin sa ebanghelyo ngayon. Una, ang Diyos ang magsasaka, ang salita niya ang binhi. Pangalawa, tayo mismo ay para ding mga binhi. Simulan natin sa una. Ang

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

GO OUTSIDE!

 5,669 total views

 5,669 total views Homily for Friday of the 10th Week in Ortdinary Time, 14 June 2024, 1 Kings 19; Mt 5:27-32 Like I told you yesterday, the drama in the life and mission of the prophet Elijah—which has been read from the first book of Kings for the past few days now—continues today with chapter 19.

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

MAGDILANG ANGHEL

 3,924 total views

 3,924 total views Homiliya para sa Misang Paggunita kay San Antonio de Lisbon, 13 Hunyo 2024, Mt 5:20-26 “Magdilang-anghel ka nawa!” Ito ang sinasabi natin sa Pilipino pag may binigkas na hula ang iba na ibig nating magkatotoo. Isang taong may dilang anghel, ito ang turing ng mga taga-Padua kay San Antonio dahil sa tindi ng

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

SAN ANTONIO DE LISBON

 8,137 total views

 8,137 total views Homiliya para sa Bihilya sa Kapistahan ni “San Antonio de Padua,” Miyerkoles sa Ikasampung Linggo ng Karaniwang Panahon, 12 Hunyo 2024, Mat 5, 17-19 Salamat sa Marian pilgrimage ng Kaparian ng Kalookan, bukod sa dalaw namin sa lugar na pinangyarihan ng aparisyon ng Birhen sa Fatima, nakadalaw din kami sa bayan ng ating

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE “GOOD MAN”, BARNABAS

 7,370 total views

 7,370 total views Homily for Thursday of the 10th Week in Ordinary Time, 11 June 2024, Mat. 10:7-13 Today is the Feast of the Holy Apostle and Martyr, St Barnabas, whom St Luke describes in our first reading today as “a good man, filled with the Holy Spirit and faith”. In one of my past homilies

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAHANAN NG PUSO

 11,580 total views

 11,580 total views Homiliya Para sa Ika-10 Linggo ng Karaniwang Panahon, 9 Hunyo 2024, Mk 3:20-35 Ang ating pagninilay sa araw na ito ay tungkol sa pagtatayo ng tahanan, hindi lang bahay. Alam naman natin na hindi lahat ng bahay ay tahanan, di ba? Di ba may kasabihan tayo: “Mabuti na sa akin ang bahay kahit

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD AND WATER

 5,028 total views

 5,028 total views BLOOD AND WATER Homily for the Feast of the Sacred Heart of Jesus, 7 June 2024, Jn 19,31-37 I call the Feast of the Sacred Heart of Jesus a poetic feast about the mystery of the Love of Christ. Saint Paul himself sounds very poetic in our second reading from third chapter of

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”)

 5,032 total views

 5,032 total views TAO PO (HINDI “TAO LANG PO”) Homiliya Para sa Huwebes sa Ikasiyam na Linggo ng Karaniwang Panahon, 6 Hunyo 2024, Mk 12,28-34 May kuwento tungkol sa isang pusa na inanod ng agos ng baha at nakakapit sa sanga ng maliit na puno sa gilid ng estero. Nakita daw ito ng dalawang tao. Dahil

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

THE ETERNAL NOW

 5,032 total views

 5,032 total views THE ETERNAL NOW Homily for Wed of the 9th Week in Ordinary Time, 5 June 2024, Mk 12,18-27 The question raised in today’s Gospel reminds me of the story of a woman named Sarah in the Old Testament. No, I am not talking about Sarah, the wife of Abraham, but about the Sarah

Read More »
Bishop Ambo Homilies
Most Rev. Pablo Virgilio David, D.D.

BLOOD COMPACT

 5,024 total views

 5,024 total views BLOOD COMPACT Homiliya para sa Kapistahan ng Corpus Christi, 2 Hunyo 2024 Markos 14:12-16, 22-26 Sa America, lalo na noong bago nag-pandemya, sanay sila sa double species na communion sa Misa. Bukod sa ostia, umiinom din sila sa konsagradong alak. Sayang hindi natin nakasanayan ito sa Pilipinas, sa kabila ng kultura natin sa

Read More »

Latest Blogs

Scroll to Top